Chapter 16

2K 82 5
                                    


Chapter 16


Neil's POV


Andito kami sa living area nila Yonice habang kaharap na namen ang mga magulang nito na parang hindi makapaniwala sa kung sino ang nasa harapan nila. Aaminin ko na sadyang impluwensyadong tao si Tito Jay dahil sikat na itong negosyante sa bansa, pati na rin si Daddy na kilalang entrepreneur at negotiator kaya ganito na lang kung tignan nila kami na parang nakakita ng isang kayaman sa harapan nila.

"So what's the commotion about Mrs. Reyes?" basag ni Daddy sa katahimikan sa pagitan naming lahat.

Napatikhim ang ginang sa sinabi ni Daddy bago ito nagsalita at may inilatag sa harap ng coffee table nila.

"These are the Pregnancy Test my maid saw that Yonice throw early this morning. You think you two will just get away with this? And you young man, are you even ashamed of what you did to my daughter? Telling her na hindi mo siya kayang panagutan?" diritsang sabi ng Mama ni Yonice habang nakahalukipkip sa aming harap na parang may pananaligan. Sa tono ng boses niya ay parang siya pa itong galit sa nagawa ko na aksidente lang naman ang nangyari sa pagitan namen ni Yonice.

Napatingin naman ako sa tatlong pregnancy test sa harap ko at nanlaki ang mga mata ko sa nakikita ko. Lahat ng iyon ay puro positive ang resulta na sobrang nagpadismaya sa aking sarili. Nagsasaad dito na hindi talaga ako makakatakas na sa kasalanang nagawa ko. Pero ang mas nakakabigat sa kalooban ko ay nong maisip ko si Elex. Talagang wala ng pag-asa pa para sa aming dalawa.

"Please Mrs. Reyes let's all calm down. I think we better need to know first what happen to them. Maybe it's just an accident." Mahinahong sabi ni Tito Jay para pakalmahin ang nangangalit na magulang ni Yonice.

"Accident? I don't think so Mr. Saavendra. That boy is guilty to what happened between them with my daughter and I can't just let this thing get away. Kinuha niyan ang puri ang anak ko" Pasigaw na sabi ng Papa ni Yonice habang tinuturo-turo ako na nagdulot ng kilabot saakin dahil sa galit ng boses nito.

Napapikit ako saglit sa pagtaas ng boses ng Papa ni Yonice habang dinuduro ako nito. Kahit nanginginig na ay hindi ako nagpakita ng pagkatakot dito.

"Let's calm down, Mr. Reyes, but please don't accuse my godchild," mahinahon pa ring sabi ni Tito sa mga magulang ni Yonice habang ito ay parang sasabog na sa galit dahil sa nagawa ko sa anak nila.

Kung alam ko lang na ganito pala ang mangyayari at ganito kahirap ang magiging sitwasyon ko ay sana nagpaubaya na lang ako sa nais ni Lex noon, siguro kami pa hanggang ngayon na walang problemang kinakaharap. Kasalanan ko rin naman ang lahat kaya humantong ako sa ganito. Napayuko na lang ako sa pagbabangayan nila habang si Tito ay pilit na kinakausap ito ng mahinahon pero ang ipinagtataka ko ay si Daddy na prenting nakaupo lang habang nakahalikipkip na tinitignan ang mga nangangalit na kausap namen.

"We sustain the baby..." sabi ni Daddy na sinalungat naman ng Papa ni Yonice.

"Kaya naming gawin yun Mr. Sandoval pero ang gusto naming mangyari dito ay ipakasal ang anak namen sa anak mo. Meron naman nangyari sa kanila at nagbunga na iyon. Total matagal naman tayong mga magkakilala 'di ba?" sabi ng Papa ni Yonice.

Habang pinapakinggan ko ang paliwanag ng Papa ni Yonice ay lumukob naman saakin ang grabing pagkakaba dahil hindi ko lubos akalain na ganito na ang gusto nilang mangyari.

Napatingin ako kay Tito na tinitignan lang din si Daddy kaya napatingin na rin ako sa tinitignan nito at doon ko nakita ang napakaseryosong mukha ni Daddy.

Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon