Villa Flordelis Family Diagram

1.2K 29 5
                                    



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.





> Si Esperanza ay ang kauna-unahang babaing minahal ni Vicente ng palihim. Nobyo na nito ang kapatid na si Felipe bago pa man niya ito makilala. Unang kita pa lamang nito sa babae ay nahulog na agad siya rito.

> Si Don Vicente ang taga-pagmana ng Hacienda Lucia ngunit tinanggihan nito ang kanyang mga magulang at ibinigay na lang sa kapatid na si Felipe ngunit hindi pagha-hacienda ang nasa puso ni Felipe kung hindi ang pagpipinta.

> Si Magdalena ay isang anak lamang ng magsasaka sa Hacienda ng Luciana at kababata nila Felipe at Vicente. Ninais ang yaman ng Flordelis kaya inakit ang dalawang magkakapatid at nagwagi kay Vicente noong sandaling bigo pa ito sa pag-ibig. Nilinlang si Vicente na may dinadala ito upang pilit na magpakasal rito na sa huli ay nagwagi ito. Ang anak na tinuring ni Vicente na si Monica ay hindi isang Flordelis, kung hindi anak lamang din magsasaka na kinuha ni Magdalena upang maging kapani-paniwala ang kanyang pagdadalang tao. Isang inutil na babae si Magdalena na walang kakayahang magdalang-tao.

> Si Cassandra ang naging bunga ng pagmamahalan nila Esperanza at Felipe. Lahat sa Hacienda Luciana ay pinupuri ang bata dahil sa namumudtangi nitong kagandahan. Parang biniyak na bato ang mag-inang Esperanza at Cassandra dahil magkaparehong-magkapareho ang mga mukha nila.

> Si Joaquin ay iskolar ng Sining at pinag-aaralan ang mga pinta ni Felipe at ng mga Flordelis. Tulad ng mga kalalakihan sa Hacienda Luciana ay nabihag din ito sa angking ganda ni Cassandra. Naging malapit ang dalawa sapagkat pareho ang mga hilig sa sining at ang pagiging malapit sa isa't-isa'y kalaunan lumalim pa ang mga damdamin ng dalawa.

> Naging malapit rin si Monica at Joaquin. Hindi malayong nagkagusto rin si Monica rito dahil may natatanging itsura rin ang binata dahil sa pagkakaroon nito ng dugong banyaga. Ginawa ang lahat at inakit ang binata ngunit bigo ito dahil labis sa pagsaad nito ng damdamin kay Cassandra. Nanghingi ng tulong sa inang si Magdalena at tulad ng panlilinlang nito ay hindi nakatakas si Joaquin dito.

> Dahil sa pagdadalang-tao daw ni Monica ay napilit na pinakasalan ni Joaquin si Monica dahil na rin sa hiling ni Don Vicente. Isang impluwensyadong tao ang Ginoo kaya walang nagawa si Joaquin dahil rito. Maaari siya nitong paaalisin sa Luciana na malugod naman sana niyang gagawin kung hindi lang dahil sa pagmamahal nito kay Cassandra.

> Hindi kumupas ang pag-ibig ni Joaquin kay Cassandra at gayon din ang dalaga. Palihim na nagkikita ang dalawa sa mga pinakasulok na lupain ng Hacienda Luciana. Nalaman ng mag-inang Magdalena at Monica ang palihim na tagpuan ng dalawa kaya inutos na paalisin ang pamilya ni Don Felipe hinggil na rin sa hiling ni Magdalena kay Vicente para sa kanilang anak at pamilya nito

> Ang mga palihim na tagpuan ni Joaquin at Cassandra noon ay nagbunga at doon ipinanganak si Esmeralda na ipinangalan alin sunod sa pangungulila ni Cassandra sa kinagisnang lupain ng Luciana at mga berde nitong lupain at bukirin.

> Nalaman ni Don Vicente na kay Joaquin ang anak nila Cassandra na si Esmeralda kaya labis na lamang ang pagkasura dito kaya papaalisin na sana ito ng Luciana kung hindi lamang pinigilan ni Monica ang ama.

> Kalaunan ay nalaman din ni Don Vicente na niloko siya ng mag-ina at nalaman ang buong panlilinlang ni Magdalena sa kanya na naging sanhi ng pagkamatay nito. Naghari-harian ang mag-ina sa lupain ng Luciana ng walang pagmamanahan ang Hacienda. Nagsimula ang pag-aalsa ng mga nagta-trabaho sa lupain dahil na rin sa pagiging mahigpit at tuso ang mag-ina. Hanggang na ungkat ang katotohanan nang magsalita ang totoong mga magulang ng mga anak kuno ni Monica na sina Adolfo, Teodoro at Antionette.

> Bumalik sina Don Felipe sa Hacienda hinggil na rin sa hiling ng mga magsasaka roon dahil kailangan nila ng totoong Villa Flordelis na magpapatakbo sa Hacienda ngunit naging sugapa ang mag-ina na nauwi sa madugong ingkentro sa lupain ng Hacienda Luciana. Napatay ni Magdalena si Esperanza na nagprotekta sa mag-inang Cassandra at batang si Esmeralda dahil nais nitong patayin ang nag-iisang tagapagmana ng Hacienda Luciana.

> Ikinalugmok ni Don Felipe ang pagkawala ng babaing pinakamamahal kaya namatay rin ito depresyon. Umalis si Joaquin sa Hacienda sa labis na pagkadismaya sa nangyari sa Luciana at dahil sa hindi na pagkilala ni Esmeralda dito bilang ama nito. Pinakulong ang mang-inang Magdalena at Monica, at ang mga magsasakang kumampi ay pinaalis nina Cassandra sa Luciana.

> Namatay si Joaquin nang lumubog ang sinasakyan barko pabalik ng Italia. Nagsisisi na namatay rin si Cassandra sa pagkawala ni Joaquin at sa nabigo nilang pag-ibig.

> Ang mga anak ni Monica na sina Adolfo, Teodoro at Antionette ay hindi pinaalis ng Luciana at pinabalik sa pamilyang kung saan sila nararapat.

> Unang pag-ibig ni Teodoro (Tata) ay si Esmeralda ngunit hindi nito tinanggap ang pag-ibig dahil nabuhay na sa galit ang puso ni Esmeralda.

> Nangasawa si Esmeralda ng isang inbestor ng lupain nila at kalaunan ay nagkaroon ng mga anak na sina Francisco at Franchesca.

> Naging magulo muli ang Luciana nang palihim na nag-iibigan si Franchesca at Paulo, anak ni Adolfo. Dahil sa galing ito sa pamilyang kinamumuhian ni Esmeralda ay binalak silang pagbuwagin nito ngunit naging matibay ang pag-ibig nila at naglayas ang dalawa papuntang Manila.

> Ang pagmamahalan nila Paulo at Franchesca ay nagbunga ng tatlong supling na sina Elexis, Demeter, and Zeus.

Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon