Chapter 45

1.6K 69 22
                                    

Chapter 45


RATED SSPG! STRICTLY PROHIBITED TO THOSE READER WHO ARE NOT CAPABLE NG LOW IMAGINATION LOL HAHAHAHAH. GRABE TO SO FAR.!!!! HAHAHAHA



Neil's POV

Parang nabalik ako sa huwesyo ko nang makita ko ang natatarangtang mukha ni Lex na may bakas ng pagkatakot sa nagawa ko. Saka ko lang napagtanto ang nagawa ko nang makita ko si Lyle na duguan ang labi dahil sa kagagawan ko. Pati na ang mga kaibigan ni Lex ay natakot sa nagawa ko dahil sa kakaibang nagawa ko ngayon.

"Lex..." banggit ko nang makita kong hinila na ito nila Jandi at Cloudi papalayo saakin.

"Tara na Lex at baka tayo pa ang isunod niya..." nagmamadaling bulyaw ng kaibigan habang hinahatak sa palabas habang ako ay nanatiling nakatayo habang pilit nakaabot ang kamay ko sakanya.

"Elex..." huling sambit ko na para bang isang bulong sa hangin na narinig niya para muli akong sulyapan bago tuloyang nawala siya sa aking paningin nang may namumuong mga luha na sa aking mga mata.

Ngayon ay binigyan ko na siya ng tamang dahilan para tuloyan ng huwag ng lumapit saakin at tuloyang umalis na sa buhay ko. Ganito na siguro ako kasama para masaktan ko ang kaibigan ko at lubayan ako ng minamahal ko.

"Not you too Lyle" sambit ko nang makita kong nakatalikod na saakin ito para umalis pero bigla itong huminto at sinulyapan ako sa gilid ng kanyang mga mata bago ito binawi ang tingin saakin para talikuran ako.

"I just check Elex and his friends... Please dito ka na lang muna..." sabi ko na kinatango ko at naiwan ako sa gitna ng mga nagsasayawang tao na parang walang pakialam sa naganap ngayon pa lang.

Bumalik na lamang ako sa lamesa ko kanina at inantay si Lyle na makabalik. Hindi ko na ginambala si Elex dahil baka makita ko na naman ang mukha niya na natatakot dahil saakin. At ayaw ko ring magpakita na sakanya dahil sa pagiging agresibo ko kanina.

Wala na din akong nagawa kundi ang sindihan ang bigay saakin na sigarilyo at muling dinama ang magandang epekto nito sa kumikirot ko na damdamin. Kahit papaano ay napapaibabawan niya ang mga sakit na nararamdaman ko.

Nasa ganoon akong posisyon nang mapansin ko na may lalaki na nakatayo sa gilid ko at doon ko nakita si Lyle na malungkot na nakatingin saakin.

"Let's go Neil... We better get home... Tito Ken and Jay will be arriving first in the morning." Sabi nito saakin na ikinatango ko bago hinithit ang huling buga ng sigarilyo bago ko ito pinatay at tumayo na.

Pagkalabas namen ng bar ay sinabihan niya akong kukunin lang niya ang sasakyan niya na at sinabihan na huwag na lang akong magmaneho sa sasakyan ko dahil lasing na ako na totoo naman. Kasi kagabi pa ako umiinom hanggang sa pinagbawalan na ako ng mga bar na papasokan koo dahil yun ang utos ni Tito Jay. Halos ata ng mga bar dito ay pagmamay-ari niya o sa kakilala niya.

Nong huminto ang sasakyan ni Lyle sa harap ko ay agad na akong pumasok sa tabi ng driver set at doon nag-isip ng napakalalim.

"Puwede bang humingi ng huling pabor sa'yo Lyle?" tanong ko dito pero wala akong nakuhang tugon niya kaya nagpatuloy na lamang ako sa aking sasabihin. Bahala na kung susundin niya o hahayaan na niya ako. "Ayaw ko munang umuwi ng bahay baka andon na si Daddy... kung maari ay idrop mo na lang ako kahit saan" sabi ko sakanya at nakarinig ako ng isang buntong-hininga na hudyat na hindi niya siguro pagsang-ayon.

Pinaandar niya ang sasakyan kung saan. Hindi ko na nagawa pa siyang lingunin dahil sobra akong nahihiya at nagsisisi sa nagawa ko sakanyang pagsuntok dahil lang sa muling pag-aalala ko sa parating hindi pagsang-ayon ni Daddy sa lahat ng nagawa ko. Lahat na ata ng nagawa ko kasi ay parang walang kabulohan sakanya. Kahit anong parangya ang matanggap ko ay hindi niya kailan man makikita ito.

Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon