Chapter 32

1.5K 73 1
                                    


Chapter 32


Rein's POV


Matapos kong marinig kung ano ang pinag-usapan nila Lola Esmeralda at Elex ay agad na akong umalis dahil ayaw kong maging manghimasok sa kung ano ang pinag-uusapan nila. Akmang aalis na sana ako para pumunta sa likod bahay ng mansyon kung saan kumakain ang mga trabahante sa mansyon nang hindi ko sinadyang marinig pa ang sasabihin ni Lola Esme.

"Don't make any foolish things like your mother... and don't give disgrace to this family ever again" sabi nito na nagtaas na ng boses kaya napatingin uli sa ako bintana kung saan ko sila nakitang nag-uusap ng makita akong paalis na si Lola papasok ng hapag pero nanatiling nakatayo lang don si Elex kung saan ko siya nakita. Nakayuko na parang nahihiya sa sinabi ni Lola Esme.

Hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit ganito ako sakanya lalo na ngayon na nakikita ko siyang umiiyak. Gusto man niyang ikubli iyon sa pagpigil ng mga ito pero hindi nagsisinungaling ang kanyang mga mata sa sakit na kanyang nararamdaman.

Ganito rin siya nong una ko siyang makita at sa unang pagkakataon ay unang beses akong nakakita ng malulungkot na mga mata na nagpapahiwatig na kailangan nitong maging masaya muli.

Sa pag-iisip ko ng mga iyon ay hindi ko namalayan na wala na si Elex doon sa kanyang kinatatayuan kaya kahit binabagabag man ako ay wala din akong nagawa para sa kanya kaya pumunta na lang ako sa likod bahay para makakain na rin dahil nagugutom na ako sa trabaho sa bukid.

Hanggang sa nakaupo na ako sa hapag ay hindi pa rin ako nilulubayan ng konsensya ko sa nalaman ko at sa mga narinig kong pag-uusap nila Lola Esme at Elex hanggang sa sitahin na ako ni Manang Loida sa pagkatanga ko.

"Oh, napaso ka? Ano ba kasi ang itinunganga mo jan Rein." Sabi ni Manang Loida ang taga pangasiwa ng lahat ng mga kasambahay.

"Wala po..." tugon ko rito at hinipan yung sabaw na sobrang init kaya ayun napaso pa ako.

Tahimik lang ang lahat na kumakain dahil hindi gusto ni Lola Esme ang sobrang maingay lalo na at ang rami namen dito. Mula sa mga kasambahay at mga hardenero at iba pang nagtatrabaho sa pamilya nila ay dito nagsasalo tuwing sasapit na ang gabi. Yung iba ay pinili na lang na umuwi sa kanilang bahay para makasama ang pamilya nilang kumain. Yung iba ay dumaan lang at yung iba ay nakikikain lang talaga.

"Dalhan mo si Tata pagkatapos mong kumain huh? Magliligpit pa kami pagkatapos nito" habilin ni Tita saakin nong matapos itong kumain kaya napatango na lang ako dito.

Habang nasa isang masarap na salo-salo ako ay nabulabog ako nong biglang may tumawag saakin.

"Andito pa po ba si Rein?" boses ni Gabriele ang naringan ko na hinahanap ako kaya agad akong huminto sa aking pagkain.

"Hoy mamaya na yan... Ikaw Gabriele, salohan mo na kami rito." Sabi ni Manang Loida.

"Salamat po pero nagmamadali kasi ako... Rein hihiramin ko lang si Rafael saglit... may ihahatid lang ako" paalam nito na ikinatango ko lang dahil hindi ko pa naman nakakandado ang kamalig at ayaw kong maudlot ang masarap ko na pagkain ng bulalo. Minsan lang pa naman ito kasi sa tuwing may bisita lang nila ito inihahanda kaya lulubusin ko na.

Ilang saglit pa na pagkain ko ng pagnguya sa aking kinakain ay may tumawag na naman saakin. Ngayon si Diane naman na aligaga na hinanap ako sa kumpol-kumpol na mga tao na kumakain.

"Manang Loida... Nakita mo ba si Rein?" tanong nito na agad ko namang hinanap kung nasaan sila.

"Ay oo andito lang iyon. Rein! Rein! Hinahanap ka ni Diane!!!" sigaw ni Manang Loida na ikinatayo ko.

Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon