Chapter 77

765 29 0
                                    


Chapter 77


Elex's POV



Dumaan ang isang semester at ramdam ko na ang pagod at hirap ng isang college student. Talagang hindi biro dahil ito na ang huling sandali na kailangan maging seryoso ka sa lahat ng mga gagawin mo ngunit itong kasama ko ay parang chill lang at walang problema ihalos ibagsak niya yung isang major subject dahil kulang siya sa output.

"Hindi ka ba nangangamba sa susunod sa subject Nico?" tanong ko sa kasama ko na may pasipol-sipol pa habang binabaktas namin ang daan sa susunod namin na subject.

"Bakit naman? Ano ba yung susunod na subject natin?" tanong ni mokong na ikinarolyo ng mata ko.

Hindi ko alam kung seryoso ba talaga ito sa pag-aaral ko sadyang talagang nagbabantay lang ito sa akin. Sana nag-apply siyang Security Guard ng University baka matanggap ko pa ang pagiging chill niya.

"Is it Figure Drawing right?" tugon ni Lyle na ikinatingin ni Nico dito.

"Huh? Ngayong araw ba yon? Anong petsa ba ngayon? Naku naman hindi ko nadala yung mga drawing instruments ko" sabi ni kumag.

"If you want, I can lend you some of my extra pencil and pastels" mungkahi ni Lyle sa kanya na hindi tinanggap ni mokong.

"No thank you my Lexie will let me borrow his precious pencils and pastels" sabi ng kumag sabay akbay sa akin. Na agad kong tinanggal ang mga kamay nito.

"Huwag na at baka babaliin mo na naman... akala naman niya kidali bumili ng required na brand eh sobrang mahal non" anang sabi ko rito na ikinalungkot ng kanyang itsura.

Hindi ko nakayanan ang mga ginagawa ni Nico tulad ng pagpapacute dahil hindi bagay sa kanya. Para siyang bading.

"Di ba pinalitan ko naman iyon? Limang piraso pa nga eh bakit ayaw mong magpahirap eh galing naman din iyon sa akin" pagmamaktol ng kawawang bata.

"So nangunguwenta ka na ngayon sa ibinigay mo? Huwag kang mag-alala at ibabalik ko sa'yo lahat" sabi ko rito na mas lalong ikinalungkot ng kanyang itsura.

Ang totoo naman niyan ay ipapahiram ko naman talaga sa kanya iyon dahil alam kong makakalimutan niyang dalhin ang mga gamit niya. Ulyanin na kasi kaya parating nakakalimot o sadyang may ginawang kabalastugan ito lalo na at parating matagal itong lumalabas ng banyo.

Hindi na ako lumipat pa dahil nong nagpasama ako kina Jandi at Cloudi na maghanap ng dormitory within sa campus ay lahat ay pinanghihinalaan nila akong babae kaya sa huli napapayag akong tumira kasama si Nico pero may mga kuwarto kami.

"Okay everyone settle down... today we will be having a new figure to draw..." dada ng propsora namin.

Napatingin ako sa malungkot na itsura ni Nico dahil natatakot itong sa guro namin, nong huli kasi ay napagalitan ito dahil hindi na naman nagdala ng drawing instruments kaya hito ako dinalhan na siya.

"...but we have a problem since our model has run to an errand and I'm afraid I couldn't find a volunteer to replace him on time... so I think to ask somebody in this section to volunteer to be our model to be sketch... anyone from this section?" tanong ng propesora namin na ikinatahimik ng karamihan.

May ideya na kasi kami sa gagawin dahil sinabihan kami ng ibang section na guguhit kami ng hubad na lalaki. Wala namang mali doon dahil iyon naman ang sentro ng subject na ito. Figure Drawing. Mga tao at bagay talaga ang iguguhit namin dito.

Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon