Thirty One

411 31 0
                                        

Borj's POV

Nasaan ka ba Roni? Anong pumasok sa utak mo para maglasing ka? Hindi na ako mapakali, tinawagan ako ni Tom pagkagaling ko sa hospital, he sound freaking worried. Sino ba naman ang hindi mapapraning? Roni is drunk and he did not know where she is. Her phone is turned off. Madami na daw siya napuntahan pero ni anino ni Roni wala kaya ako ang una niyang naisip tawagan para magpatulong.  Ang bilis ng tibok ng puso ko, baka kung ano ng nangyayari sa kanya.

Madami na din akong pinasok na bar, hindi ko siya makita. Magdadalawang oras na kami naghahanap ni Tom.  when I got a call from him, kasama na daw niya si Roni at nakiusap daw eto sa kanya na wag siyang iuwi sa kanila or dalin sa bahay ng mga kaibigan niya dahil ayaw niyang makaabot pa kila Tita Marithe ang sitwasyon niya. I suggested Tom na iuwi na lang siya sa bahay, tutal wala naman sila Lolo at Lola. Tsaka na kami mag-isip kung ano pang gagawin.

Naabutan ko pang inaalalayan siya ni Tom dahil hindi na siya halos makalakad. Binuhat ko na siya at pinabuksan kay Tom ang pinto ng bahay. Pagkahiga ko sa kanya sa sofa, bigla siyang bumangon at hawak-hawak ang bibig, agad siyang inalalayan ni Tom papasok sa banyo at doon sumuka siya ng sumuka. Hinahagod ni Tom ng kamay ang likod niya, ng makabalik na sila sa sala. Bahagyang nahimasmasan si Roni. Tom went on the kitchen to cook something for Roni para mainitan ang sikmura niya. Hawak na naman niya ang bibig niya at akmang susuka, ako naman ang umalalay sa kanya this time at pagbalik namin sa sala hindi na ako nakatiis pa..

"God damn it Roni! Anong problema mo?! Alam mo ba kung gaano kadelikado ang ginawa mo?!"

"Eh ano bang pakealam mo?! Sino ka ba sa akala mo?! Wala kang karapatan pagbawalan ako sa mga bagay na gusto kong gawin?!"

Nasa pagtatalo kami ng pumasok si Tom na may dalang soup. Hindi na ako sumagot pa bilang respeto ko na din kay Tom.

Sabi ni Tom kanina madami ng nainom si Roni sabi ng crew. Mabuti na lang at may class ang napasukan niyang bar. The crew called the manager when Roni left after settling the bill, nakita din nila na naiwan ang cellphone niya sa upuan and they turned it on and luckily nakapasok ang tawag ni Tom kaya nainform siya sa whereabout ni Roni. Thanks God, she's safe now.

"Kukuha lang ako ng wet towel Roni para makaginhawa ka." - si Tom.

"No please stay with me Tom. Okay lang ako." - si Roni. Tumabi lang sa kanya si Tom at hinawi ang buhok niya na bahagyang nakatakip sa mukha niya.

"I am scared" - mahina niyang salita pero rinig na rinig ko dahil buong atensyon ko ay nakapako lang sa kanya. At hinimas ulit ni Tom ang likod niya.

How could I say to him to stay away from my girl kung hindi ko naman kayang bitawan si Leslie. How could I do that? She's dying, mabilis ang progression ng cancer cells sa katawan niya. Akala ko makakaya ko ng ipaglaban si Roni but when I received a call from her mom na nasa hospital siya, alam kong wala ng perfect timing para talikuran ko siya. Tama na muna 'to. Kailangan mag-isip ng maayos at anong dapat gawin. Pero wala akong ibang maisip tawagan kundi si Jelai. I called Jelai and informed her about Roni. Maya-maya pa daw ang dating niya at ihatid ko na lang daw si Roni sa kanila maya pagdating niya. Wala naman daw ngayon dun sila Tito Cesar.

I took a fast shower, kahit na may tiwala ako sa pinsan ko, hindi ko pwedeng pabayaan si Roni na kasama niya sa ganoong sitwasyon. Paano kung matukso siya. Lalake pa din siya.

Pagbaba ko ng hagdan, hawak niya ang kamay ni Roni na bahagyang nakasandal sa kanya.

"Tom tapos na ako magshower, it's your turn. Ako na munang bahala dito. I already called Jelai. In 30 minutes, dadating na siya sa kanila."

He kissed her hand before he leave. Nakakarami na 'tong Tom na 'to ha. Ano na kayang status nila ni Roni.

"How are you?" - pangangamusta ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot.

"Ihahatid kita kina Jelai pagdating niya, wala naman daw sila Tito Cesar doon." - hindi pa din siya nagsasalita.

Gusto kong tumabi sa kanya at yakapin siya para maibsan naman kung anong pinagdaraanan niya ngayon. What could it be na kailangan niyang magpakalasing?

"Borj..." - napatingin ako sa kanya.
"I'm giving you up, hindi siguro talaga tayo ang para sa isa't isa. Kung anuman ang naging desisyon mo, I respect that, I understand, I sincerely understand." - malumanay ang kanyang pagsasalita. Hindi ko maintindihan kung anong ibig niyang sabihin pero hearing those words coming from her, damn! It breaks me. Para akong napako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw kahit para sagutin ang cellphone kong kanina pa tumutunog.

"Baka si Jelai na yan" - bumalik ako sa aking ulirat ng magsalita si Tom. I picked up the call, nandun na nga si Jelai sa kanila. At kahit na sobrang sakit ng nararamdaman ko ng mga oras na yun, pinilit ko ang sarili ko na maihatid siya kila Jelai. Kahit alam kong nandun naman si Tom para ihatid siya, kailangan masiguro ko na safe siyang nakarating kila Jelai.

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon