Chapter 3

2.8K 86 4
                                    


Chapter 3


Neil's POV


Pagkatapos mamili ng mga gagamitin ni Elex sa project niya ay agad na akong bumyahe papunta sa kanila. Pagkadating ko ay binuksan ko ang gate nila. Sinalubong naman ako ng aso nilang si Cerbe. Noon kinakahulan ako sa tuwing pumupunta ako dito. Kinukulong nga lang ito ni Elex kahit naaawa siya. Ayaw naman daw niya akong makagat nito at baka ika-buang ko pa daw.

Minsan talaga ang bibig nitong si Elex ay walang preno. Kung ano yung naiisip niya ay yun na ang sasabihin niya. Straight to the point ika nga. Minsan naman kapag niloloko koi to sapak ang aabutin ko pero mahina naman umaakto lang akong nasasaktan para maawa siya pero kita naman sa mga mata niya ang saya sa tuwing gagawin koi yon kaya lagi ko na lang itong jinojoke.

Kumatok ako sa bahay nila at pinagbuksan ako ni Zeus.

"San na ate mo?" tanong ko dito na ikinasimangot niya.

"He is not Ate. He is Kuya kasi male siya diba?" isa rin itong mga kapatid niya na ubod ng pagkaseryoso sa buhay.

Ginulo ko na lang ang buhok nito at tinanong ulit.

"So where is Kuya na?"

"He is in his room. Sleeping" tugon nito at naglakad papunta ng sala nila.

Nandon ang Papa ni Elex na nanonood ng T.V. Lumapit ako dito at nagmano bilang respeto dahil sa Papa niya lang naramdaman ko ang totoo ama. Yung Daddy ko kasi ay walang ibang ginawa kundi magbilakbol at wala minsan oras saakin kasi abala sa trabaho at lagi pang nambabae. Pero sa mga magulang ng kasintahan ko, hindi nila ipinadarama saakin na ibang tao ako kasi jowa ako ng anak nila. Ang swerte ko dahil nakilala ko sila, lalo na si Elex na minsan ubod ng katarayan at supladahan ay mahal na mahal ko padin.

"Oh naparito ka Hijo" tanong nito saakin habang nagmamano ako dito.

"Kasi po may gagawin kami ni Lex project sa school" tugon ko dito na ikinatango niya.

"Puntahan mo lang sa kwarto. Kanina pa yun hindi lumalabas." Dagdag nito.

"Baka nagsisimula na po siya sa project namen sige po pupuntahan ko na siya" palusot ko dito na lumusot naman.

Nagpaalam ako dito para puntahan si Elex sa kwarto niya pero bago non ay nadaanan ko naman ang Mama niya na abala sa pagluluto ng magiging haponan nila.

"Magandang gabi po, Tita" sabi ko at nagmano.

"Andito ka pala. Ano yan?" tanong ng Mama nito saakin nong nakita niyang may bitibt ako.

"Mga colored paper lang po at mga materyales na gagamitin ni Elex..." sandali akong natigilan sa sinabi at binawi ito. "... namen ni Elex,Tita para sa project namen" sabi ko dito bilang palusot na sana ay lulusot.

"Ganon ba? Akala ko kung ano yan. Akala ko nga desert. Di ka nagsabi na pupunta ka dito, nadagdagan ko sana yung haponan."

"Nako po huwag na po kayong mag-abala Tita, baka nga uuwi din ako agad" sabi ko.

"Ah basta... sige puntahan mo na si Lex sa kwarto niya. Ipapatawag ko na lang pag maghahaponan na" sabi nito at daling pinuntahan si Elex sa kwarto niya. Kumatok ako dito pero walang sumasagot. Baka nagheadphone kaya pinasok ko na lang.

Ngunit hindi pala iyon ang maabutan ko. Isang mahimbing na inosenting Elex ang nakikita kong natutulog. Pumasok ako at lumapit sa kinaroroonan niya. Pinagmasdan ko maigi ang mukha niya. Hindi ko akalain na siya ang magpapatibok ng puso ko. Alam kong mali ang relasyon namen sa ibang tao pero hindi naman kamalian ang magmahal at kay Elex ko iyon nakita. Pinagmasdan ko pa ng maiigi ang mukha niya. Noon talaga ay akala ko lesbiana siya kasi buhok panglalaki ito pero hindi ko lubos akalain na tulad ko ay lalaki din pala siya. Malayo ang mukha niya sa isang lalaki dahil sa makakapal na pilik mata niya. Matangos na ilong at napakapinkish na labi na gustong-gusto kong hinahalikan lagi.

Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon