Chapter 41

1.3K 64 0
                                    

Chapter 41


Elex's POV


Isang malamig na simoy ng hangin ang dumampi sa aking mga balat na nagpatigil saakin saglit sa paglalakad. Hindi ko alam ang aking nararamdaman pero may nanudyo sa aking tignan siya muli at sa hindi inaasahan ay nilingon ko ngayon ito na nakatalikod na rin saakin at naglakad sa ibang direksyon.

May kung anong meron sa dibdib ko na nagsasabi na kailangan kong bawiin ang mga sinabi ko sakanya at habang tinititigan ko siyang unti-unting lumalayo sa aking paningin ay may nag-udyok sa aking tawagin ito ngunit sobrang layo na ito at alam kong hindi na niya ako maririnig pa. Kaya wala na din akong nagawa pa kundi iwaglit ito sa isip ko, sa ikakabuti ko lang naman din ito. Dahil kung tatagal ay baka hindi ko na tuloyang makalimutan si Neil.

"Kuya, he looks like Kuya Neil... are you sure it's not him?" biglang tanong ng kapatid ko na nagtataka habang pinagkatitigan ako.

Umupo ako para maging magkalebel lamang kami at binigyan ko ito ng isang ngiti.

"Hindi Zeus... I'm sure it's not your Kuya Neil" tugon ko sa aking kapatid.

Agad naman akong nakaramdam ng kirot sa aking dibdib dahil sa muli kong pagbanggit sa pangalan niya. Hanggang dito ay alam kong hindi ako lulubayan ng aking kalungkotan dahil alam kong gagambalain lang muli ang puso ko dito. Siguro tama na yung sinabi ko sakanya na huwag ng lumapit saakin o sa pamilya ko. Natatakot lang ako sa mga mangyayari kung sakaling makita nila si Rein.

"But they are very look alike to each other po... only his complexion is darker than Kuya Neil" wika ng kapatid ko na ikinangiti ko na lamang bahagya dahil sa totoo lang wala silang alam tungkol dito at kung bakit bigla kaming napunta rito.

"Just promise me you won't tell anybody what you saw or who you saw, okay?" pagpapaalala ko sa kapatid ko.

"Bakit po? You don't want Mama to know?" agad nitong tanong saakin.

"Let's just keep this a secret for a while... I will tell them someday" ngiti kong banggit dito na ikinasang-ayon ng kapatid ko bilang pagtango nito saakin.

Hindi nila alam ang mga nangyayari at hanggang sa maari ay sana mananatiling wala silang alam dahil ayaw ko silang masaktan kapag nalaman nila ang mga katotohanan sa pamilya namen. Kung maari sana ay huwag na nilang ungkatin pa ang mga nagdaan.

NAKABALIK kami ng mansyon at laking pasalamat ko dahil wala ng hidwaan ang nagaganap pa. Kaya kami lumabas ni Zeus para hindi niya marinig ang usapan ng mga nakakatanda at gusto naming na manatiling walang alam ang mga kapatid ko sa nagdaan sa pamilya namen.

"Where is Mama and Papa... also ate Deme?" tanong ng kapatid ko.

"I don't know, we'll see if they are in the dining..." tugon ko sa kapatid at akmang maglalakad na kami ng may sumalubong saamin na sa tingin ko ay kasambahay kaya agad ko itong tinanong.

"Am... Ate, nakita niyo po ba ang mga magulang namin." Untag ko dito ngunit bago niya ako bigyan ng kasagotan ay pinagkatitigan niya muna ako mula ulo hanggang paa at ganon rin sa kapatid ko na para bang may sinasabi ito sa isip niya sa mga tingin niyang yon.

"Nasa itaas na sila... kung gusto niyo sumabay na kayo saakin, doon rin ako papunta para ibigay itong mga kumot at punda na gagamitin niyo" sabi nito na tila wala itong ganang kausapin kami ng kapatid ko.

Hindi ko na lang ito pinansin at hindi ko na din ito inabala pang tanongin dahil baka ano na naman ang tumakbo sa utak nito. Mas mainam na itong wala na din akong sasabihin sakanya. Pero hindi ko din talaga maiwasan na malungkot dahil hanggang ngayon ay hindi pa nawawala sa kanilang mga isipan ang isang malaking eskandalo na naganap sa nayon na ito.

Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon