Chapter 9
Neil's POV
Minabuti ko na lang na hayaan na muna si Lex dahil baka mawala pa ito sa pokus at baka bumaksak pa na ayaw kong mangyari kaya pinili ko na lang ding kumuha ng pasulit ko. Ngunit ako lang din pala ang hindi makapokus sa pasulit ko at ang buong nasa isip ko ay ang mga sasabihin ko sakanya kapag nagkausap na kami. Kaya sa inis ko ay pinasa ko na lang ang papel ko na blangko dahil wala naman din akong tamang isasagot rito.
Dali na lamang akong pumunta sa assign room nila Lex pero halos wala ng tao roon at kaunti na lang ang nasa loob kaya minabuti ko na lang na hanapin ito. Sinubukan ko ring tawagan ito ng ilang beses ngunit hindi niya sinasagot. Gusto kong libutin ang buong campus pero sobrang laki nito pero kahit mapagod man ako sa kakasuyod dito mahanap ko lang siya ay gagawin ko.
Habang naglalakad ako sa kung saan ay sumagi naman sa isip ko ang lugar na parati niyang pinupuntahan dahil gusto niya dito kasi tahimik at mapayapa. Dali akong tumakbo kung saan alam kong naroon ito. Nong makarating ako sa loob ay inilibot ako ang tingin sa bawat sulok nito at tinignan ang bawat shelf na madadaanan ko. Hanggang sa makarating ako sa mga shelf na puno ng libro tungkol sa arts at doon nakita ko na siya, dahan-dahan inililipat ang bawat pahina at sa bawat paglipat niya ay ang mga hakbang baa king ginagawa papunta sakanya nang napatigil ito at napatingin sa kanyang likuran kung nasaan ako nakatayo.
Kita sa mga mata niya na alam niyang hahanapin ko rito at hindi siya nagkamali sa akalang yun. Hindi pa man siya nakakapagsalita ay ikinulong ko na siya sa aking mga bisig para makasigurado akong hindi na siya mawawala pa sa aking piling. Hinigpitan ko pa ang aking mga yakap sakanya habang nagbabakasakaling tugonan niya ding ang yakap na pinapadama ko sakanya ngunit hindi na niya ito ginawa hanggang sa matapos ang yakap na yun na wala na siyang ginawa.
"Pakiusap magalit ka saakin. Sigawan mo'ko kung kinakailangan. Saktan mo ko kung yon ang ikakapanatag mo... pero wag naman tong wala ka na lang sasabihin na saakin Lex" sabi ko sakanya habang pilit itong pinapatingin saakin ngunit hinahawi niya ang tingin sa ibang direksyon.
"Lex, ibalik natin ang kahapon at mga sandaling hindi mapapantayan ng kung ano man. Pakiusap, huwag sana natin basta-bastang itatapon ang pagmamahalan natin kay tapat." Pagsusumamo ko sakanya ngunit hindi pa rin niya ako kinikibo. "Kung ako ay nagkamali minsan, hindi mo na ba ako mapagbibigyan? Dinggin mo sana ang nais kong patawin mo ko Lex" dagdag ko na pumukaw sakanya para tignan ako direkta sa aking mga mata.
Kung alam niya lang kung ano ang dulot ng mga titig niya saakin ay baka kamuhian niya ako ng tuloyan kapag susunggaban ko ang mga labi niyang kay tagal ko ng hindi nararamdaman.
"Simulan natin ulit sa umpisa..." hindi ko na natapos ang sasabihin ng magsalita na ito.
"Pakiusap Neil, nasasaktan pa rin ako sa bawat araw na iniisip ko kung saan ako nagkulang sa'yo. Binigay ko naman ang lahat siguro di ba?" putol niya saakin.
"No! Hindi yon ang tungkol don" depensa ko sa kanyang sinasabi.
"Then why? Why did you do this to me?" agad niyang untag saakin na ikinatigil ko bigla.
Hindi ko naman din kasi alam kung bakit nagawa ko yun pero alam ko na wala ako sa isip ng mga panahon na yon pero hindi naman yun basihan dahil kung mahal niya ako ay mauunawaan niya man lang ang pagsusumamo ko na patawarin niya.
"Akala mo ba ikaw lang yung nasasaktan dito? Na ikaw yung naiipit sa lahat ng to? Lex, nasasaktan rin ako lalo na sa mga araw na hindi mo'ko kinikibo dahil lang sa may nagawa akong ikinasakit ng damdamin mo"
"Lang? Para sa'yo ganon lang? Na ganon lang yon para sa'yo ang damdamin ko na ang babaw kong magtanim ng galit sa ginawa mo?" agad niyang tugon saakin.
"Fuck, no!" nasabunot ko ang sariling mga buhok dahil parang wala akong nasasabing tama dito. "The hell, no! It wasn't my intention and it was just happened but believed me and just like what I always clarified all this time to you... I was drunk." Halos pumiyok na ang boses ko sa pagpilit na sabihin sakanya ang totoo.
Nakita ko kung paano niya ikuyom ang mga palad niya sa huling sinabi ko at nararamdaman ko na hindi na naman tama ito. Bakit ganito kahirap magsabi ng totoo sa taong nagawan mo ng kasalanan? Minsan naisip ko kung mahal niya ba ako kasi kung ganon ay paniniwalaan niya ako. Ngunit mali din pala ang mga naiisip ko kasi kung hindi niya ako mahal ay hindi siya maglalabas ng sama ng loob saakin at lumuha ng ganito.
"You would never do such thing whether you are sad or lonely even you are drunk, you would never do such betrayal coz you know you will hurt me, Neil. Kasi kapag mahal mo kahit sino pa yang katabi mo at kahit maghubad yan sa harap mo mas iisipin mo na may kasintahan ka! Pero bakit ginawa mo pa rin. Bakit nakaya mo akong lokohin?" and there it struck me right through my bones but what's more painful to see is seeing him crying because of me. All he said was true and there are no right words to retort it but to apologize to what I did but still I want him to hear me out and understand my situation that time.
Alam kong naging makasarili ako dahil hindi ko agad sinabi sakanya ang problema ko o nagpadalos-dalos ako sa mga desisyon ko na hindi nag-iisip. Napakamakasarili ko na siguro sa nagawa ko at baka hindi ko na nga kailangan pa ang kapatawaran niya dahil hindi ako nararapat roon.
"I'm sorry..." and that's all I can say to all my mistakes.
"Kaya nga simula nong araw na naging tayo ay hindi minsan nawala sa isip ko ang pag-aalinlangan na baka isang araw mawawala ang pag-ibig mo... at araw-araw ko yung pinaghahanda kasi alam kong ako yung masasaktan. Kasi alam kong may bagay na hindi ko maibibigay sa'yo na alam mong hahanapin mo balang araw sa iba. Pero ang sakit sakit, sobrang sakit at napakasakit pa rin pala kapag mararanasan mo na pala." Sabi nito na labis ko na lang ikinalito.
"All this time, you still have doubts?" and that was all I can say to what I hear from him kasi hindi ko lubos akalain na nag-aalinlangan pala siya saakin.
Ngayon sa ginawa ko ay binigyan ko na siya ng rason para panindigan niya ang mga agam-agam niya saakin.
"Hindi mo naman maiaalis saakin yun." He said and starts to cry that make me also mourn in the inside.
"So itatapon mo na lang ba ang halos tatlong taon nating pinagsamahan?" sabi ko habang pinipilit ang sariling hindi pumiyok dahil nanginginig na ang kalamnan ko at parang ilang minuto lang ay iiyak na din ako.
"I don't know..." he reply.
"They why don't you let me fix this... I know we can figure this out" pagpupumilit ko sakanya kasi hindi ako papayag na basta-basta na lang mawawala saamin ang pag-ibig na ito.
"It's not hard to do it but it's hard to take a risk then regret it later. I know some may have second chance but I don't see it to us." Nong sabihin niya ang mga katagang yun ay nakaramdam agad ako ng bigat sa damdamin ko at kung paano koi to huhupain ay kay hirap resolbahin.
"Please Lex, don't let this thing just slip away... I love you"
"Hindi natin hawak ang kapalaran natin at baka maulit muli ang ganito" agad niyang sumbat saakin.
"But if I did that on the second time it's not a mistake anymore, it's a choice but please I would never do that again." Paliwanag ko sakanya sa panunumbat niya saakin kasi pakiramdam ko hindi na ito makatarungan.
"Lalaki ka Neil and we can't just conclude that you would never do it again kasi we are still young... There's more time to think about it and if you do, I hope you made your best choice" he said and bid a goodbye to me.
I don't know what is good in goodbye when someone wants to leave you behind. Love will not always the basis if you want to stay. It's our own will that decide whether we take it by chance or leave it all behind.
![](https://img.wattpad.com/cover/190981946-288-k720496.jpg)
BINABASA MO ANG
Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]
Teen FictionElex was dumbfounded after he caught his boyfriend cheated on him. It was the most painful thing that could happened to him but in spite of what his boyfriend did, he forced himself to forget. He left the place that reminding him of painful memories...