Chapter 63

1K 46 0
                                    

Chapter 63


Elex's POV



Natatanaw ko pa sa malayo ang mansyon ngunit kapansin-pansin na ang mga nakahilerang sasakyan sa loob ng bakod. Lahat ng mga nakaparadang mga sasakyan ay talagang mamahalin. Nakakamangha rin ang mga nakasabit na mga ilaw na parang panderetas na nagbibigay ng ilaw sa harden. Nagtaka naman ako dahil dito kaya nagtanong ako kay Rein.

"Bakit ang daming sasakyan dito?" tanong ko nang makapasok kami sa loob ng bakuran.

"Mga kasosyo niyo sa negosyo at mga malalaking tao sa negosyo" sambit ni Rein sa akin.

"Hindi ko alam na ganito karami at kasosyal ang mga bisita ni Lola" sabi ko dito.

Pagkarating namen sa tapat ng kuwadra ni Damian ay binaba ako ni Rein mula sa pagkakasakay dito sa mamagitan ng paghawak sa magkabilang bewang ko. Halos masakop ng mga kamay niya ang tagiliran ko. Ang laki niyang bulas. Hindi na rin ako magtataka kung ganon din ang kanya. Tss...

"Bakit? May dumi ba ako?" sabi niya sa akin nang mapansin niyang nakatitig ako sa kanya.

Agad na lamang akong umiling dito at ngumiti ng bahagya.

Nagbilin itong ipapasok niya muna si Damian daw sa loob ng kanyang kuwadra at sasabay daw siya sa aking sa likod bahay para alalayan ako kahit hindi naman kailangan. Nag-aalala daw siya kasi naman sa nangyaring mainit na tagpuan. Inisip ko pa lang yun ay gusto ko ng liparin ang buwan at doon na manatili dahil sa kahihiyan. Hindi ko alam kung saan ko napulot sa sarili ko ang mga binitiwan kong salita habang nasa mainit kami na tagpuan.

Nagulat na lamang ako ng may dumampi na palad sa noo ko.

"May lagnat ka ba Lex? Bakit ang pula mo? May masakit pa rin ba sa'yo" nag-aalala nitong sabi na labis ko na lamang ikinahiya lalo na sa kanyang huling sinabi.

"W-wala, a-ayus na ako. Kak-kaya ko pa naman" sambit ko dito at nag-iwas ng tingin sa kanya.

"Sigurado ka? Magpahinga ka na muna siguro, tara hatid na kita sa loob" sabi niya at inalalayan akong maglakas kahit maayos naman talaga ako.

Pero nakakamangha ang pag-alala niya. Kanina pa sa biyahe niya ako tinatanong sa kalagayan ko hanggang dito sa mansyon ay hindi nawala ang pag-aalala niya. Pero sa totoo lang may kakaibang pakiramdam pa rin ako sa looban ko, parang namanhid pa rin ako sa naganap sa aming dalawa. Hindi ko nakala na mamasobra kami.

Habang nag-iisip ng mga ganoon bagay ay nagulat ako nang may bumalot na tuwalya sa katawan ko kaya napatingin ako sa taong nagbalot nito sa akin na nakangiti sa harapan ko.

"Magbibihis lang ako sa bahay tapos pupuntahan kita rito para sabay tayo sa kapelya" nakangiti niyang sambit sa akin.

Kamuntikan ko ng makalimutan ang tungkol roon kung hindi niya pinaalala sa akin. Ngunit napag-isip ko tuloy kung totoo ang kuwento niya na magiging kayo na habang buhay ay nagdulot ng panghihinayang sa sarili ko. Alam ko kasi sa sarili ko na hindi pa tuloyang nahuhulog ang damdamin ko kay Rein, hindi naman siya mahirap mahalin pero sadyang mabilis lang sa amin ang lahat.

Pagkatapos kong magbihis ay agad akong bumaba at nakisalamuha sa mga bisita ni Lola. Yung iba ay nagulat at namangha nang makita ako. Yung iba ay naloloko pa din sa pustura ko lalo na at nakasweatshirt ako para hindi lamigin dahil kakaligo ko lang.

Pero ang hindi ko maiwasan ay yung pag-usapan ako.

"Magkamukha sila ni Esperanza... hindi na ako magtataka kung mauulit lang ang nangyari noon" anang sabi ng Ginang sa aking likuran.

Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon