Chapter 39
Elex's POV
Pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil sa tensyon na aking nararamdaman sa balitang ini-ere. Pero kahit anong gawin ko ay hindi ko maialis sa isip ko ang pangamba dahil sa kakaisip ko sa sandaling lalabas ako sa silid na ito ay baka paggulohan na naman ako ng media at press.
Impluwensyadong tao ang ama ni Neil at hindi ipagkakaila iyon nong unang beses ko siyang makita. Isa itong kilalang negosyante at broker na isang sikat na kooperatiba ng isa ding sikat na inkorporasyon at hindi malayong hindi aalamin ng mga tao ang kung anong klasing buhay meron sila.
Hindi ko na alam ang gagawin kaya naisipan kong puntahan si Neil sa kanyang pinasokan na kuwarto para ipaalam dito na umalis na agad kami dito dahil hindi ako komportable sa marangyang lugar na ito. Iniisip ko pa lang na inaapakan ko ang inaapakan rin nilang sahig ay nanliliit na ako. Parang hindi kasi ako karapatdapat sa kinatatayuan ko.
Napaisip ako kung bakit ngayon ko lang ito naramdaman na noon halos parati akong nasa bahay nila. Bakit biglaan na naman ang lahat.
Akmang kakatok na sana ako nang marinig ko ang pagsigaw ni Neil sa loob ng silid.
"Bakit ba Yonice? Hindi pa naman kita pinapakasalan at hindi ko naman nakakalimutan ang responsibilidad ko sa'yo"
Matapos ko marinig iyon ay napaatras ako dahil sa narinig ko at ang pangalan na kanyang binabanggit at kung ano ang pinag-uusapan nila. Nakuyom ko na lamang ang mga palad ko dahil hanggang ngayon ay may koneksyon pa sila. Gusto ko na lang sapakin ang sarili ko dahil sa pagiging makalimutin ko na may responsibilad pala ito, na may mas importante pa ito kaysa saakin.
Ngunit ang hindi ko na kinaya na sunod niyang sinabi na tuloyang nagpagunaw ng mundo ko.
"This is not about me again having this kind of genitals, Yonice. Pakialam mo ba kung saan ko ito gagamitin?!?" bulyaw na nito na labis na lamang na ikinadurog ng puso ko.
Nang liliit ako sa sarili ko matapos ko marinig iyon sakanya at sobrang naninikip na ang dibdib ko sa nalaman. Pakiramdam ko isa lang ako laruan na matapos gamitin at pinagsawaan ay agad lang ding itatapon.
Inisip ko pa lang yung mga sandali na pinagsaluhan naming ang bawat isa ay ginagamit lang pala niya ako para lang masiyahan siya na wala naman talagang nabuong pag-ibig sa aming dalawa sa halos tatlong taon namin na pagsasama dahil isa lang pala ako sa mga laruan niya. Madaling takbuhan kapag naiinitan. At si Yonice na siguro ang nagbayad sa katarantadohan niya.
Napangiti na lang ako sa inisip kong yon habang pumapatak na ang mga luha sa aking mga mata. Dali na lamang akong tumakbo palabas ng unit na yon at daling pinindot ang button ng elevator pa baba. Dali ko itong sinara para agad ng makaalis. Nang makababa ay agad akong nagtatakbo palabas ng gusali at pumara ng masasakyan.
PAGKAUWI ko ng bahay ay laking gulat ko na lamang nang makita ko sila Papa at Mama sa sala na nakaupo habang umiiyak si Mama na inaakay ni Papa na tila kakauwi lang galing sa trabaho dahil naka uniporme pa si Papa.
Nang mapansin nila ako ay napatingin sila saakin. Naluha ako habang pinagmamasdan ko ang mga magulang ko na sobrang nalulugmok tignan lalo na si Mama. Agad itong tumayo at dali akong niyakap.
"Hindi ka ba nila sinaktan?... Anak, ano tong nangyayari? Totoo ba yung binalita sa T.V?" umiiyak na tanong saakin ni Mama habang ako ay hindi na alam ang gagawin kundi maiyak na rin dahil sa nangyayari habang niyayakap ito ng mahigpit.
"Ma, I'm sorry... nagpadala na naman po ako damdamin ko..." umiiyak ko sa paliwanag ko kay Mama.
Hindi ko hangad na aabot ang lahat sa ganito na ipapahiya ko ang pamilya ko dahil lang sa unrequited love ko kay Neil pero sana naman lubayan na ako ng mga pangyayaring ito dahil ayaw kong madamay ang pamilya ko. Hindi ko na napigilan ang sarili na umiyak dahil na rin sa narinig ko mula kay Neil at hindi ko na nakaya pa kaya pumasok sa isip ko ang ideyang ito.
BINABASA MO ANG
Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]
Novela JuvenilElex was dumbfounded after he caught his boyfriend cheated on him. It was the most painful thing that could happened to him but in spite of what his boyfriend did, he forced himself to forget. He left the place that reminding him of painful memories...