Chapter 66
Rein's POV
Kahit anong masasakit na mga salita ang bibitawan niya, ay mas nangingibabaw pa rin sa akin ang pagmamahal sa kanya. Titiisin ko lahat dahil mahal ko siya at alam kong nasaktan ko ang damdamin kaya nabitawan niya ang ganoong masasakit na salita. Hindi ko sinasadyang humantong kami sa kung ano yung nangyari sa amin dahil minsan hindi pumasok sa isip ko na pinagsisihan ko ang magisa minsan kami.
"Kung may higit na salita pa para sa kapatawaran Lex, ay babanggitin ko, huwag mo lang akong iwanan" nakakababa man ng dignidad sa isang lalaki na umiyak pero kung ang pagtangis ng aking mga luha ay para sa kanya ay handa kong ibuhos lahat ng huling patak nito dahil mahal na mahal ko siya.
"Bitiwan mo na ako Rein... aalis na ako"
"HINDI!... hindi ka aalis, dito ka lang. Dito ka sa tabi ko mananatili ka lang" muli kong pagtangis.
"HINDI KITA MAHAL!!!" bulyaw niya na tuloyan ng ikinawasak ng katatagan ko para labanan ang posibling sakit na mararamdaman.
Pero siguro masyado ko lang siyang ginigiit sa mga bagay na gusto ko. Baka nasasakal ko na siya sa kabila ng pagmamahal ko. Pinipilit siya maging yung taong gusto ko pero ang totoo ay may pag-aalinlangan pa rin ako. Mahal ko siya pero binubuo ko pa iyon at mali ako, kasi dapat buo ang pagmamahal ko at walang kulang na ibibigay para sa kanya.
Agad ko ng kinalas ang pagkakayakap dito at sa huling sandali ay sisilayan ko ang kanyang mukha. Ngunit isang kamalian lang pala ang muling pagtingin sa kanyang mukha, lalo na ang kanyang mga matang lumuluha.
"Bakit ka umiiyak?" sambit ko habang pinapahid ang mga luhang lumalandas sa kanyang mga mapupulang pisngi.
Wala siyang naging tugon at tanging pagtangis lang ang kanyang ginawa habang umiiling sa akin. Para naman akong sinabunutan ng tinik sa dibdib ng muli niyang ilapat ang kanyang mga labi sa akin. Hindi ko maintindihan ang kanyang pahiwatig pero alam kong kailangan naming dalawa ito. Dahilung ito man ang huling paalam niya sa akin ay lubos kong tatanggapin ito sa puso ko.
"Bakit ka pa rin umiiyak?" muli kong tanong nang hindi humuhupa ang kanyang mga hikbi at sa muling sandali ay natamasa ko na naman ang kanyang malalambot na mga labi.
Kung hindi niya ito titigilan ay baka tuloyan ko ng hindi mapigilan ang sarili kong angkinin siya sa huling sandali kong nais man niya akong iwanan.
"Bakit?" hingal kong sambit sa kanya habang tinititigan niya ako direkta sa aking mga mata.
Nangungusap ang kanyang mga titig ng mga bagay na nais niyang isambit sa akin pero gusto kong marinig mula sa kanya. Gusto ko sa bibig niya mismo lalabas ito. Gusto ko ng makasigurado.
"Mahal mo ba talaga ako?" untag niya sa akin.
"Hindi ko na alam..." agad kong tugon sa kanya dahil ngayon ay parang wala ng kasiguradohan sa akin ang lahat.
Kung noong una ko siyang makita ay nakikita ko na ang kinabukasan ko ngunit sa sandaling ito ay parang tuloyan na itong naglalaho. Pero gusto kong subukan, sa kanya kung sakaling tutugutan niya akong ipadama sa kanya ang pagmamahal ko.
Muling lumandas sa kanyang pisngi ang mga luhang tumangis mula sa kanyang mga mata. Nasasaktan akong makita ang bawat patak nito kung kaya nanaisin ko na ngayon na hindi na ito muling makita pa.
"Pero subukan ulit natin Lex" sambit ko na ikinasilay ng ngiti sa kanyang mga mata.
Muling naglapat ang aking mga labi hanggang sa sunod-sunod na mapupusok na mga halik at iginawad namin sa isa't-isa para muling tamasain ang pag-ibig na hindi pa kami sigurado pero unti-unti na naming binubuo ngayon, at sana man lang sa sandaling ito ay wala ng pangamba na uusbong sa aming mga damdamin.
BINABASA MO ANG
Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]
Fiksi RemajaElex was dumbfounded after he caught his boyfriend cheated on him. It was the most painful thing that could happened to him but in spite of what his boyfriend did, he forced himself to forget. He left the place that reminding him of painful memories...