Chapter 74

870 37 0
                                    


Chapter 74


Neil's POV



Halos hindi ako makapaniwala sa ibinunyag ng matanda sa amin lalo na ang nagawa nito kay Elexis. Umusbong rin ang galit sa aking damdamin nang malaman ito at gustong ipaghiganti si Elex sa nagawa ng kakambal ko sa kanya. Ni isang beses ay hindi ko pa ito napagbuhatan ng kamay. Nong unang beses lang siguro pero alam ko sa sarili ko na pinagsisihan koi yon at ang pagkawalay niya ang naging kabayaran ko pero hindi itong karahasan na ang ginawa sa kanya.

Ang akala ko na masayang pagsasama muli ay napalitan ng isang masalimuot na galit sa taong minsan ko ring minahal ng higit pa sa sarili ko.

"Nasaan na po si Elex? Gusto ko po siyang makita" anang tanong ko dito pero lumungkot lamang ang mga mata nito.

"Sa kasamaang palad ay kinailangan namin siyang ilayo dito dahil sa nagawa ng kakambal mo sa kanya. Hindi namen alam na mangyayari ang lahat ng ito kaya nakikiusap ako na sana kunin niyo na si Rein... nababahala ang lahat sa kanyang pinakitang karahasan lalo na sa apo ko" tugon nito na tuloyang ikinakuyom ng mga palad ko sa inis.

"My son, where is he then?" anang tanong ni Daddy sa matanda.

Napatingin ako dito at hindi ko man lang mabasa ang ekspresyon ng kanyang mukha dahil sa pagiging blanko minsan ng kanyang mga tingin.

"Loida ipatawag mo na si Rein dito" utos nito sa matanda na isa sa sumalubong sa amin. Ngayon ko lang ito napansin sa kanyang kinatatayuan dahil sa masinsinang pag-uusap namin dito.

"Masusunod Esmeralda..." tugon nito saka umalis sa silid.

Nakakabinging katahimikan ang namutawi nang antayin namin ang kakambal ko dito. Napalingon kami nang makita ang isang lalaki na ngayon ay puno ng pasa. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang sariling repleksyon ko sa kanya. Kahit kayumanggi ang kanyang balat ay hindi maitatanggi ang malaking pagkahawig namin sa isa't isa. Gulat rin sa kanyang mukha ang naging ekspresyon roon nang makita ako.

Napatayo kami pareho ni Daddy nang lumapit ito at agad na binigyan ito ng isang mahigpit na yakap ka kahit kailan ay hindi ko na nadama kay Daddy noon.

"Ikaw na po ba ang ama ko?" untag nito kay Daddy.

"Oo, anak..." sambit nito na halos mabasag na ang boses dahil sa emosyong umusbong.

Hindi ko maintindihan ang sarili dahil sa halo-halong emosyon rin na aking nararamdaman. Pangungulila sa isang kapatid na kay tagal ko ng gusto ring makita. Hinagpis dahil sa tagal nitong pagkawalay. Inis dahil sa pinapakita ni Daddy sa kanya. Galit sa nagawa niya kay Elex at puot dahil pakiramdam ko ay tuloyan na akong mabubura sa paningin ng sarili naming ama.

"Kay tagal kong hinintay ang araw na makita ka muli... patawarin mo ako sa mga araw na wala ako sa iyong tabi" sambit ni Papa rito

Waka itong naging tugon at tanging pagyakap lamang kay Daddy ang kanyang isinukli sa mahigpit na yakap.

Ilang kamustahan at pagpapasalamat ang naganap bago kami nagpasyang tumuloy na sa pag-uwi.

"Sumama ka na sa kanila Rein, doon ay makakalimutan moa ng lahat" sambit ng matanda bago ito umalis sa silid at naiwan kaming tatlo roon.

Napansin ko ang pagkalungkot sa mga mata nito nang sabihin iyon ng aming Lola. Hindi ko na lang pinansin dahil sa wala ako sa sarili para isipin ang mga nangyayari. Sadyang kay bilis ng lahat at sa isang iglap lang nabago ang buhay ko.

Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon