Chapter 71
Rein's POV
Matapos ng masidhing pagsisiwalat sa mga mapapait na nakaraan at mga nangyari dito ay naiwan pa ring isang katanongan sa sarili ko kung bakit sinasabi nilang nauulit lamang ang nangyari noon.
Umuwi ako ng bahay na puno ng mga katanongan ang aking isipan pero hindi ako tumigil sa pag-iisip lamang hanggang doon. Alam kong may kinalaman ang kahapon ng Esperanza sa mga nangyayari ngayon. Gusto kong malinawan kung bakit kailangang lumayo.
"Tata" tawag ko dito nang madatnan ko ito sa likod ng bahay na humihithit ng tabako.
Puno ng emosyon ang mga mata nito habang nakatingin sa maumaambon na kalangitan.
Hindi ko muna ito kinausap at tumabi na lang sa kanyang tabi habang hinihithit pa ang kanyang sigarilyo. Saka lang ito nagsalita nang apakan niya ang tabako para patayin ito at muling nagsindi ng bago.
"Nauulit lang ba talaga ang nangyayari noon o sadyang ayaw niyang tanggapin sa sarili niya na minsan hindi mapigilan ang puso na tumibok para sa pusong ninanais nito." Sambit ni Tata at muling humithit ng kanyang bagong tabako.
Maski ako ay ganon rin ang iniisip. Hindi ko alam kung nasaan ang kamalian sa pagmamahal. Alam kong magkadugo sila pero para saan pa ang pagtibok ng puso kung hindi susundin ang ninanais nito. Mali kung titignan ng iba pero sa puso ko ay tama dahil mahal ko siya.
"Isang kamalian niya ay pilit na itago ang katotohanan..." sambit ulit ni Tata na ikinatingin ko dito.
"Ano pong katotohanan?" untag ko rito.
"Ang katotohanang hindi naman talaga tunay na magkadugo sina Franchesca at Paulo. Isang panloloko ang ginawa ng mag-inang Magdalena at Monica para angkinin ang Luciana noon." Sabi ni Tata bago muli itong humithit ng tabako.
Isang malaking pagbubunyag ngayon ang aking narinig muli kay Tata na ikinatingin ko sa kanya at ganon rin ito sa akin. Isang ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi matapos sabihin iyon.
"Hindi kayo magpinsan ng taong gusto mo" sambit ni Tata sa akin.
"Paano po ito nangyari?" untag ko ulit sa kanya.
"Isang inutil na babae si Monica, hindi nito kayang bumuo ng sanggol pero dahil sa pagnanais ng kanyang ina sa angkinin ang Luciana ay pinagtakpan nila ang katotohanan kay Joaquin. Niloko nila ang pagbubuntis nito nong kabuwanan ay kumuha ng sanggol na kakasilang rin sa araw na iyon at iyon ay si Adolfo, ang ama ni Paulo" saglit na tigil si Tata sa kanyang sinabi at napailing sa kanyang isinisiwalat. "Pati kami ni Antoinette ay mga huwad na mga anak ni Don Joaquin"
Ngayon ay naging emosyonal si Tata sa kanyang ibibubunyag sa akin at halos hindi ako makapaniwala sa naging takbo ng buhay nila noon dahil sa labis ng kahayokan ng mga tao sa lupain ng Esperanza ay hindi nila inisip ang mararamdaman ng iba.
"Bakit kailangan pong pagtakpan ni Lola Esme ang katotohanan..." tanong ko dito.
"Dahil napuno siya sa galit nang malaman nila ang katotohanan... nang lumabas ang katotohanan mismo sa tunay na mga magulang ni Kuya Adolfo ay labis ang pagkamuhi ni Esme lalo na sa amin... Nangungulila siya sa kanyang ama na inangkin ng ibang tao. Namatay ang kanyang ina dahil sa labis na kalungkot sa nasawi niyang pag-ibig kay Joaquin."
"Ibig niyo pong sabihin?"
"Si Esmeralda ay anak ni Cassandra kay Joaquin. Sila naman talaga ang tunay na magkasintahan noon pa rito sabi ng mga nakasaksi. Isang iskolar si Joaquin at pinag-aaralan ang mga pinta ni Don Felipe. Habang andito sa Esperanza ay nahulog ang kanyang loob kay Cassandra, pero tulad ng ibang kuwento ay dinaanan sila ng sigalot sa kanilang buhay. Nagkagusto rin si Monica sa kanya at sa pagnanais na maangkin ito ay niloko niya ito nang minsan may mangyari sa kanila ni Joaquin. Isa na rin sa ikinasidhi ng damdamin ni Esme ang panloloko ng mag-ina kung kayat matapos ng lahat ng nangyari ay pinili ni Joaquin ang umalis na lang sa Esperanza dahil hindi niya ginusto ang nasawi nilang pagmamahalan ni Cassandra at hindi na siya matanggap ng sariling anak" malungkot na saad ni Tata.
![](https://img.wattpad.com/cover/190981946-288-k720496.jpg)
BINABASA MO ANG
Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]
Roman pour AdolescentsElex was dumbfounded after he caught his boyfriend cheated on him. It was the most painful thing that could happened to him but in spite of what his boyfriend did, he forced himself to forget. He left the place that reminding him of painful memories...