Chapter 33
Neil's POV
Hindi ko alam kung ilang beses na akong pabalik-balik kina Elex para tanongin kung nakita o nakauwi na ba ito dahil sobra na akong nangangamba at nag-aalala kung nasaan na ito dahil sa isang araw na itong nawawala at hindi makontak. Pero wala akong nakukuhang sagot kay Tito dahil alam kong galit ito saakin lalo na at alam niya na ako ang dahilan na naman ng paglalayas ng anak nila. Nagpapasalamat na lang ako kay Tita kung matyempohan ko siya ay sasabihin niya saakin ang sitwasyon, bagay na ipinagpapasalamat ko parati.
Isinumbong na namen ito sa mga oturidad at tinutulongan na rin nila kaming maghanap sa kasintahan ko. Gusto ko lang kasi siyang makita at manghingi ng tawad sa pagiging gago ko noong nakaraan dahil sa hindi ko pagpipigil ang masidhing damdamin kaya ko siya nasaktan.
Halos ma-ikot ko na ang buong syudad pero wala akong nakikitang Elex, tinanong ko na rin sa mga kaibigan at kakilala namen ngunit ni isa sa kanila ay walang nakapagturo kung nasaan siya. Parati din akong pumupunta sa pulisya para itanong ang update sa kay Lex pero ganon pa rin, wala pang balita.
Nakosensya naman ako sa ginawa ko kaya hindi ako mapakali sa buong araw kaya walang tigil ko siyang hinanap kung saan-saan. Buti na lang din at nakokontak ko si Cloudi at kahit papaano ay nagkakaroon ako ng balita sakanya. Kahit pagod na ako sa kakaikot at kakalakad kung saan-saan basta mahanap ko lang siya at manghingi ng tawad.
Gabi na nong dumating ako sa bahay nila para makibalita pero walang sumasagot saaking tawag sa kanila. Nasa labas ako parati naghihintay kung sino ang lalabas para maawa man lang saakin na balitaan ako.
Nasa gitna ako ng pananawagan sa mga kakilala pa namen ng marinig ko ang pag awang ng gate nila na ikinatingin ko agad rito at nakita ko si Tita na papalapit saakin.
"Hijo umuwi ka na muna... sabi ng kapit bahay kanina ka pa pabalik-balik dito..." nag-aalalang sabi ni Tita saakin kaya isang pilit na ngiti na muna ang ipinakita ko dito kahit pagngiti ay nahihirapan ako.
"Ayos lang ho Tita, basta makita lang natin si Elex sa madaling panahon" sabi ko rito na ikinangiti ni Tita saakin.
"Huwag ka ng mag-alala, alam na namin kung nasaan si Elexis kaya wala ka ng dapat ipagbahala pa... umuwi ka na muna para makapagpahinga na" sabi ni Tita na ikinalundag na puso ko sa saya.
"Andito na po ba siya? Nasaan na po siya Tita? Please, puwede ko bang kausapin siya? Kung puwede lang po sabihin niyo na andito ako" sunod-sunod ko na tanong sakanya pero kita sa kilos at ekspresyon ng kanyang mukha na nag-aalinlangan itong sabihin ang nalalaman.
"Mabuti pa ay magpahinga ka na lang... nasa maayos lang na kalagayan si Elex" nakangiti nitong saad nito saakin pero pakiramdam ko nabigo pa rin ako kasi hindi niya sinagot ni isa sa mga tanong ko. Kahit man lang sana sabihin nila andito lang siya ay maayos na ako doon pero itong sinabi niya ay labis na lamang na ikinasawi ng puso ko.
"Sige po..." sabi ko na lang at naglakad palapit sa aking sasakyan.
Muli kong tinignan si Tita pero nakapasok na ito sa bakuran nila at papasok na ng bahay nila. Wala na din akong nagawa kundi ang umuwi at mainis sa sarili dahil sa mga nagdaang nangyayari ay wala man lang akong nagawa ngayon na tama.
Pagkauwi ko ng bahay ay agad akong nagkulong sa kuwarto ko at hindi na nagpa-isturbo.
Habang nakahiga sa aking kama at pinagmamasdan ang puting kisame ay binalikan ko yung mga sandali na masaya lang kaming dalawa. Yung sandaling hindi ko pa dapat mamili kung sino sa kanila Yonice at Elex ang pipiliin ko. At higit sa lahat ang nangyari saami ni Yonice na tuloyang ikinabaksak ng mundo namen lahat.
BINABASA MO ANG
Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]
Fiksi RemajaElex was dumbfounded after he caught his boyfriend cheated on him. It was the most painful thing that could happened to him but in spite of what his boyfriend did, he forced himself to forget. He left the place that reminding him of painful memories...