Borj's POV
It feels good na nasabi ko na kay Tonsi ang problema ko. Kahit papaano gumaan ang kalooban ko. Sana gumana ang mga plano namin. Kamusta na kaya ang Babe ko, hindi yata napapatawag or text ah. Nakauwi na kaya siya sa bahay. Sa bagay gabi na din, puntahan ko na nga lang.
Salcedo's Residence..
Bukas ang pinto ng bahay nila Roni, may mga nakakalat na gamit sa sahig na parang may kaguluhang naganap. Bigla akong kinabahan kaya agad-agad ay chineck ko lahat ng kwarto sa baba pero wala si Roni.
"Roni! Babe! Nasaan ka?!" - halos pasigaw ko ng sambit. I hope she's ok. Patakbo akong umakyat sa taas at may mga nakakalat pa ding gamit sa dinadaanan ko.
Bahagyang nakaawang ang pinto ng kwarto ni Roni, patay ang ilaw pero rinig na rinig ko ang paghagulgol niya. Agad kong binuksan ang ilaw at nakita ko si Roni na nakasalampak sa isang sulok at patuloy sa pag-iyak.
"Babe what happened?!" - sabay takbo ko sa kinaroroonan niya.
"Tell me anong nangyari?!" - habang yakap-yakap ko siya pero nagulat ako ng bigla niya akong itulak palayo.
"Get off me!" - sigaw ni Roni.
Nagulantang ako sa ginawa niya. Muli siyang humagulgol. At muli ko din siyang nilapitan para pakalmahin ngunit isang malakas na sampal ang sumalubong sa mukha ko. Hindi ko inaasahan ang ginawa niyang yun. No doubt, galit siya sa akin.
"Hindi ka ba makaintindi Borj?! Wag mo akong mahawak-hawakan. Nandidiri ako sayo?!"
"Babe ano bang nangyayari?" - nanlulumo akong umupo malapit sa tabi niya.
"Hindi ba dapat ako ang magtanong niyan?! Anong nangyari Borj?! Paano mo yun nagawa sa akin?!"
"Ano bang sinasabi mo?" - pero kinakabahan na ako dahil isa lang ang naiisip kong dahilan ng ipagkakaganito ni Roni.
"Alam mo kung anong sinasabi ko Benjamin Jimenez. Wag ka magkunwaring wala kang alam. Napakagaling mong magpaka-inosente!"
Eto na nga ang kinatatakutan ko. Naghahalo ang galit at takot sa kaloobam ko. Galit para kay Jane dahil sigurado siya ang nagsabi kay Roni ng lahat at takot na baka hindi na maisalba pa ang relasyong pinaka-iingatan ko.
"Roni let me explain please. Makinig ka muna sa akin." - sabay hawak ko sa kamay niya.
"Masarap bang humalik si Jane Borj?! Magaling ba si Jane sa kama?! Ilang beses niyo ng ginawa?! Bakit Borj?! Dahil ba hindi ko kayang ibigay kaya hinanap mo sa iba?!" - sunod-sunod ang mabibigat na tanong ni Roni. Halos hirap na siya makahinga dahil sa kaiiyak. Parang dinudurog ang puso ko, ang tanga-tanga mo kasi Borj. Ang tanga-tanga mo! Bakit hinayaan mo na namang mahulog ka sa gantong sitwasyon.
"Babe, kung anuman ang sinabi sayo ni Jane hindi yun totoo. Walang nangyari sa amin. Ikaw lang ang mahal ko Roni. Please pakinggan mo muna ako."
"Nakita ng dalawang mata ko ang kababuyang ginawa niyo Borj?! Kailan niyo pa ako niloloko?!"
"Maniwala ka naman sa akin Roni, please..." - at mula sa likod niya ay niyakap ko siya ng mahigpit, parang ayaw ko na siyang bitawan.
"Mahal na mahal kita Roni."
"Mahal?! Ganyan ka ba magmahal Borj?! Pinapaniwala mo lang pala ako sa pagmamahal na yan. Mahal mo lang ang sarili mo Borj. Alam mo kung anong masakit??? Naging honest ako sayo Borj at buong-buo ang pagtitiwala ko sayo pero all this time niloloko mo lang pala ako. Sana hindi ka na lang bumalik sa buhay ko Borj."
"Babe please wag mo naman sabihin yan." - hindi ko gusto ang naririnig ko mula kay Roni at lumalaki ang takot ko.. parang alam ko na ang gusto niyang sabihin.
"Let's end this Borj. Ayoko na.. pagod na ako Borj."
Para akong nabingi sa mga narinig ko. Ang bawat salita niya ay parang patalim na sumasaksak sa puso ko.
"No... Hindi Roni... Hindi ako papayag. Hindi pwede!" - at hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kanya.
"I want my freedom Borj. Pabayaan mo na lang ako. Wag mo akong gawing isa sa mga laruan mo." - habang pilit siyang kumakalas mula sa mga bisig ko.
"Babe alam mong hindi totoo yan, alam mong totoo ang pagmamahal ko sayo. Wag mo sana hayaang mangyari ulit 'to sa atin. I'm sorry my princess pero yan lang ang tanging kahilingan mong hindi ko maibibigay, ang hindi ka mahalin.. Mga bata pa lang tayo Roni alam ko na na ikaw ang babaeng para sa akin. Hayaan mo akong patunayan yan ulit sayo at hinding-hindi na tayo magkakahiwalay. Aalis ako ngayon kung yan ang gusto mo pero hindi kita isusuko Roni, hinding-hindi ko isusuko ang pagmamahal ko sayo." - gamit ang natitirang lakas ko ay pilit akong tumayo, kahit labag sa kalooban ko ay pansamantala kong iniwan ang babaeng pinakamamahal ko. Sa pagtalikod ko ay nangibabaw sa gitna ng katahimikan ang pagtangis ng babaeng pinakamamahal ko.
BINABASA MO ANG
My Happy Ending
Fiksi PenggemarIt was just a memory. Yung dating inakala ni Roni na walang katapusang saya, ngayon bahagi na lamang ng kanyang alaala. Puno ng pagsisisi at pag-iisip kung ano nga bang posibleng nangyari kung naamin lamang niya sa kanyang sarili at sa lalakeng kany...