Chapter 19

1.9K 82 1
                                    

Chapter 19


Neil's POV


Dumating din ang araw na labis ko na lamang kinasasabikan pero lalo ko ring ikinakaba. Kinasasabikan dahil alam kong pupunta siya sa mismong araw ng kapanganakan ko pero kinakabahan dahil hindi ko alam ang tamang sasabihin sakanya. Gusto ko maging masaya muna ang araw na to hanggang sa maaari dahil kapag nagkataon na sasabihin ko na sakanya ang lahat ay alam kong wala ng kasiguraduhan ang maibalik ko siya sa aking piling. Kaya hanggang sa maaari gusto ko munang maging masaya ang gabing ito.

Habang binabati ako ng mga taong dumalo sa party ay hindi nawawala saakin ang kaba lalo na nong tumawag si Lyle na kukunin na niya sila Elex.

Nasa kalagitnaan ako ng pagsasaya nong may mahagip ako na mukha na ikinaalis ng aking mga ngiti sa labi.

Nakita ko kung paano sila binati ni Daddy kaya wala sa isip akong lumapit agad sa kanila.

"Nice party Mr. Sandoval... where's the birthday boy?" sabi ng Papa ni Yonice na masayang nakikipagkwentuhan kina Tito at Daddy.

"Speaking of... his on his way here" saad ni Tito nong makita niya akong palapit sa kanila.

Lahat sila ay napatingin sa kung saan nakatingin si Tito at labis na lamang ang aking pagkadismaya nong makita ko si Daddy na walang pinagbago ang mukha simula nong malaman niya ang nagawa ko.

"Good evening po sainyo" bati ko sa bagong dumating at saka tinignan sila Daddy at Tito na nagtatanong kung bakit sila andito.

Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa pagitan namin lahat kaya agad itong binasag ni Tito nong parang naging nagkakailangan na saaming lahat.

"Why don't we eat first?" tanong agad ni Tito para maiba ang timpla ng paligid na agad namang sinang-ayunan ng mga magulang ni Yonice habang ito ay napatingin saakin na hindi ko na pinansin kaya sumama na lang ito sa mga magulang niya habang kami ni Daddy ay naiwan dito.

"Why are they here?" tanong ko kay Daddy na tinignan ang paalis na magkakapamilya.

"It's a shame for us not to invite them just because the turmoil you made. Maybe a little compensation for what my son did." Tugon ni Daddy saakin na hindi man lang ako nilingon saka umalis na lang saaking harapan.

Kahit hindi man niya sabihin ay alam kong may galit ito sa nagawa ko sa kanila. Nakabuntis ako at kahit na hindi pa sigurado ang lahat ay alam kong kagalit-galit parin ang pagpapabaya ko sa sarili ko. Nainis na lamang ako sa aking sarili sa dito. Sumunod na lamang ako sa kanila para man lang hindi ako maging bastos sa paningin nila.

Pagkatapos ng kaunting salo-salo ay binuksan namen ang pool area para sa mga gustong maligo na agad naman sinunggaban ng mga hukluban ko na mga kaibigan. Noon ko pa balak ito pero ang nakakalungkot ay hindi ko kasama si Elex. Siya dapat ang kasama ko dito na naliligo dahil noon pa man ay gusto ko siyang turuang lumangoy.

Nasa gitna ako ng pagbabalik-tanaw ko nong biglang may nagsalita sa harapan ko.

"Me I set with you?" tanong nito saakin na agad ko naman tinignan. Hindi pa man ako nakasagot ay umupo na ito sa tabi ko.

Para naman akong siraulong gustong magwala dahil sa lakas ng loob nitong tumabi saakin dito sa may pool area.

"I'm sorry pala kung dumating kami pero hindi ko naman talaga balak na dumalo rito kasi nahihiya ako sa'yo" sabi ko na ikinatingin ko dito at ganon rin ito saakin.

Sasabihin ko n asana sa kanya ng harapan na may galit ako dito at hindi ko gustong makita siya kung hindi ko lang mahagilap si Lyle na kanina pa pala ako senisenyasan kaya agad ko itong pinuntahan.

Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon