Chapter 98

620 35 6
                                    


Chapter 98


Rain's POV




"Maybe it could be better to end this..." kahit masakit tanggapin lahat ay tinatagan ko ang sarili na tuloyang pakawalan ang sarili sa sakit.

That was the last words I say to him and make a promise to myself to never have communication with him. I asked Yonice to bring that portrait back to him coz that's how I'm going to end all of this aching pain in my heart. I've been through enough with this speculations and I accept my defeat that it wasn't me the second time he fall in love again, it was still Neil. There wasn't me in his life.

SIMULA nong mawala sa akin ang posisyon bilang CEO ng kompanya ng sarili kong mga magulang ay grabing galit ang nadarama ko para sa sarili ko dahil hindi ko napanatili iyon sa akin, na kahit iyon man lang ay mahawakan ko ng maayos.

Binuhos nila dugo't pawis sa pagbuo nito pero hito ako, kay dali lang na nadulas sa mga kamay ko. Hindi ako nagsabi tungkol rito dahil gusto kong ibalik ang tiwala sa akin ng mga shareholders ng kompanya para ibalik ako sa posisyon pero kahit anong gawin ko ay parang napakalabo na at kahit munting pagasa ay kinakapitan ko.

Si Lex na lang ang tangi kong huling sandalan nong nawalan ako ng pag-asa at taga puna lahat ng mga sakit na nadarama ko. Nagpapasalamat ako sa kanya dahil kahit wala pa akong sinasabi ay dama ko sa kanyang ang pag-aruga na matagal ko ng hinahanap sa kanya na kahit ito ay sa wakas napanatili ko man lang.

Ngunit isang larawan ang bumulabog sa pananalig ko sa pagmamahal niya para sa akin, hindi dahil nagtaksil siya kung hindi sa kaisipang natatakot ako para sa sarili ko dahil baka nabubuhay pa rin siya sa mga nakaraan niya. Isipin ko man o hindi pero isa lamang akong parte ng nagdaan niya para takasan ang lungkot at napakasakit isipin na ganon lang ako sa buhay niya ngunit namulat na ako sa katotohanan.

Hindi ako galit sa kanya, nasasaktan lang ako dahil alam ko'ng hanggang ngayon ay mahal niya pa rin ang kakambal ko. Neil was his first and I'm just his decoy.

Flashback...

Nang makita ko kung sino ang tumawag ay agad ko itong sinagot dahil baka nangangailangan ng tulong si Yonice kay Zeke. Nasabi kasi nito na parati na lang umaalis si Lyle sa bahay kaya nangangamba ako para sa pamangkin ko.

"Yes, Yonice?" tugon ko sa tawag.

"I called Macy, asking kung makukuha mo ba kami ni Zeke after landing kasi babalik ako ng States but she told me na andito ka sa Pinas" rinig ko sa boses niya ang panginginig at parang kakagaling lang nito sa pagiyak.

"What happened to you? Your voice is shaken, are you crying now?" untag ko rito hindi inalintana ang sinabi niya dahil sa tuno ng kanyang boses. Nanginginig at umiiyak.

Hindi ito sumagot at napahagulhol ng malakas kaya nangamba na ako. Narinig ko pa ang boses ng pamangkin na tinatahan ang kanyang ina. Nadudurog ang puso ko para kay Zeke dahil hindi niya dapat maramdaman ang ganitong problema. Masyado pang bata ito.

"I don't know what to do, Rain. This time I had enough with Neil... I want to separate with him"

"I'll be there in a minute, just wait for me okay? We can talk about it" hindi ko na hinintay ang magiging tugon nito at agad na sinuot ang mga kasuotan ko para matignan ko ang kalagayan nila. After all pamilya ko si Yonice.

Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon