Chapter 35

1.7K 67 5
                                    

Chapter 35


Elex's POV


Nong umuwi ako sa bahay ay wala akong narinig ni isang salita kina Papa at Mama sa pagsisinungaling ko sa kanila at ang pagpunta ng bukid na lingid sa kaalaman nila. Wala na silang naging tanong pa saakin nong bumalik ako kundi ang pag-iwas na lamang nila sa bagay tungkol doon. Ako naman ay nakonsensya dahil sa mga natamo kong mga mabibigat na salita kay Lola tungkol kina Mama at Papa. Mas lalo lamang akong nalungkot nong mapansin ko ang malungkot na itsura ni Mama lalo na si Papa na alam kong binabagabag sila kung may nasabi ba saakin ang Lola.

Sa huli ay wala ding nagbukas ng tungkol pa doon at binalik na lamang muli namen ang lahat sa dati. Ipinangako ko naman sa sarili ko na hindi na ako babalik doon dahil kahit doon ay hindi ako patatakasin ng nagdaan ko.

Tungkol naman doon ay kanina pa ako binabagabag rin sa nangyari bago ako makasakay mula roon. Lalo na ang itsura niya nong pinipigilan niya akong umalis. Walang hindi magkatulad sa mukha nilang dalawa lalo na ang ekspresyon nang unti-unti na akong mawawala sa piling nila.

"Haysss..." buntong hininga ko sa lahat ng mga gumugulo sa isipan ko.

Habang nakaupo sa kama ko at pinagkatitigan ang asul na langit sa bintana mula dito sa kuwarto ko ay bigla namang umilaw ang phone ko na umagaw sa atensyon ko. Ayaw ko na sanang pansinin pa sila lalo na at ilang mga tawag at mensahe na ang natatanggap ko sa kanila simula na nong nawala ako. Lalo na siya na sa bawat minuto at oras ay hindi niya nakaligtaan na tawagan o magiwan ng mensahe sa phone ko.

Ngayon nagugulohan na naman ako habang kinakapa ko sa aking mga alaala ang minsang pagbanggit nito kung may kakambal ba ito.

"Hello Jandi?" tugon ko sa tawag nito.

"Hoy baklatwo! Dinamay mo pa kami sa kagagahan mo! Asan ka na ba? Bakit ngayon ka lang sumagot? Ano yan teh? Reminisce? Moving on? Getting over him? Magsabi ka naman oy, pinag-alala mo sila Tita sa'yo!" bulyaw nito saakin at buti na lang at nailayo ko na yung phone saakin kundi wasak eardrums ko sa lakas ng boses ni bakla.

"Tapos ka na ba?" walang gana kong sabi dito dahil sa pagiging praning nito. Dinaig pa nito ang mama ko sa Best Worried Mother.

"Anong tapos na ako? Hoy! Pinag-alala mo kami, syempre hindi pa yun... gusto mong mamura kita? Kulang na lang patayin nila si..." sabi nito at biglang natigilan sa sasabihin nito na agad niyang tinuloy. "Si Cloudi dahil ang sabi mo mag outing tayo... di ka nagpasabi ghurl, nakapag-impake sana ako para damayan ka!" tuloy nito sa sandali niyang paghinto pero kahit hindi niya sabihin alam kong tungkol iyon kay Neil.

Kahit nong nagkaroon kami ng aberya ay hindi ito sumuko para muli akong makausap kahit na ako ay unti-unti ng nakikitang ang pagguho ng relasyon namen nong una. Pero pinakita niya saakin na kaya niyang lumaban ngunit sadyang gumagawa ang tadhana ng paraan para pagbuwagin kaming dalawa. Hindi niya lang alam kung gaano kong gustong ipaglaban siya at ipagsigawan na mahal ko pa siya ngunit tadhana na ang gumagawa ng paraan para tuloyan na kaming dalawa na maghiwalay.

"Puwede niyo ba akong samahan sandali?" paglihis ko sa usapan naming dahil gusto ko ng waksiin pa iyon dahil ang paglalayas ko ay nagdulot lamang ng panibagong gulo sa aking isipan.

"Oh maglalayas ka na naman? Buti at ininvite mo pa kami" sarkastiko nitong sabi saakin na ikinairap ko na lang.

"E di huwag na lang..." sarkastiko ko ring sabi dito na ikinatawa ni gaga.

"Ito naman hindi mabiro. Tatawagan ko lang si Cloudi at any moment from now anjan na kami. Ora mismo" sabi nito at nagpaalam na ibaba na ang tawag.

Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon