Chapter 17

2K 81 10
                                    


Chapter 17


Elex's POV


Habang nag-aayus na para umalis ay nailang naman ako sa mga matang nakamasid lang saakin. Tinignan ko sila sa repleka ng salamin at tinaasan ng kilay.

"Hindi niyo ba gusto yung suot ko?" tanong ko sa mga kaibigan ko na parang nagpapakita ng disgusto sa sinuot ko.

Nagsulot lang kasi ako ng loose na jacket na kapag makakalimutan kong itaas ay makikita ang balikat ko pero pinalooban ko naman ito ng kulay abo ng sando at short na maikli na nangalahati lang sa hita ko. At isang itim rin na sapatos. Pakiramdam ko kasi kailangan ko lang dahil ihahatid ko na yung mga alaala ko sakanya sa huling hantungan.

"Ikaw na maputi" sabi ni Jandi na inirapan pa talaga ako.

"Mas bumagay sa'yo yung suot mo Lex pati na rin yung kulay. Mas timingkad ang kulay ng balat mo dahil sa suot mo" puri saakin ni Cloudi.

"Huwag mo nga yang puriin, baka hindi nay an makatulog eh" sita ni Jandi kay Cloudi na nagpapakita ng pagkairita dito.

"Inggit ka lang..." panunukso ko dito pero inirapan ako ng bruha.

Napangiti lang kami ni Cloudi sa ekspresyon ni Jandi kasi ang sarap niyang awayin lalo na kapag umiirap ito na halos puti na lang sa mata niya ang nakikita. Aaminin ko naman na hindi mo makikitaan si Jandi ng kagandahan sa panlabas pero hindi naman siya pangit. Sadyang iba lang talaga yung datingan niya kasi para siyang barako. Kung lalaki siya ay siguro don ko sasabihin na gwapo sana si bakla.

"Sige mang-inis pa kayo, akala mo naman magsasaya eh magpapaalam lang naman"

Nakaramdam naman ako ng lungkot sa sinabi niya kasi kahit ano palang gawin naming pagsasaya ay mawawala lang din naman kasi napagdesisyonan ko na kasi na tuloyan ng kalimutan si Neil. Pupunta ako sakanya para makipaghiwalay na dahil hindi pa namen napag-uusapan yun.

Nakita kong lumapit si Cloudi saakin at hinawakan ang mga kamay ko.

"Alam mo, tama lang tong gagawin mo. Kahit saan kasi natin anggulo tignan ay ibang usapan na yung pagiging ama ni Neil kaya mas mabuti lang ito na gawin mo." Pagpapalubag loob ni Cloudi saakin.

"Para kasing biglaan lang." sambit ko dito na napatingin sa ibang direksyon dahil ayaw kong makita ako ni Cloudi na mapapaluha na naman pero hindi naman ako nakatakas kay Jandi.

"Ano ba talaga Elex? Sasaktan mo na lang ba ang sarili mo kasi hindi mo siya mabitawan? Pinaglaruan ka nga di ba ng damuhong yun tapos hito gusto mong umatras kasi biglaang lang? Nako ha nakakaubos ka ng mga damit ko sa puro basa ng luha mo" sita saakin ni Jandi.

Napabuntong-hininga na lang ako sa sinabi nito kasi totoong hindi ko pa kayang bitawan si Neil. Umaasa pa rin ako sa iisang katiting na bagay na alam ko namang malabo ng hawakan.

"Hays... tama na yan. Iiyak ka na naman niyan eh. Tama si Jandi, Lex. Mas mabuting bitawan mo na Neil kasi ibang usapan na yung talaga yung nakabuntis siya." Pagsang-ayun naman ni cloudi sa sinabi ng Jandi habang ako naman ay pilit iyon na sinasaksak sa kukute ko.

"Tignan mo yan oh, nawala na yung kaunting blush on mo." Sabi ni Jandi ay nilagyan ako ng kaunti sa mukha dahil para daw kahit magbreak-up kami ni Neil ay maganda pa rin daw ako.

Natigil naman kami sa ginagawa nong may kumatok saamin.

"Ate! Andito na sundo niyo! Huwag ka ng magpaganda kasi pangit ka naman!" sigaw ni Deme na nang iinis pa talaga saakin.

Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon