Chapter 40
Rein's POV
Nag-aayos ako ng mga sako ng mga inani dito sa bodiga nang may narinig akong nag-uusap sa labas. Hindi ko na lang sana papansinin ito pero nang marinig ang isang pangalan ay dali akong natigil sa aking ginagawa at lumabas ng bodiga at doon ko nadatnan ang ibang kasambahay na may pinag-uusapan.
"Talaga bang bumalik na si Franchesca? Akala ko hindi ko na talaga siya makikita pa dito sa Esperanza" sabi ni Manang Milda.
Hinahagilap ko sa aking alaala kung saan ko ya narinig noon ang pangalan nay an at nang mapagtanto ko ito ay may kung ano sa akin na bigla na lang nabuhayan. Dahil sa pagkakaalala ko ay ito ang nakakabatang kapatid ni Tito Isko at ang tanging unekahija ng Donya Esmeralda na sa pagkakaalam ko ay ina ni Elex.
Wala sa isip akong pumasok sa mansyon at tinungo kung saan ko siya makikita at hindi naman ako nabigo nang makita ko siya naka-upo sa stipa kasama ng dalawang nakakatanda sa kanila na sa tingin ko ay mga magulang niya, lalo na ang napakagandang babae na nakikita ko ngayon na sa pagkakaalam ko ay si Franchesca at isang may edad na lalaki na sa pagkakatingin ko ay ama ni Elex. Napagitnaan nila sina Elex at dalawa pang mga bata na babae at lalaki.
Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko nang mahagilap niya akong nakatayo dito sa malapit sa hapag na nakatingin sa kanila. Ngunit agad naman niyang binawi ang tingin at bumalik sa pagkakayuko.
"Kay tagal ko ng hinahangad na dadating ang araw na ito para muli kayong magpakita dito sa Esperanza, matapos ng malaking eskandalo na ginawa niyo noon" mahinahong sagot ni Lola Esme habang nanatiling nakayuko ang mga magulang ni Elex at lalo na siya.
"Hindi po namen iyon hinangad, patawarin niyo po kami sa padedesisyon ng hindi naaayon sa inyong kagustohan, ngunit hindi ko po kayang ipagwalang bahala ang dinadala nuon ni Chesca." Paliwanang nong nakakatandang lalaki.
Makikinig pa sana ako ng biglang may kumalabit sa likuran ko dahilan para mapatingin ako dito at doon ko nakita si Manang Loida na umiiling saakin.
"Hindi maganda ang makinig sa personal na usapin ng ibang pamilya, Hijo... Mabuti kong umalis na tayo" wika ni Manang na sinangayunan ko na lang din sa huli totoo namang hindi iyon kaaya-aya pero nagtataka lang ako kung bakit siya bumalik sa madaling panahon.
Nasa labas na kami ng bakuran at hindi ko nakayanan at hindi magtanong dahil noon pa man ay parating naging usapin ang pagkawala bigla ng nag-iisang anak na babae ni Lola Esme. Dahil ang buong alam ko lang ay hindi ito pumayag sa nakasunduang kasal na noon pa man ay naiayos na. Hindi iyon natuloy dahil sa pagdadalang tao na nito. Ngayon ko lang naisip na wala ng ibang ipinagbubuntis noon kundi si Elex. Si Elex ang naging bunga niyon. Sa pagkakaalam ko naman sa lalaki ay anak iyong ng isang umuupa sa lupain ng mga Villa Flordelis. Kaya hindi ko napigilang magtanong pa sa ibang detalye kay Manang Loida dahil alam ko matagal na siya sa mga Villa Flordelis noon pa.
"Manang Loida, bakit po pala nawala bigla si Franchesca at bakit ngayon lang siya bumalik?" tanong ko dito sa matanda.
"Mahabang estorya, Hijo... ngunit alam ng lahat ng taga dito ang buong nangyari sa panahon na iyon. Sadyang masaklap lang sa kanila ang tadhana kung kaya pinili na lang nila ang lumisan. Hindi na nila nakaya ang panunuya ng karamihan dahil sa naging relasyon nila" sabi ni Manang.
"Dahil sa nabuntis si Franchesca bago pa man ito ipinagkasundo?" tanong ko dito.
Napabuntong-hininga si Manang bago at tumingin lang saakin saglit.
"Hindi lang iyan ang buong detalye... pero wala na kaming balak na ungkatin pa iyon sa pamilya nila dahil dapat na iyon na binabaon na sa limot." Tugon ni Manang saakin bago ito tuloyang umalis at nawala sa aking paningin.
BINABASA MO ANG
Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]
Novela JuvenilElex was dumbfounded after he caught his boyfriend cheated on him. It was the most painful thing that could happened to him but in spite of what his boyfriend did, he forced himself to forget. He left the place that reminding him of painful memories...