Chapter 82

735 27 0
                                    

Chapter 82


Elex's POV



Nag-iwas ako ng mga tingin kay Lyle dahil hindi ko matagalan ang pagtitig sa kanya. Alam kong nasasaktan rin siya sa sitwasyon namin dahil sinisisi niya ang sarili sa naging bunga ng kanyang pagiging makasarili. Pero hindi ko pa rin talaga kaya lalo na at hindi ko rin matanggap sa sarili ko na naging katulad rin ako sa kanya. Sinaktan ko si Rein at pinagkaitan si Neil ng kapatawaran. Nararapat pa ba akong magbigay ng kapatawan kung hindi ko rin nakukuha ang kapatawaran ng kambal.

"I'm sorry Lyle..." sambit ko at agad nang umalis.

Napakagat na lamang ako ng aking ibabang labi sa pagpigil umiyak dahil hindi ko matanggap sa sarili ko nang mapagtanto ko na naging makasarili din ako.

"ANG ARTE mo naman... nagsisisi na yung tao pero ayaw mong patawarin" saad ni Jandi sa akin.

Akala nila ganoon kadali ang magpatawad sa mga sarili namen. Madaling sabihin pero ang hirap tanggapin at gawin. Sobrang dami nang sugat na nangyari at ang daming taong nadamay. Makakaya mo pa bang magpatawad kung nanakit ka rin ng tao?

Sabay-sabay na lamang kami napahigop ng inumin namen at isang malalim na hininga ang lumabas sa aking bibig na ikinatingin ng dalawa sa akin.

"Lex, the only person who could forgive first is your own self. Accept what are your mistake and the rest, I assure you it would follow" sabi ni Cloudi sa akin.

"What is keeping you ba ha?" biglang usisa ni Jandi sa akin na ikinatigil ko.

Naisip ko rin kung ano ba ang humahadlang sa akin para tuloyang mabigyan ang sarili ng kapatawaran. Isa iyong malaking katanongan sa akin na kailangan kong masagotan kung hindi at tuloyan kong hindi mapatawad ang sarili.

"H-huh?!"

Wala akong naging tugon sa katanongan ni Jandi sa akin kundi katanongan rin hanggang sa sumuko rin sila sa huli. Nahihiya na ako dahil sobrang inaabala ko na ang mga tao sa paligid ko sa mga problema ko.

"Ay ewan ko sa'yo Lex problemahin mo na talaga yan. At saka puwede mo namang kalimutan mo na lang yan kung gusto mo" inis na banggit ni Jandi sa akin.

"Hoy, don't be harsh naman kay Lex" saway ni Cloudi dito.

"Pero hito ah... ngayong nalaman mo na si Lyle ang naging sanhi ng lahat ng ito... iniisip mo ba na magbabalikan pa kayo ni Neil?" biglang banggit ni Jandi na labis kong ikinagulat.

Wala sa isip ko ang ganoong bagay na magbabalikan kami pero isang realisasyon ang pumukaw sa akin.


Maaari pa ba kaya? Paano si Lyle? Mahal niya si Neil. Paano din si Rein? Mahal ko ba talaga siya?

Ito na ba ang sinasabi ko eh.

This damn whole thing is connected. I'm still confuse with my feelings with Neil since we have unfinished history and I know that I once love him but Rein is getting on my way dahil ayaw kong isipin na ginamit ko siya which is hindi naman talaga kasi alam ko na minahal ko siya bilang paghahanap ko ng kapanatagan ko sa nararamdaman kong sakit noon. Hinanap ko iyon kay Rein pero kung tutuosin ay talagang ginamit ko lang siya sa huli. And now here is Lyle, who turns out minahal si Neil more than what I've shown to Neil before.

Ang gulo! At ang sakit isipin na ayaw kong masaktan namin lahat ang isa't isa. Bakit ba kasi nangyari pa ito.

"Hayss... kakaloka si bakla, hindi makausap ng matino" sumusuko na sabi ni Jandi at muling sumipsip ng kanyang milktea.

Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon