Chapter 47

1.2K 47 0
                                    

Chapter 47


Rein's POV



Minamasdan ko siya nang hindi niya alam at kahit nasa malayo ako ay nakikita kong malungkot ang mga tingin niya. Gabi-gabi akong nag-aabang sakanya sa balkonahe ng kanyang kuwarto, mapagmasdan ko lang siya. Hindi nawawala sa isip ko kung papaano ko tanggalin ang mga lungkot sa kanyang mga mata.

Araw na lunes at halos isang linggo na rin simula nong araw na nawala at bumalik siya na umiiyak sa hindi ko alam na kadahilanan. Ayaw ko namang magtanong baka iba pa ang maging kahulugan non sa iba pero hinihiling ko sa bawat saglit na tinitignan ko siya gusto kong malaman ang istorya ng likod ng malulungkot niyang mga mata.

"Heyah! Bilisan mo Damian... naungasan ka ni Marcos" sabi ko sa kabayo ko na si Damian na ikinailing nito at mas lalo pang binilisan ng takbo at naunahan nga namin si Troy.

"Sige Marcos, bilisan mo pa kung ayaw mong magbitbit na naman ng mabibigat na sako" pagbabala nito sa kabayo habang nakakakarera kami patungong sitio dos para kunin ang mga na ani na mga pipino at kalabasa.

Nagkakarera kami ni Troy para kung sino yung matalo ay siya ang magbibitbit ng mas mabigat na gulay.Kanina pa ito naisako nila Allan at kukunin na lang namin ang para sa mansyon.

Halos magpantay ang takbo ng kabayo namen ni Troy pero hindi ko siya hinayaan maungasan ako kaya mas lalo ko pang inigihan ang pangangabayo ko. Pero kalaunan ay naunahan kami ng kaunti nila Troy. Habang nagkakarera kami ay may nakita ako daan na alam ko isa ito sa mga shortcuts ko kaya sininyasan ko si Damian na tahakin namen iyon sa paghatak ko sa kanyang buhok para lumiko.

"Oh? Shortcut ah? Sige kitakits na lang" sigaw sa akin ni Troy at mas pinabilis pa ang takbo ni Marcos.

Kabisado na namen mga alternatibong daan dito sa Esperanza ni Damian dahil lagi ko siyang kasama kahit saan kami pumunta. Naririnig ko na ang batis na alam kong malapit na ako sa patutungohan ko kaya mas pinabilis ko pa ang takbo ni Damian. Habang tinatahak pa namen ito ay kita ko na ang batis ngunit nagitla ako nang biglang huminto si Damian at biglang tumalon. Pagtingin sa likuran ay may nakita akong natumba pala na kahoy na iniwasan ni Damian pero huli na roon dahil nahulog kami sa bangin na hindi naman masyadong mahaba ang kaso nawalan ng balansi si Damian kaya natumba ito at sabay kaming dumausdos sa batis. Pareho kaming basa nito.

"Hahahahahaha..." rinig kong may tumawa kaya agad kong hinanap ito at doon nakita ko si Troy na tumatawa dahil sa nangyari sa amin. Napailing na lang ako dito at muling sumakay kay Damian na hindi pa tumakbo kung hindi pa ako nanghingi ng tawad dito. Pinasakay nga muli ako dito pero tinahak na namen ang Sitio Dos na parang naglalakad lang ito. Nananadya pa ata tong si Damian saakin.

"Oh anyari sa shortcut mo Rein? Para atang na longcut" kantyaw ni Troy sa akin ng dumating kami ni Damian sa taniman.

Kinantyawan din ako nila Ondoy at Allan sa nangyari sa akin dahil basa rin ako. Hinubad ko na lang ang aking damit at nagsimulang maghakot.

"Ang usapan Rein ha..." pagpapaalala sa akin ni Troy na hindi ko naman nakakalimutan.

Sinimulan ko ng kargahin ang sako para sa mansyon ngunit paglagay ko basket sa likod ni Damian ang natalon ito at iniiwasan ako. Hindi naman niya ito ginagawa sa akin noon kahit ilang beses na kaming matumba at madapa.

"Oh anyari sa kabayo mo Rein" biglang sabi ni Mang Arturo ng mapansin kami ni Damian na nagpapatintero.

"Ayaw niya po kasing isukbit ito sa likod niya." Paliwanag ko dito.

"Eh ano bang nangyari sa inyo at basa ka rin?" pagusisa sa akin ni Mang Arturo.

"Nahulog kasi sila sa batis kanina... nagshortcut ba naman" sabi ni Troy na tumawa ng malakas habang bitbit na ang mas magagaan na gulay.

"Hindi kaya nagalusan at nagkasugat yang si Damian, Rein?" biglang sabi ni Mang Arturo sa akin na akin ng pinaghihinalaan kaya agad koi tong sinuro at ayun nga nakitak o ang sugat nito sa kaliwang pamahulian na binti nito at siguro natamaan ito ng basket kung kaya ayaw niyang magbitbit.

"Pasensya ka na Damian..." sabi ko dito sabay himas para pagaanin ang kalooban nito.

Nagsisisi tuloy ako sa nagawa ko. Sa huli ay hindi kami pinayagan ni Mang Arturo na pabitbit si Damian ng mga sako at sa huli si Troy pa din ang pinabitbit dito. Ang kaninang masaya niyang mukha sa pagkapanalo niya ay napalitan ng pagkabusangot kaya ako naman ang tumawa dito. Pero kahit papaano ay naawa naman ako sa kalagayan ni Marcos kaya ako na lang ang nagbitbit ng dalawang sako ng pipino.

Pagkadating namen sa mansyon ay agad kong pinasok si Damian sa kuwadra upang magamot ang sugat nito. Pagkatapos mabalot ng binda ito ay nagpalaam ako dito at sinabihang magpahinga para humilom na ang sugat nito. Matigas rin kasi ang ulo ng isang to at gustong naglalakad kahit saan kaya tinali ko na lang siya sa puno ng manga. Habang tinatali koi to ay naalala ko naman na ito yung manga na parati kong inaakyatan para antayin ang paglabas ni Elex sa kanyang kuwarto. Napatingin naman ako sa bukas nito sa pinto sa kanyang balkonahe at inantay na sumilip ito pero walang Elex na nagpakita doon.

Sa huli ay hinanap ko na lang si Troy sa loob ng mansyon at ang sabi ng mga katulong ay kasama niya sila Diane at ang anak ni Tita Franchesca kaya agad kong pinuntahan ang sinabi nito sa akin at hindi nga ako nagkakamali. Andito nga siya sa Aklatan at naghahanap ng libro.

"Oh andito na si Rein, magpasama ka... alam mo namang abala rin ako sa pagtingin pa sa ilang tanim dito. Pupunta pa ako ng Sitio Syete para tignan ang mga ubas roon at nagsisimula ng mamumulaklak ang strawberry... alam mo namang malayo iyon" sabi ni Diane sa kapatid.

"Pagod ako Diane kanina sa pag-aani kaya kung maari ay sila na lang nila Ondo yang pakiusapan mo" tugon ng Troy sa kapatid.

Habang ako ay hindi na sila inabala at ang buong atensyon ko simula nong dumating ako dito ay sa kanya. Halos isang linggo rin nong huli kong masilayan ang mukha niya sa malapitan. Walang pinagbago ito, tulad pa rin sa painting na nasa harapan nito. Maputi at hindi lang maputi kundi sobrang puti...

Habang pinagmamasdan ko siya ay may tinignan ito sa itaas at pilit na inaabot. Kaya agad kaong lumapit dito para kunin yung aklat na pilit niyang inaabot habang naghahanap siya ng pwede niyang patungan ay iniabot ko sa kanya ang libro na sobra na lamang niyang ikinagulat at napatingin sa aking pagkatapos na sobrang ikinanginig ng mga tuhod ko dahil sa mga mata niyang nakatitig sa akin. Sabayan pa ng kanyang mga mapupulang labi na parang nangingimbita sa aking halikan ito. Pinilit kong magtimpi ang pigilan ang sarili ko at buti na lang may nagsalita na ikinabalik ko sa aking diwa.

"Hoy Neil magdamit ka kasi... alam mo namang naiilang yang pinsan ko. Kilamig ng klima dito sa Esperanza pero tudo ka pagbalandara niyang katawan mo" biglang sabi ni Diane na ikinahiya ko dito pero nong muli ko siyang tignan ay nakatingin siya ngayon sa aking katawan at kita ko kung paano nanlaki ang mga mata nito nang makita akong nakahubad pangitaas.

"Tol, tara na samahan mo ko don sa Uno..." tawag sa akin ni Troy at tinangoan ko agad ito. Inabot ko na sakanya ang libro at agad naman niya itong kinuha.

Lumabas ako ng mansyon na may ngiti sa aking mga labi dahil sa nakita kong reaksyon niya sa aking nang makita niya ako. Tulad din nang unang beses ko siyang nakita noon, ganon rin ang naging reaksyon niya at mas lalo akong nahuhulog sa kanya dahil sa pareho niyang ugali na pinapakita.

Gagawin ko na lang ay alisin ang lungkot sa kanyang mga mata para sa susunod mga ngiti naman sa kanyang mga labi ang aking makikita sa susunod.

Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon