Chapter 26

1.9K 86 8
                                    


Chapter 26


Rein's POV


"Puwede ka ng bumaba kasi amo nila yan..." sabi ko sakanya na nakakapit pa rin saakin habang kinakarga ko. Hindi naman siya mabigat pero ayaw kong isipin niya naa kinukuha ko ang pagkakataon na ito para mahipuan siya o kung ano pang puwede niyang isipin laban saakin.

"Paalisin niyo muna yung mga dambuhalang mga aso na yan" sabi nito na hindi pa rin kumalas sa pagkakakapit sa leeg ko at sumiksik pa lalo.

"Di yan nakikinig sa'kin kasi di naman ako ang amo ng mga to" tugon ko dito.

"Oy tol naparito ka? Sino yang bitbit mo?" bungad saamin ni Troy nong makalapit ito sa kinaruruonan naming dalawa na nakangiti ng kung ano ang iniisip.

"May naghahanap kasi sa Lola at Daddy mo, hito oh pinsan mo si..." natigilan naman ako nong hindi ko pa pala alam ang pangalan niya. "Si Ano... ano pala pangalan mo?" tanong ko sa karga ko pa din.

"Wala na ba yung mga aso?" tanong niya saamin.

"Pinaalis ko na kaya puwede ka ng bumaba riyan" tugon ni Troy dito na ikinatingin ng karga ko sa nagsalita at grabing gulat ang rumhistro sa mukha ni Troy nong makita niya ang taong karga ko na ngayon bumaba na sa pagkakakarga ko.

"Troy"

"Elexis?" halos sabay nilang sabi nong makita nila ang isa't isa.

Ngayon totoo nga ang sinasabi niya na Tito niya si Mang Isko dahil kilala ito ni Troy at hindi malayong kilala nila ang isa't isa.

Sandali pa akong nag-isip ng mga bagay-bagay sa kanila ngunit biglang pumasok sa isip ko ang tinawag ni Troy sa kasama ko.

"Elexis?" nagugulohan kong tanong sa sarili ko na narinig naman nilang dalawa kaya pareho silang napatingin saakin at may tanong din sa mga mukha nila.

"Oo pinsan ko si Elexis, anak ni Tita Cheska... kailan ka pa dumating? Akala ko hindi ka na babalik dito sa bukid" masayang bati ni Troy sa nagngangalang Elexis na hanggang ngayon ay ikinagulo pa rin ng ulo ko.

"Elexis? Di ba panglalaking pangalan yun?" tanong ko bigla na narinig na naman nila kaya napatingin naman sila ulit saakin na tila nagugulohan sa mga inaakto ko.

"Bakit tol? Inakala mo bang babae tong pinsan ko?" nakangiting saad ni Troy na ikinatingin ko kay Elexis na hindi magkandauga sa kinatatayuan.

Ako naman ay parang masisiraan ng ulo dahil sa nabudol ako ng mapanglinlang na ganda. Pero hindi ko naman kasalanan na isipin na babae siya lalo na sa suot niyang damit at ang itsura niya na pagkakamalan mo talaga sa unang kita mo pa lang na babae. Pero ang mas nakakaloko ay angking gandang tao niya dahil sa maputi at makinis ang balat niya. Hindi lang yun dahil talagang nakahilira siya sa mga nagagandahang mga tao sa lugar naming na nagmamay-ari pa ng mga lupain dito sa bukid.

"Troy papasok na ako sa loob" sabi nong Elexis na ikinabalik ng diwa ko sa taas ng inilipad nito.

"Sige insan susunod ako... kakausapin ko muna tong tulerong ito" sabi ni Troy sa pinsan at ngayon ay naiwan na kaming dalawa.

"Tol akala ko talaga babae siya... Kamuntikan ko ng mahalay kanina kung hindi lang ako nakapagtimpi" sabi ko sa kaibigan ko ng pawang mga katotohanan dahil totoong halos hindi na ako magapagpigil kanina.

Lakas naman ng amats tong kausap ko nang tumawa ng napakalakas dahil sa isiniwalat ko. Hindi kasi ako yung tipong naglilihim sa simpling katarantaduhan ko kahit na may himig itong biro ay pawang may katotohanan rin ito.

Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon