Chapter 30

1.9K 72 9
                                    


Chapter 29


Rein's POV


Pilit ko mang inaalis ang mga tingin ko sakanya ay hindi ko magawa lalo na at parati niya akong nahuhuling nakatingin sakanya. Hindi ko lang kasi maiwasan na tanongin ng paulit-ulit ang sarili ko kung pinaglalaruan lang ako ng aking mga mata o talagang umasa lang ako na sana babae na lang siya dahil kahit sabihin man nila ay hindi mo masasabing lalaki siya.

"Insan, alisin mo yung mga nakadikit na lupa oh" biglang sabi ni Diane na ikinatigil ko sa pagbubungkal at tumingin sa kanilang direksyon dahil wala naman siyang ibang kinausap kundi ang pinsan niya na ngayon na inosenting nakatingin sa kung ano ang ginagawa ni Diane.

"Hindi ba puweding hugasan na lang ang mga ito?" wika niya na ikinatawa naman ni Diane.

"Hindi talaga no kasi tutubuan yan ng mga sprouts pag ibinagsak mo yan sa mercado" natatawa pa din na sabi ni Diane sa pinsan.

Hindi ko na lang din sana sila papansinin kung hindi lang sumabat sa kanila si Gab at talagang kinausap pa nito yung si Elexis. Pinapaliwanag kung bakit hindi puwede hugasan at kung paano ito tinatanim. Hindi ko na lang din maipaliwanag sa sarili ko kung bakit kumukulo ang dugo ko ngayon. Isang lang ang nasa utak ko na sinasabi kung bakit kinakausap ng kaibigan ko ang manloloko na ito pero may ibang dahilan sa katawan ko na ewan ko kung saan nanggagaling at bakit naiinis akong kausap ni Gab yung Elexis na yon. Dahil na rin bilang isang kaibigan ayaw ko na matulad siya sa akin na naloko ng isang 'to.

"Hoy nag-aani tayo hindi nagluluto" biglang sabi ni Allan na ikinatigil ko sa aking ginagawa kasi kulang na lang mahihiwa ko na yung mga patatas sa pagbubungkal ko ng lupa.

Hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy lang sa aking ginagawa pero para atang mas lumala pa ako dahil imbes na bungkalin lang yung lupa para kunin yung mga patatas sa ilalim ng lupa ay hinukay ko na ito ng mas malalim pa sa bunga nito. Sa inisi ko sa sarili ay agad na akong kumuha ng mga basket para paglagyan ng mga nakuha kung patatas at inilagay dito. Bitbit ang apat na basket ay nagpaalam akong iuuna na ang mga ito kay Mang Tomas.

Pagbalik ko sa taniman ay dumako agad ang tingin ko sakanya na nakangiting tinutulungan ni Gab na hilain yung puno ng patatas. Hindi ko alam kung bakit pero naiinis ako sa nakikita ko. Hawak nito ang sanga habang nasa likod niya si Gab at nakahawak sa kamay nito at sabay hinila ang puno ng patatas na nagresulta sa pagkatumba nila dalawa sa lupa habang nasa kanlungan ito ni Gab.

Hindi ko na lang namalayan ang sariling naglakad papalapit sa kanila at nong nasa harap na nila ay saka na ako natauhan sa aking ginagawa lalo na nong tinignan nila ako na parang nagugulohan.

"Kukunin ko na itong napuno niyo na basket para ibigay kang Mang Tomas" agad ko na naisip na palusot na sa tingin ko naman ay nakalusot.

"Ah sige tol salamat... Lex dito naman tayo, ngayon ikaw na ang magbubungkal at hihila" sabi ni Gab dito at ikinatango naman nito habang nginingitian si Gab.

Ginawa nga nila iyon pero minsan tinutulongan pa rin ito ni Gab na magbungkal at hinahawakan ang kamay habang hinihila na nila ang patatas. Nakatayo lang ako habang tinitignan sila nong tumingin bigla saakin yung Elexis na ikinatingin na rin ni Gab saakin ay agad akong nataranta.

"Ah bakit tol, may kailangan ka pa ba?" tanong ni Gab saakin nong makita akong tinitignan sila.

Agad naman akong nag-isip ng palusot dahil sa pagkagulat ko.

"Matatagalan pa ba kayong dalawa sa pagpuno pa nitong isang basket para isahan ko lang makarga lahat" agad ko na tugon sa kanila para

"Angas nito oh, edi ikaw na... dali na Lex punuin na nating yung isang basket para makaalis na tong isang to... panira eh" natatawang sabi ni Gab sa kay Lex daw kunno na sinunod naman ng isa.

Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon