Chapter 44
Elex's POV
Gabi na nang makarating ako sa syudad at pagkababa ko ay agad kong tinawagan si Jandi at ipinaalam na andito na ako. Nasermonan pa ako nito.
"Nahihibang ka na ba? Dapat talaga hindi ko na lang hinayaan si Cloudi na sabihin sa'yo ang nangyayari dito." Paninermon nito saakin na ipinagtaka ko.
"Bakit? Ano na ba ang nangyayari...?" tanong ko dito.
"Wala namang mahalaga pa sa nangyayari sakanya. Yun ay kung magpapa-apekto ka talaga pero hito ka na ngayon, pupuntahan talaga siya. Wait mo kami jan sa terminal at sabay na tayong pupunta sa hinayopak mo na Ex!" huling sabi ito bago pinatay ang tawag.
Naghanap naman ako ng mauupuan at hinayaan ang sariling makapag-isip ng tamang sasabihin sakanya para hindi na niya abalahin pa ang sarili niya para saakin. Katunayan nga ay parang wala na akong pakialam sakanya pero ang kadahilanang dati ko siyang kasintahan at kahit papaano ay may pinagsamahan kami ay tatanawin ko na lang na utang na loob dahil kahit papaano ay pinadama niya saakin ang mga sandali na naging masaya ako. Kahit yon lang ang gawin ko para sakanya at ipapangako ko ngayon na huli na ito sa lahat ng mga sinabi ko.
Habang nag-aantay ako dito ay hindi ko mapigilan hindi mapansin ang mga iilang mga tao na nakatingin saakin. Kaya ang ginagawa ko ay bumili na lang ako ng sombrero para hindi ko na abalahin pa ang mga taong nakatingin saakin. Sino ba naman ang hindi eh halos ibroadcast ang mukha ko sa buong mundo. Ngayon ay kinabahan na ako dahil baka nakita iyon nila Lola.
Sakakaisip ko ng mga bagay-bagay ay hindi ko na pala napansin ang mensahe saakin ni Jandi kaya tumawag na ito.
"Hindi ka nagrereply, saan ka na ba? Andito na kami ni Cloudi!" medyo may galit nitong sabi saakin.
"Andito ako sa terminal para sa Baguio, nakasuot ako ng itim na sombrero..." sabi ko at nagtitingin sa ibat-ibang direksyon para hanapin sila at nong makita nila ay agad naman silang lumapit at agad akong niyakap ni Cloudi.
"Sorry talaga besh!" sabi nito.
"Ayus lang, kung di rin sa'yo baka hindi ko nalaman ang totoo." Sabi ko na ngayon ay ikinatingin nila saakin na nagtatanong.
"Nong umalis kami ni Neil para ilayo ako sa mga nag-uusig saamin nay pumunta kami sa isang condo... tapos biglang tumawag si Yonice, umalis siya para sagotin... nong una hindi ko alam kung sino ang katawag niya pero nong pakinggan ko ito ay doon ko na nalaman ang lahat. Ginagamit lang pala ako ni Neil para sa kanyang sariling interes at hanggang doon na lang yon...
Kaya ngayon makikipagkita ako sakanya para tuloyan ko ng taposin ang kung ano man ang gusto pa niya saakin. Pinapangako ko sa inyo na huli na ito at pangako koi yon sainyo" sabi ko sa kanila at binigyan ako muli ng isang mainit na akap na alam kong kailangan ko na ngayon.
"So ano pa ba ang inaantay natin? Tara at upakan na natin yang lalaki na yan.... Akala niya siguro mahina tayo dahil ganito lang tayo pero hindi nila alam na kaya din nating magsuntokan..." sabi ni Jandi na ikinangiti ko.
"Ikaw lang naman ang brusko sa atin" basag ni Cloudi sakanya na ikinatawa naming tatlo.
Nainis naman si Jandi sa sinabi ni Cloudi kaya isang kurot ang inabot nito.
"Wala talaga kayong supurta kahit kailan eh..." inis na banggit ni Jandi samin at naglakad na papalayo.
"Joke lang naman yon... Tara na nga Lex, niregla na naman yang isa jan..." sabi ni Cloudi na ikinatawa ko ng malakas na ikinainis lalo ni Jandi at biglang may tinawagan ang bruha.
BINABASA MO ANG
Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]
Novela JuvenilElex was dumbfounded after he caught his boyfriend cheated on him. It was the most painful thing that could happened to him but in spite of what his boyfriend did, he forced himself to forget. He left the place that reminding him of painful memories...