Chapter 53
Elex's POV
Hindi pa dapit hapon ng lumabas ako ng mansyon para maghintay kay Rein.
Ilang beses ko rin tong pinagisipan kung sasama ba ako sa kanya dahil sa totoo lang ay nawawalan ako ng tiwala sa sarili ko. Tiwala na baka magiba yung pader na unti-unti kong binabakod sa puso ko. Pero nangako na din kasi ako sa kanya at ayaw kong baliin yon, hindi sa napipilitan ako na tuparin iyon pero wala naman akong nakikitang mali kundi ang puso ko lamang. Hanggang sa maari lang ay hindi ko na bibigyan pa ng kung anong sakit ang puso ko. Tama na yung isang beses.
"Anjan ka na pala Lex!" hindi ko namalayan na andito nap ala siya.
Nakasakay siya sa kabayong si Damian na dumating dito. Pero hindi iyon ang talagang napansin ko kundi siya na nakahubad ng pangitaas na parati niyang ginawa na sobra ko na lamang din ikina-ilang. Wala atang araw na hindi niya binabalandara ang napakaperpekto niyang katawan. Bawat laman non ay inukit ng naayon sa kanyang katawan.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig sa kanya kung hindi lang ito nagsalita.
"May problem aba Lex?" tanong niya sa akin na agad kong ikinatingin sa ibang direksyon.
Natinguha naman niya siguro ang mga ikinikilos ko dahil walang sandali sa tuwing ganito siya kalapit sa akin ang pagkailang ko sa kanya.
"Pasensya ka na... Teka kukunin ko lang yung damit ko sa kuwadra" hindi ko alam kung nananadya siya o talagang nakakalimutan lang talaga niya ang parating magdamit. Hindi na ako magtataka kung ganoon ang balat niya.
Nakita ko naman ang pag-iling ni Damian sa inakto ni Rein na ikinangiti ko. Buti pa itong si Damian tinulongan pa ako kahapon. Agad akong lumapit dito para personal na magpasalamat.
"Salamat pala kahapon sa pagpatikim sa napakatamis sa strawberry na natikman ko nasarapan din ang mga kapatid ko" sabi ko dito na ikinagawa niya ng ingay na pakiramdam ko ay nasasabi ito ng 'walang anuman'.
"Aba hindi ka na takot kay Damian... Mabait talaga itong alaga ko pero tulad ko matigas rin ang ulo" nakangisi niyang banggit sa akin nong makalapit sa amin.
Hinampas naman ito ng buntot ni Damian nang makalapit ito at natawa ako nang habang nagsasalita ito ginawa ni Damian kaya ayan nakain niya yung ibang hibla.
"Gago talaga to..." saway ni Rein sa kay Damian at tinulak dito na ikinailing ng kabayo. "Tara na nga..." sabi nito at umangkas na sa likod ni Damian si Rein pagkatapos ay naglahad ng kamay para makaangkas na rin ako sa likod niya.
"Humawak ka lang sa akin" paalam nito sa akin na hindi ko naman ginawa hanggang sa nagsimulang maglakad si Damian palabas ng mansyon.
Ramdam ko na ang unti-unting pagbilis ng takbo ni Damian kaya kumapit ako sa damit ni Rein para kung sakali lang. Pero ang kaninang pirme nitong takbo ay unti nang bumilis hangang sa mas lalo pa itong bumilis na ikinakapit ko na sa katawan ni Rein sa pamamagitan ng pagpulupot ko sa kanyang bewang.
Rinig ko na may sinabi siya pero hindi ko ito masyadong narinig.
Pagkarating namen sa malaking taniman ng manga ay sobra akong namangha sa hitik ng bunga sa bawat puno dito. Lahat ay may magagandang bunga at halos ang paligid ay amoy manga na.
Iniwan namen si Damian sa hindi kalayuan para maghanap ng magandang puno daw.
"Pakihawakan naman Lex..." biglang sabi nito na ikinatingin ko sa kanyan dahil sa palinga-linga ko sa taas.
BINABASA MO ANG
Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]
Fiksi RemajaElex was dumbfounded after he caught his boyfriend cheated on him. It was the most painful thing that could happened to him but in spite of what his boyfriend did, he forced himself to forget. He left the place that reminding him of painful memories...