Chapter 20

2K 87 1
                                    


Chapter 20


Elex's POV


Ayaw ko mang bigyan ng kung ano mang mga kahulugan ang yakap niya saakin pero umaasa ang isang parte ng isip ko na baka tama na ang pagkukunwari ko dahil masasaktan lamang ako. Mahal ko siya at hindi ko ipagkakaila iyon pero tama pa bang sambitin ko sakanya ang katagayang yun kung ang daming mga bagay na ngayon ang humahadlang para panindigan ko ang pag-ibig naming 'to.

Sa pagdama ko ng kanyang katawan saakin at ang paglasap ng mahigpit niyang mga yakap ay parang gusto ko pa itong ilaban pero sa mga isiniwalat niya kanina ay hudyat na para isuko ko na ang laban.

Pilitin ko man ang sariling huwag na lamang itanong ito sakanya pero gusto kong makasigurado.

"Ano ba ang nagawa kong kasalanan sa'yo para ako ay iyong saktan?" sabi ko sa gitna ng yakap niya saakin.

Ngunit wala akong nakuhang kasagotan kundi ang pagkahigpit lamang lalo ng kanyang mga akap saakin sa ilalim ng ilaw at buhos ng mga ulan.

"Bakit ba ako yung napili sa dami ng taong pwede mong paglaruan?" dagdag ko na katanongan sakanya bago niya kinalas ang mga bisig niya saakin.

"Bakit hindi ka na lang bumalik saakin Lex? Pangako ko huling beses na mangyayari ito, huwag mo lang akong iiwanan. please" pakiusap nito saakin sabay abot ng mga balikat ko ng mga kamay niya na nagpatingin saakin sa mukha niya.

Hindi ko halos maisip ang sarili nong masilayan ko ang mukha niya lalo na ang mga mata nitong lumuluha na sumasabay sa agos ng ulan sa pisngi niya. At nahihirapan pa rin akong makita na ganito na kami ngayon. Nagsusumamo sa isa't isa na ipaglaban pa ang pag-ibig na baka pwede pang isalba.

"Hindi ka pa ba napapagod Neil? Kasi ako? Hirap na hirap na akong isuko ka kasi mahal na mahal pa din kita sa kabila ng mga ginawa mo..." sabi ko na hindi na napigilan pang humagulhol ng iyak sa kanyang harapan.

"I'm sorry but I promise you na itatama ko ang pagkakamali ko sa'yo but please, don't let that us just slept and go, okay? Please Lex promise me, baby please." Sabi nito na ikinailing ko dahil mas alam ko ang tamang gagawin para sa aming dalawa. "Please Lex don't do this to me please. I love you. I love you baby" dagdag nito sabay abot ng isang halik sa aking mga labi na lubos ko namang tinugonan dahil pakiramdam ko parang huling beses ko na itong malalasap.

"I'm sorry Neil" sabi ko nong naghiwalay ang aming labi.

"No, no please no... Please hold on... I promise ikaw pa din Lex" pagsusumamong pakiusap nito saakin.

"Ayaw kong makihati sa mga responsibilidad mo at mas mainam na maghiwalay na tayo." Sabi ko na kumalas na sa kanyang pagkakahawak. Akmang aalis na sana ako pero pinigilan niya ako at kinulong muli sa kanyang mga bisig.

"Please please... ikaw pa din Lex kahit na ano man ang mangyari. Huwag mo lang akong iwan please. I'm sorry na please, please" pakiusap nito na pilit akong niyayakap kahit na kinakalas ko na ang mga bisig niya sa pagkakayakap saakin mula sa aking likuran. Kagat labi ko ring pinigilan ang mga hikbing ayaw kong lumabas sa aking mga bibig pero sapat na ang lahat saakin. Hindi ko kaya ang gagagwing ito pero alam kong ikakabuti naman namen ito.

"Lex!!!" sigaw nito nong makatakbo na ako papalayo sakanya at ang sakit pakinggan ang parehong boses niyang ito nong malaman ko ang nagawa niya na para bang sa ganito na lang parati kami matatapos at ang sakit sakit pakinggan at isipin ang mga salitang ito.

PAGKADATING ko sa bahay ay agad akong pumasok sa aking kwarto at doon binuhos lahat ng hinanakit ko dahil ang sakit bitawan ng taong alam mong mahal mo pero mas masakit kapitan ang taong may iba na dapat na pinaprayoridad.

Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon