Chapter 69
Rein's POV
Gumagabi na kaya kinailangan ko ng ayusin ang mga kuwarto ng kabayo at habang naglalagay ako ng dayami sa loob ng kuwadra ni Damian ay narinig ko ang pagtawag niya mula sa aking likuran na ikinatigil ko sa aking ginagawa.
Napakuyom ako ng mga palad ko dahil nagpipigil ako na lingunin siya kaya tinuloy ko na lang ang ginagawa ko. Nang matapos ako ay lumabas ako ng kuwadra ni Damian para ipasok na ito sa loob. Dinaanan ko lang ito na parang hindi ito nakatayo sa harapan ko. Wala pa kasi akong lakas ng loob para makipag-usap sa kanya matapos kong malaman ang lahat.
"Rein..." sambit niya nang palabas na ako ng kuwadra para umuwi na sa bahay. Nilingon ko lang ito sa gilid ng aking mata saka ako lumabas na ng tuloyan.
Sa paglakad ko ay muli niya akong tinawag pero hindi ko ito pinansin at nagpatuloy hanggang sa humarang na ito sa akin.
Tinignan lang niya ako direkta sa aking mga mata. Halos matibag na ako nang masilayan ko ang mapupungay niyang mga mata na kumikislap sa liwanag ng buwan dahil sa pangingilid ng mga mata niya. Gusto kong saktan ang sarili sa katangahan ko kung bakit hinayaan ko pang umabot pa kami sa ganito.
Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya.
"Anong kailangan mo?" tanong ko dito.
Nakita ko ang mas lalong paglungkot ng kanyang mga mata sa malamig ko na trato sa kanya. Kung alam niya lang kung gaano ako nagpipigil sa sarili na hawakan at yakapin siya. Pero mas nanaig pa rin sa akin ang katotohanang ginamit niya lang pala ako.
Napagtanto ko ito nong araw na mismo na nabuking kami. Gusto ko siyang ipaglaban dahil mas nanaig sa akin ang pagmamahal ko sa kanya. Walang lukso ng dugo ang sumagi sa isip ko ng tumibok ang puso ko para sa kanya. Pero nang malaman ko ang katotohanan, lahat ng katatagan ko ay nawasak lang sa isang iglap. Handa na sana akong ipaglaban siya ano man ang mangyari pero hindi ko inaasahan na maisisiwalat din sa akin ang mga tinatago niya.
Alam niya pero wala siyang sinabi. Kaya pala sobrang gulat na lamang niya nong una kaming nagkita, pati na rin ang mga magulang niya nong una nila akong makita. Alam nilang lahat pero wala silang sinabi sa akin.
"Gusto kong humingi ng tawad sa'yo" anang sabi nito ikinabuntong ko ng hininga.
"Yun lang ba?" agad ko na untag rito na ikinatingin niya muli sa akin.
Wala na itong naging tugon maliban sa kanyang pagtango. Muli akong nag-iwas ng tingin sa kanya dahil hindi ko malabanan ang damdamin ko na nakikita ko ang pangingilid ng mga luha niya kaya nilagpasan ko na lamang ito at muling naglakad na sana palayo sa kanya ngunit pinigilan niya din agad ako sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko.
Napatingin ako sa kanya ngunit ikinainis ko lang ito dahil sa mga mata niya ngayon na lumuluha.
"Pakinggan mo naman ako Rein, hindi ko naman ginusto na ilihim sa'yo yung katotohanan at nalalaman ko" sambit nito. Agad kong kinalas ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanya.
"Bakit? Dahil nakakabenepisyo ka sa akin? Sabihin mo nga sa akin ngayon ang pakay mo talaga sa akin Lex?" sunod-sunod ko na tanong sa kanya na lalong ikinabagsag ng mga luha niya. "Mas magaling pa ba ako kaysa sa kakambal ko kaya lumalapit?"
Bakas sa mukha niya ang pagkagulat sa sinabi ko pero wala naman talaga akong nakikitang ibang dahilan kung bakit niya ako sinagot noon. Gusto niya lang punan ko siguro ang pagnanais niya sa kakambal ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/190981946-288-k720496.jpg)
BINABASA MO ANG
Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]
Teen FictionElex was dumbfounded after he caught his boyfriend cheated on him. It was the most painful thing that could happened to him but in spite of what his boyfriend did, he forced himself to forget. He left the place that reminding him of painful memories...