Chapter 76
Elex's POV
Hindi nga nagbibiro si Nico sa kanyang sinabi na mag-aaral siya at pareho kami ng kursong kinuha. Nasapo ko na lamang ang ulo ko nang magkuwento siya na Stick Man lang ang kaya niyang iguhit. Nakakatawa ang mga pasimuno niyang kuwento pero nangangamba ako, wala akong ibang makitang dahilan kung bakit siya mag-aaral maliban ay dahil sa akin.
"Ang laki naman ng apartment na ito parang condominium na" sabi ko nang makapasok ako sa tutuloyan niya dito sa Manila habang ako ay mag-aapply pa lang sa mga Dormitory kaya dito muna ako makikitulog pansamantala dahil maaga pa kami para bukas sa Orientation.
Inihatid ako ni Nico sa magiging kuwarto ko daw.
"Sabi ko naman sa'yo na dito ka na lang tumira... tatlo ang kuwarto sa condo na ito" sabi nito na ikinatingin ko rito.
"Akala ko ba apartment lang ito, ngayon sasabihin mo na condo mo" sabi ko rito habang nakataas sa isang sulok ang kilay ko.
Napahawak na lamang ito sa kanyang batok dahil na bisto ko ito. Sinabi rin nito ang totoo na nagpaalam siya sa mga magulang ko na titira kami sa isang bubong para daw mabantayan niya ako. Medyo nainis ako dahil kailangan pa iyong gawin ng mga magulang ko.
"Hindi ako papayag no at saka nakakahiya sa'yo Nico. Masyado ka nang maraming ginawa para sa akin" sabi ko rito.
"Kaya nga gawin mo na rin ito sa akin Lex... hiniling lang nila Tito na mabantayan kita at papaano ka magdormitory na puro mga lalaki kasama mo roon at malay ko ba kung anong gawin nila sa'yo"
"Kaya rin ba nag-aral ka dahil hiniling nila sa'yo yon?" tanong ko rito.
Sandali itong natahimik sa tanong ko at napabuntong-hininga na lamang.
"May kaunting dahilan na ganon at gusto naman na talaga kitang mabantayan parati Lex... pero sa maniwala ka o sa hindi ay noon ko pa gustong kumuha ng Fine Arts dahil nainganyo ako okay? Gusto ko ring gumawa ng mga Painting ng kagaya sa mansyon niyo" paliwanag niya.
"Pero hindi pa rin ako titira dito" pagmamatigas ko rito saka isinara ang pinto ng kuwarto na inilaan niya sa akin.
Napapikit ako saglit sa mga naging desisyon ni Nico, alam ko na may gusto pa rin siya sa akin dahil wala akong nakikitang ibang dahilan para gawin niya ito. Pati ang pagpapatira sa akin ng libre sa condo niya ay isang malaking bagay para hindi ko malaman ang kanyang ginagawa para sa akin.
Sa pagod ko sa mahabang byahe at sumalpak agad ang katawan ko sa higaan na nasa ayos na. Lahat ay nasa ayos na at parang pinasadya pa talaga. Mula sa study table, sa kabinet at ibang furniture na maari kong gamitin sa pag-aaral ko at talagang paboritong kulay ko pa talaga na pink ang kulay ng kuwarto. Ngayon sabihin niyang hindi niya ito sinadya at uupakan ko siya.
Hindi ko namalayan ang oras at natulogan ko na lamang ang sama ng loob kay Nico. Nagising ako sa sunod-sunod na malalakas na katok na parang gusto ng sirain ang pinto.
Sa inis ko ay agad koi tong binuksan.
"Tangna naman puwede namang kumatok ng maayos"
"Ahhhh... Lex!!!" nakakarinding sigaw ng mga kaibigan ko nang makita ako.
Nagtatalon sila habang yakap ako sa sobrang galak nilang makita ako. Napapatalon na rin ako dahil nakita ko sila muli matapos ng halos isang taon.
"Buti na lang talaga nagchat ako kay Nico para malaman ko kung nasaan kang bakla ka" inis na sabi ni Jandi at sinapak pa ako sa balikat ng napakalakas.
BINABASA MO ANG
Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]
Teen FictionElex was dumbfounded after he caught his boyfriend cheated on him. It was the most painful thing that could happened to him but in spite of what his boyfriend did, he forced himself to forget. He left the place that reminding him of painful memories...