Twenty Two

401 28 0
                                    

Umalis na si Borj, hindi ko maintindihan kung anong ibigsabihin niya nung tinanong niya kung nagagalit si Basti. Iniisip niya bang kami na ni Basti, bakit naman niya naisip yun. Ayoko muna mag-isip, sobrang sakit ng ulo ko. Isang buong araw na halos hindi bumababa ang lagnat ko, ramdam ko ang lamig na sumusuot hangang sa buto ko kahit na doble-doble ng kumot ang nakabalot sa akin. Labis ang pag-aalala nila Mommy kaya pilit akong dinala sa hospital kahit labag sa kalooban ko. At eto ngayon, naconfine tuloy ako ng di oras.

Kagigising ko lang ng dumating ang barkada. Palinga-linga ako ng mahalata ni Jelai.

"Sis hinahanap mo ba si Borj?" - si Jelai.

"Of course not Jelai, I'm looking for Tonsi, kakamustahin ko sana ang coffeeshop namin" - pagtanggi ko.

"Weh? Hindi nga?" - pagbibiro ni Jelai.

"Jelai!" - at tiningnan ko siya ng masama.

"Ok fine.. parating na din yun si Tonsi, may binili lang.. Kamusta ka na Roni?"

"I think I'm better now, sa tingin ko nga pwede na ako umuwi eh at sa bahay na lang magpagaling"

"Sinong magpapagaling sa bahay?" - sabat ni Kuya.

"Hindi ka pwedeng umuwi, dito ka magpagaling, sabi ng doctor muntik ng mauwi sa pneumonia ang trangkaso mo, mabuti na lang at dinala ka namin kagad. Mahina daw kasi ang immune system mo." - dagdag pa ni Kuya, siyang pagdating naman ni Tonsi.

"Hi Roni.. How are you? Nga pala I bought you flowers and fruits" - may dala siyang fresh flowers. Ang sweet talaga ni Tonsi.

"Uuyyy.. may pa-flowers pa si Mr. Rodriguez ha.. bestfriends lang ba talaga kayo?" - kantiyaw ni Junjun.

"Alam mo Jun pwede mo ng palitan si Tito Boy Abunda sa pang-iintriga mo sa amin ni Tonsi" - biro ko at natawa naman sila.

"Ilang araw ka pa daw dapat magstay dito? - tanong ni Tonsi.

"Sabi ni Doc mga 2-3 days pa siya kung magtutuloy-tuloy ang paggaling niya." - si Missy.

"Tonsi kamusta naman ang shop?"

"Naku Roni wag mong alalahanin, mapagkakatiwalaan naman ang manager natin dun, ang importante magpagaling ka ng husto."

Nagkwentuhan lang kami dahil ngayon lang din kami ulit nagkita-kita. Malapit na pala ang kasal nila Junjun at Jelai, 6 months from now. Si Tonsi naman ipapakilala na daw sa amin ang girlfriend niya paglabas ko dito. Mga dalawang oras din sila dito at nagpaalam na din nung mahalatang sumasakit na naman ang ulo ko.

"Pano Roni? We have to go para makapagpahinga ka munang mabuti.." - paalam ni Tonsi.

"Bye sis. Pagaling ka ha. Magprepare pa tayo sa wedding ko." - si Jelai.

"Hatid ko lang sila Roni." - si Kuya Yuan.

Nagpaiwan naman si Missy pero nagpaalam na magsi-CR.

Nag-aagaw na ang antok at ulirat ko. Maya-maya pa bumukas ang pinto ngunit hindi ko na nilingon kung sino ang dumating malamang si Missy lang yun o si Kuya. Pawala na ang ulirat ko ng may humawak sa kamay ko.

"Roni are you awake?" - sigurado ako kung sino ang may-ari ng tinig na iyon. Nawala ang antok ko, gising na gising na ang diwa ko. Ngunit minabuti ko na lang hindi sumagot at magpanggap na tulog.

"Sorry if I wasn't there to take care of you, wala naman akong karapatan na gawin yun. Pero bakit naman pinabayaan ka ni Basti? Nasaan ba siya? Kung ako lang ang naging boyfriend mo, hindi ko hahayaan na mag-isa ka sa ganoong sitwasyon. Kung naaga-aga sana ako ng uwi, baka hindi ka pa nababad sa ulan at hindi mo kailangan mahospital."

Hindi ko natiis ang sumagot sa mga sinabi niya.

"Borj... hindi ko maintindihan ang sinasabi mo.. Hindi ko boyfriend si Basti. Matagal na din nung huli kaming nagkita. Saan naman galing ang ideyang yan?"

"I saw the two of you that night sa harap ng bahay niyo, you kissed and hugged each other." - tipid niyang sagot.

"That night? Yun ang huling araw na nagkita kami, he said he still loves me pero naunawaan niya na may ibang laman ang puso ko at tinanggap niya yun kaya't nagpaalam na kami sa isa't isa."

Nakita ko ang kakaibang reaksiyon sa mukha niya. Pero hindi ko yun mawari.

"Roni..." - bakas sa mukha niya ang kalituhan.

"Borj naging selfish ako more than half of my life, natakot akong aminin sayo ang nararamdaman ko. Yes Borj, tama ka, tama ang naramdaman mo, mahal na kita noon pa man and I'm so stupid na pinagdudahan ko ang maging ang sarili kong nararamdaman at hindi ko na papalampasin pa ang isa na namang araw para sabihin sayo 'to... I love you Borj...

Hindi na ako nag-isip kung anong magiging tingin niya sa akin pagkatapos kong aminin sa kanya ang nararamdaman ko. Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko. Bakas ang pagkabigla sa mukha niya.

"Roni.... I'm sorry pero....G-girlfriend ko na si Leslie.."

Para akong mawawalan ng ulirat sa narinig ko mula sa kanya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ako makahinga. Hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at tumalikod na lang ako. Naramdaman ko ang pagkapahiya pero higit sa lahat ang malalim na sugat ng puso ko na tila ba mauubusan na ng dugo.

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon