Chapter 64

946 39 2
                                    

Chapter 64


Rein's POV



Nang makapagbihis ako ng magarang kasoutan ay agad akong nagbalik sa mansyon. Sobrang kagalakan ang namumutawi sa akin lalo na at napansin rin ito ng iba sa akin.

"Ganda ng pormahan natin Rein ah." Bati ni Mang Kanor nang pumasok ako galing sa likod ng kusina.

"Aba aba Hijo, mukha may isasayaw ka na ngayon ah" anang sabi ni Manang Loida sa akin ng makita ako.

"Ayos po ba Manang? Hindi na ba ako mukhang magsasaka ngayon?" biro ko sa kanila.

"Naku, limang ligo pa sana ang ginawa mo Rein" anang biro ng anak nito na tinutulongan sila Manang at ilang mga katulong sa pagsisilbi.

"Ito naman si Ate Lita walang suporta..." napakamot ako sa likod ng ulo ko dahil sa kanyang biro.

"Naku! Bawing-bawi ka naman sa kagwapohan Tsoy kaya walang itatapat yang mga patpatin na mga anak ng mayayaman doon sa loob" anang sabi ng asawa ni Ate Lita na siniko ito dahil sa kanyang sinabi.

"Ano ka ba,baka marinig ka?" sita nito sa kabiyak.

"Ikaw kasi dapat pinupursige mo yung bata, ano Tsoy nililigawan mo na si Katherine?" sabi nito sa akin na bahagyang napailing sa sinabi nito.

Noon pa man din parati akong pinagtutulakan ng mga tao dito sa kaklase ni Diane kasi may gusto raw ito sa akin. Sinubukan ko naman siyang pakisamahan noon pero wala talaga akong maramdaman para sa kanya. Sadyang tumitibok lang ang puso ko para sa isang babae noon ay kay Esperanza iyon. Pero ngayon ay nagkabuhay siya sa pustura ni Elex, hibang man kung tawagin dahil nagkagusto ako sa katulad ko na kasarian pero hindi ko naman matuturuan ang puso ko na isantabi na lamang ang nararamdaman ko.

"Oy Shielo, tignan mo itong pamangkin mo oh, japorms ano?" sambit ni Kuya Kaloy nang pumasok si Tita dito sa kusina.

"Aba bata ka, bakit iyan ang sinuot mo? Napakahirap labhan nito nong ginamit mo ito sa palosibo nong nagdaang pista" sabi ni Titan a agad lumapit sa akin at inayos lang pala yung kuwilyo ng damit ko at pinagpag yung damit.

"Paano ba kasi, dumidiskarte na yang pamangkin mo... Rein Hijo, ayusin mo panliligaw ah, nakakahiya ka sa buong Esperanza kung nagkataong hindi ka sinagot" anang sabi ni Mang Kanor.

"Kami na nga po eh" agad kong tugon sa kanila na labis nilang ikinahiyaw.

"Yan ang totoong taga Esperanza" sabay ng asawa ni Ate Lita.

"Puwera sa'yo na nililigawan pa ng babae" sabat ni Manang Hilda.

Lahat kami ngayon ay napatawa sa naging biroan ng lahat. Pero nakakaba rin dahil nagsinungaling ako sa kanila na hindi si Katherine ang nililigawan ko kundi ang apo ni Lola Esme na si Elex. Alam kong mabibigo ko lamang sila pero darating din ang tamang panahon para ipagtapat ko sa lahat ang pag-ibig ko kay Elex. Alam kong ganon rin siya ngayon kaya dapat tanongin ko siya kung itatago ba muna namin ito.

Nagpaalam ako sa lahat para puntahan si Elexis nang sa paglabas ko sa Kusina ay nakita kong ginagabayan ni Nico ang mahal ko papasok sa hapag. Sobrang inis at parang gusto kong manuntok ng tao sa nakita ko kaya agad akong lumapit para kunin si Elex pero natigil ako ng marinig ko ang kanilang mga pinaguusapan lalo na ang sinabi ni Katherine.

"Ano ba guys, just let them be okay? Hayaan niyo na, hindi nakadamoves si Nico sa girlfriend niya eh" sabi nito na ikinakuyom ng mga palad ko at parang gusto ko na lamang na manuntok.

Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon