Chapter 67

1.1K 41 2
                                    


Chapter 67


Elex's POV



Halos naging tuliro ang isip ko habang dahan-dahan tinahak ang hagdan pababa at papuntang sala na ang lahat ay nag-aabang sa aming dalawa. Naging maagap sa akin si Rein sa paglalakad dahil sa hindi pa humuhupa ang kirot non lalo na nong maupo ako sa stipa na ikinapikit ko ng mariin.

"Anong pumasok sa isip niyong dalawa at nagtabi kayo sa pagtulog?" anang tanong ni Tito Isko na agad kong ikinatingin dito pero binawi ko rin nang makita ko ang galit na mukha ni Papa sa nakita niya kanina sa aking silid.

Tanging sila Tito at Papa lang ang nasa silid na may kasamang isang babae na pamilyar sa akin dahil alam ko na dito ito nagtatrabaho sa Mansyon.

"Sagotin niyo kami! Anong namamagitan sa inyo!" bulyaw ni Mama na labis ko na lamang na ikinapikit at hindi maiwasang hindi maluha sa kanyang sinabi at napayuko sa sobrang kahihiyan.

"Mahal ko po si Elex, maaaring hindi niyo maintindihan pero masuyo ko po siyang niligawan." Anang tugon ni Rein sa kanila habang ako ay nanatiling nakayuko dito sa kanyang tabi.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mong bata ka? Hindi niyo ba alam ang ugnayan niyong dalawa?" anang tanong nong babae dito.

"Alam ko po" rinig ko ang pagkabasag ng boses ni Rein nong sagotin niya yung babae kaya agad akong napatingin dito nang hindi ko maintindihan ang kanilang pinapahiwatig na ugnayan naming dalawa.

Dismayado ang mga mukha nila habang tinitignan kaming dalawa pero naging isang malaking katanongan sa akin ngayon ay kanilang sinasabi.

Naramdaman ko na lang ang pagsalikob ng mga daliri ni Rein sa kamay ko at mahigpit itong humawak sa palad ko kaya napatingin ako sa kanya na puro magsusumamo ang mga tingin niya.

"Bakit mo hinayaang umabot kayo sa ganito kung alam mong magkadugo kayo" anang sambit ni Tito Isko na agad kong ikinatingin dito dahil sa narinig ko sa kanya.

Mahigpit na napakapit si Papa sa sandigan ng stipa habang si Tito ay dismayadong napatingin sa ibang direksyon at yung babae naman ay pinipigilan ang sariling maluha. Naramdaman ko naman ang mas lalong paghigpit ng pagkakahawak ni Rein sa kamay ko na ikinatingin ko sa kanya muli. Kita ko sa mga mata nito ang pagsisisi at lungkot sa isiniwalat nila sa akin.

"Ma-magpinsan t-ta-tayo?" nauutal kong tanong kay Rein na ikinailing nito.

Gusto kong umasa sa kanyang pag-iling na wala kaming ugnayan n asana magkadugo lang kami at malayo ang agwat ng aming pagkamapilya pero nabigo lamang ako ng makita ko ang mga luhang namuo sa kanyang mata at ang paglandas nito.

"Patawarin mo'ko Lex, pero mahal kita" sambit nito na hindi ko na rin napigilan umiyak sa kanyang isiniwalat.

Agad kong kinalas ang kanyang kamay sa pagkakahawak sa akin at bahagyang lumayo. Pilit niya akong inabot para hawakan at yakapin ngumit kumalas lang ako at nagpupumiglas sa kanya para huwag lamang akong hawakan.

Tumayo ako para tuloyang lumayo sa kanya habang pilit na pigilan ang mga hikbi komg kumuwala sa aking bibig pero hindi ko kaya lalo na at nasasaktan ako sa katotohanang sumasagabal na ang tadhana para sa aming dalawa.

"Alam mo bang puwede kitang kasohan ngayon Hijo sa ginawa mo... hindi ba nasa tamang edad ka na?" anang sabi ni Papa dito.

"O-opo, kakalabing-walo ko lamang po nong Mayo beinte otso at haharapin ko po ito kung ito ang nais niyo" para akong binagsakan ng langit at lupa ng marinig ko ang kanyang naging tugon.

Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon