Special Chapter #1

794 25 18
                                    


Special Chapter

"1"

The Wedding and Before that Happy Ending


Elex's POV



Sa maraming pagkakataon na pilit kaming sinusubukan ng panahon, masasabi kong nagiging mas matatag kami ngayon ni Rain. Walang araw na hindi niya pinupunan yung mga sandaling nagkawalay kami ng mga magagandang alaala. Bawat saglit at minuto nito ay tila ba isang panaginip na ayaw ko ng magising pa. Pero napagtanto ko na realidad ito at hito ako ngayon sa tabi ng taong pinakamamahal ko, pinagmamasdan ang mga nakangiti niya mga labi, mga matang naaaninag ko na masayang nakatanaw sa magandang taniman, at maamong mukha na kasing lumanay ng pagmamahal niya sa akin. Hindi ito basta isang panaginip lamang kung hindi ang realidad na sa wakas ay nasa tabi ko na ang taong pinakamamahal ko. Ang taong hiniling ko na makasama buong buhay ko. Ang pupuno ng lahat sa akin.

"Why?" hilaw niyang ngiti habang nakatingin sa akin. Pinagmamasdan ko lamang kasi ang kanyang napaka-among mukha na malumanay na tinititigan ako ngayon. Sobrang gwapo ng nobyo ko at hindi ako makapaniwalang mahal na mahal ako nito. Sa kabila ng kasarian namin ay labis niya akong minamahal at ang relasyong meron kami ngayon kahit hindi man sang-ayon ang mga hindi nakakaintindi sa ganitong pagmamahalan ay hindi ko na naiisip iyon, sapagkat nasa tabi ko lang si Rain ay wala na akong iisiping iba bagay kung hindi ang taus-puso niyang pagmamahal sa akin.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at muling pinagmamasdan ang magandang tanawin ng mga pananim sa paligid. Saglit ay napangiti ako at napaisip, na tila ba nanumbalik ang sigla na biglang umaliwalas ang lahat sa Esperanza nang magbalik ang taong kay tagal na nawala sa nayon na ito. Naaalala ko dati na tila hindi ito ang Esperanza na kinagisnan ko nang mawala si Rain. Na tila isa itong malungkot na lugar na kailangan kong pagtiisan dahil dito namatay ang pag-ibig na akala ko ay hindi na magbabalik pa. Ngunit dumating ulit siya, nanatiling naging tapat at walang ibang minahal kung hindi ang isang tulad ko na halos sumuko na para sa aming dalawa.

"Hey, why are you crying?" sambit niya na agad na hinawi ang mga tingin ko sa kanya at pahiran ang mga luhang hindi ko alam na nag-uunahang bumagsak sa aking mga pisngi.

Hindi ko lang talaga mapagtanto ang lahat kung bakit sa kabila ng mga nangyari ay tila ba sobra-sobra ang kasiyahan na binibigay sa akin. Hiling ko lang naman na makasama siya pero hindi ko inakala na panghabambuhay na.

"Lex, you're always crying since I announced that I'm going to marry you," sabi niya habang pinapahid ang mga luha ko.

"I just can't believe it this time..." sabi ko nang pinutol niya ako.

"Then believe it... that I'm going to be yours forever. I love you, Elexis" sabay halik sa aking mga labi.

Malugod ko itong sinuklian at dama ko rito ang labis na pagmamahal niya. Totoong pagmamahal na sobra kong inaasam sa kanya.

"I love you too," sambit ko nang maghiwalay ang aming mga labi saka niya ako binigyan ng matamis niyang mga ngiti, sabay halik sa aking noo. Bakit ba binayayaan ako ng isang tulad ni Rain? Sobrang pagmamahal na kailanman hindi ko inakala na darating para sa akin.

Ilang buwan na rin noong nagbalik siya dito sa Esperanza at sa harap ng maraming taga rito ay inanonsyo niya ang pagmamahal niya sa akin. Sa harap ng maraming tao pinakita niya ang pag-ibig niya para sa akin. Ngunit mga sumunod na araw ay naging isang mabigat rin na pasanin sa kanya. Hindi pa sang-ayon ang aking mga magulang at hindi pa kombinsedo sila sa handang pagmamahal ni Rain sa akin. Sinubukan rin siya ng katatagan sa maraming pagsubok kina Papa at Lola Esmeralda, at hindi siya nagpatinag rito. Ginawa niya ang lahat upang makuha niya ang pagsang-ayon nila sa kanya para sa akin. At iyon ang pinaka nahabag ang puso ko sapagkat pinakita niya sa buong angkan ko na desidedo siya at habang buhay niya akong mamahal. Sumumpa siya sa harap ni Lola Esmeralda na mamahalin ako kahit ano mang pagsubok ang dumaan sa amin, at hanggang ngayon pinapakita niya pa rin iyon. Lahat dito sa buong nayon ay kinuha niya ang simpatya nila, na ako ang mamahalin niya at wala ng iba.

🎉 Tapos mo nang basahin ang Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB] 🎉
Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon