Chapter 15

2.1K 78 0
                                    


Chapter 15


Elex's POV

Nakikita ko na lang parati ang sariling umiiyak dahil sa mga nalaman ko nitong mga nakaraang mga araw. Lumuluha sa kadahilanang hindi na maari pa muling ibalik ang pagmamahalang nawala dahil sa isang simpling alitan. Hindi ko na napatawad ang sarili ko dahil alam kong ako ang sukdulan ng lahat ng mga nangyayari saakin. Tama na sigurong sisihin ko na lang ang sarili dahil sa may mga bagay na hindi ko kayang maibigay pa sakanya lahat pero minsan naisip ko rin kung tama na gawin niya saakin ito, ang paglaruan ang puso ko.

Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga sinabi saakin ni Ria lalo na at napatunayan ko ang lahat ng ito kay Lyle at sobra akong nasasaktan ngunit ano pa ba ang magagawa ko? Tama nga siguro si Ria sa sinabi niya na mangyayari lamang ang mga bagay na nais ko sa makitid kong mga panaginip.

Alam ko naman noon nab aka hindi totoo ang sinasabi ni Niel saakin mula pa noon na gusto niya ako. Pero dumaan ang mga araw at sa paglipas ng panahon ay inalis niya sa isip ko ang agam-agam ko nab aka hindi totoo ang pag-ibig niya saakin. Pero tama pala ako na lahat ng iyon ay pawang kasinungalingan lamang.

Muli na namang may namuong mga luha saakin mga mata dahil sa paglabo ng aking paningin at hindi ko na lang din mapigilan ang sariling humagulhol ng iyak sa isang tabi habang yakap ang mga tuhod na naging sandalan ng mga luha at hikbi ko.

Natigil lamang ako nong muling tumunog ang phone ko dahil sa paulit-ulit na pagtawag ng hindi nakarehistro na numero sa phone ko. Hindi ko na lang muli itong pinansin tulad ng mga tawag at mensahe ng mga kakilala ko kung nag-aalala o nilalait ako.

Isusubsob ko na sana ang mukha ko sa aking tuhod nong biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko at narinig ko roon ang boses ni Papa na mahinahon akong tinatawag.

"Elex, anak? Tulog ka ba? May naghahanap sa'yo, sila Dexter at Cloudi." Sabi ni Papa na hindi ko pinansin bagkus ay pinikit na lamang ang mga mata at pilit na pinapatahan ang sarili dahil alam kong papasok ang mga ito na hindi ko pinahihintulutan. Sabagay ay mga matatalik ko naman itong mga kaibigan kaya hinayaan ko na lang.

Ilang minuto pa ang lumipas at muling may kumatok sa pintuan ko at doon ko narinig ang boses si Jandi.

"Besh? Natutulog ka ba? Kung hindi papasok kami ha?" sabi nito na hindi ko tinugonan ng sagot at nanatili lamang sa aking puwesto sa gilid ng kabinet ko.

"Ba't walang tao dito?" dinig ko na sabi ni Jandi.

"Tawagin mo sila Tita baka anong nangyari na kay Elex..." nag-aalalang sabi ni Cloudi at dinig ko ang pagtatakbuhan ng dalawa. Muli kong inangat ang tingin ko at nagulat ako nong may nakita akong mga pares ng sapatos sa harap ko. Unti-unti kong inangat ang mga tingin ko para mapagsino ito.

"Anong ginagawa mo dito?" tanging naisabibig ko dahil sa biglaang pagpapakita nito saakin.

"I'm just here to tell you something Lex... it's about Neil" sabi nito na ikinatingin ko sa ibang direksyon at nagkagat ng labi dahil sa inis na muling marinig ang pangalan nito.

"What about him?" tanong ko na lang dito.

Nakita ko ang pag-upo nito para magpantay ang tingin namen dalawa kahit na pilit niyang inaaninag ang mga tingin kong pilit iniiwas dahil ayaw ko na makita nila ang mga mata ko.

"I know you are hurt and so with Neil... you are both miserable and I know how much pain you are enduring right now but is it time for you two to settle this now? It's his special day on the second, I hope you still remember and he beg me to say this to you that he is expecting you on his birthday" sabi nito bago tumayo at naglakad palabas ng kwarto ko.

Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon