Sa hotel..
"Ang tagal naman nila Roni, dinner na tong sineserve sa atin, wala pa din," - Jelai na naiinip na sa pagdating ng kaibigan.
Nasa fine dining area sila ng hotel kasama ang couple na si Yuan at Missy.
"Ang tagal naman ng bisita ko hon," - bulong ni Yuan sa asawa.
"Hindi kaya magalit si Roni dahil hindi mo sinabi sa kanya kung sino ang bisita mo," - bulong din ni Missy.
"Ayan na pala sila eh," - Jelai.
Nakita kong tumayo si Jelai para salubungin ako pero bigla na lang siyang natigilan. Napansin ko din ang kakaibang saya sa mukha ng iba pang kaibigan ko na nasa table.
"Guys what's wrong? Kami lang 'to" - pagbibiro ko.
Biglang tumayo na si Kuya Yuan papunta sa direksyon ko, akala ko ay sasalubungin niya ako ngunit nilampasan niya kami. At narinig ko na lang...
"Borj pare! Welcome back!," - sigaw ni Kuya Yuan na may galak. Sabay tumayo na din at patakbong sumalubong ang iba pang mga kaibigan ko.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig na natigilan sa pangalang narinig ko. Hindi ko maintindihan ang kaba ng dibdib ko, para etong bomba na malapit ng sumabog lalo na ng marinig ko ang isang pamilyar na boses.. Hindi ko alam kung lilingon ba ako o hndi. Naramdaman ko na lamang na may humawak sa kamay ko at somehow I feel a bit calm.
Alam ni Tonsi ang lahat ng pinagdaanan ko. Kung ilang beses akong umiyak at nagmukmok. Hinawakan niya ang kamay ko para icomfort ako at magbalik sa ulirat.
"Oh hi Borj! How are you?" - pangangamusta ni Tonsi sa kanya habang hawak pa din niya ang kamay ko, Borj is finally in front of us. Wala pa din kupas ang kagwapuhan niya at lalong lumakas ang appeal sa suot niyang polo. Mas manly na siya tingnan ngayon kesa dati. Gusto ko siya hawakan para malaman kung totoo bang nasa harap ko na siya pero wala akong lakas ng loob.
"Kamusta pare?" At inabot ni Borj ang kamay niya para makipagshake hands kay Tonsi. Inabot naman ni Tonsi ang kamay niya dahilan upang bitawan niya ang kamay ko.
"Hi Roni, it's been a while, kamusta ka na?" - kaswal na pangangamusta sa akin ni Borj ngunit ngumiti naman siya.
Hindi naman na ko nakasagot dahil bigla ako nakaramdam ng hilo at para akong bubuwal ngunit naalalayan naman ako agad ni Tonsi.
Nataranta ang lahat. At pinalibutan nila ako.
"Roni what's wrong? Ok ka lang ba?" - pag aalala ni Kuya sa akin.
"Ok lang ako Kuya, don't worry about me, siguro puyat at pagod lang to. Punta muna ako sa room, excuse me guys. Pasensya na, pahinga lang ako sandali." - finally nakapagsalita din ako. I can't believe this is happening. Ang lalakeng matagal ko ng hinihintay ngayon ay nasa harap ko na.
"Hatid ko muna si Roni guys," - paalam ni Tonsi.
"Sama na ako para mababa ko na din mga gamit ko" - Borj.
Nauuna kaming naglalakad ni Tonsi, nasa likod lang namin si Borj. Hindi ko pa din maintindihan ang nararamdaman ko hangang sa tumigil na kami sa tapat ng room ko.
"Thank you Tonsi," - and I give him a sincere smile.
Si Borj naman ay napansin kong mataman kaming pinagmamasdan na huminto na din sa tapat ng isang kwarto.
"Are you sure you're ok now? You want me to get you something?" pag-aalala ni Tonsi sa akin.
"No, Tonsi.. don't mind me.. ok na ako.. balik na din ako dun maya-maya.. papahinga lang ako sandali." - Nakikiramdam kong sabi. Batid kong nakatingin pa rin sa amin si Borj at pumasok na sa room niya.
Umalis na din si Tonsi, binaba ang mga gamit sa room niya at saka bumalik sa dining area.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko kanina, muntik na akong mawalan ng malay. Hindi ko inaasahang makita siya after 5 years na walang balita o kahit anong paramdam. Hindi ko alam kung paano magrereact whenever he's around. Para akong kinakapos ng hininga. Ang gwapo pa din ni Borj, those expressive and sincere eyes. Gusto ko sana siya kausapin, gusto ko siya kamustahin pero para akong naengkanto sa pagkabigla. Nanghina ang mga tuhod ko at umurong ang dila ko. Parang ayoko ng bumalik sa dining area, parang hindi ko siya kayang harapin.
Humiga ako sandali sa kama, huminga ng malalim at pumikit. Nakakatulog na ako ng biglang may ngdoor bell sa room ko. Pagbukas ko ng pinto ay sinalubong ako ng yakap ni Jelai.
"I miss you so much sis!" - Jelai
"Miss na din kita Jelai"- Roni
"Masama pa rin ba ang pakiramdam mo? Sinundan na kita kasi ang tagal mo eh" - Jelai na halata ang excitement sa mukha.
"Ok na ako sis, napagod lang sa byahe," - Roni
"Bakit parang matamlay ka? Hindi ka ba excited ngayon lang tayo ulit nagkita-kita, besides Borj is here na din, kumpleto na tayo after 6 years," - Jelai.
"Yun na nga sis eh, ewan ko, naninibago lang siguro ako, hindi ko ineexpect na darating siya ngayon, alam niyo ba ang tungkol dito?" - Roni
"Hindi din, kanina lang, binalita lang ni Yuan, sila nila Junjun talagang nilihim nila ang pagdating ni Borj para daw mas masaya. Bakit Roni may problema ba? Love mo pa din si Baby Borj 'no? Uuuyyyy.. aminin!" - habang kinikiliti ako.
"Ano ba Jelai hindi na tayo mga bata? Wag mo ko bibiruin ng ganyan sa harap nila please lang.. baka kung anong isipin niya," - Roni na hindi malaman kung paano magrereact.
"Niya? Sinong niya?" - pagmamaang-maangan ni Jelai sa kung sino ang tinutukoy ko.
"Sino pa ba Jelai? Eh di siya.." - Roni na hindi masabi-sabi ang pangalang Borj.
"Sino nga kasi?"-pangungulit ni Jelai.
"Siya nga Jelai," - pagsusungit ni Roni.
"Sino si Baby Borj mo? Bakit di mo masabi ang name niya?, Hay naku sis, ayusin mo halatang-halata ka eh," pambubuska pa ni Jelai sa akin na ngingisi-ngisi.
"Halika na nga sis, baka kung saan pa mapunta 'tong usapan natin," pagyayaya ko sa kanya para makaiwas sa panunukso ng kaibigan.
Pagkatapos magpalit ng damit ay bumaba na kami.
BINABASA MO ANG
My Happy Ending
FanfictionIt was just a memory. Yung dating inakala ni Roni na walang katapusang saya, ngayon bahagi na lamang ng kanyang alaala. Puno ng pagsisisi at pag-iisip kung ano nga bang posibleng nangyari kung naamin lamang niya sa kanyang sarili at sa lalakeng kany...