Chapter 10

2.4K 86 3
                                    


Chapter 10


Elex's POV


Matapos ang naging usapan namen ni Neil kahapon ay mas lalo lamang akong nakaramdam ng sobrang bigat sa kalooban. Alam ng puso ko na hindi ko kayang mawala siya at kahit alam ng isip ko na susundin niya pa din ang nais nitong makalimot ay may malaking parte pa rin sa isip ko na nais na lamang magpaubaya sa sinisigaw ng puso ko dahil alam ko na mahal ko pa din siya. Hindi naman nawala ang pag-ibig ko sakanya pero nasasaktan ako sa ginawa niya.

Kinaumagahan ay maaga akong nag-ayos para pumasok.

"Oh ang aga natin ngayon ah?" bungad saakin ni Mama nong pumasok ako ng kusina para humanap ng makakain.

Nagkibit-balikat lamang ako sa untag saakin ni Mama at inabala na lamang ang sarili na kumuha ng baonan dahil balak kong kumain na lamang sa school dahil sa nitong nakaraang mga araw kasi ay parang nadawit ko ang pamilya ko sa kalungkotan na aking dinadamdam. Nawala kasi bigla ang mga masasaya na araw sa hapag habang walang humpay na nagkukwentohan. Basta lahat naging malungkot na rin sa nangyari saakin.

Pagkatapos ayosin ang baonan sa bag ko ay nagpaalam na ako kay Mama na papasok habang bitbit ang mga materyales na gagamitin namen sa canvass. Ngayon ko na lang kasi binalak gawin ito dahil sa wala akong pasulit ngayon.

Tahimik pa ang buong school pagdating ko at parang ako pa ata ang tao maliban sa guard na nakaduty pa ng night shift dahil mag-aalasais pa lamang. Pumunta na lang ako sa Art Room dahil alam kong parati naman itong nakabukas. Sinimulan ko ng ayusin ang mga gagamitin ko pagkatapos tinawagan ang mga kasamahan ko para ipaalam na nagsisimula na akong gawin yung canvass namen.

Inuna ko munang guhitan ang mga detalye para sa magiging subject ng canvass namen at habang ginagawa ko ito ay hindi ko namalayan na may tumitingin pala sa ginagawa ko. Hindi ko namalayan ang pagdating ng isang kasamahan ko dahil okupado masyado ang isip ko sa mga nangyayari.

"Ano pala theme ng painting natin leader?" tanong nito na ikinatingin ko bigla sa likoran ko at doon ko nakita si Lyle na nakangiting tinitignan ako.

"Aaah... Inesketch ko muna yung mga object sa canvass pero ang theme sana natin ay Impressionism" tugon ko sa kanyang tanong saakin at muling ibinalik ang tingin sa ginagawa ko.

"Hmmm... French type of painting in 18th century... depicting the natural appearances of object scene, emotion, or character by its details intended... maganda... pero typically kasi kapag ganyan 'di ba ay mga babae o di kaya scenery that usually capture the painter's feeling by the light contrast" makahulugang wika nito saakin na ikinatigil ko.

Nabasa ko rin kasi ang kahulugan ng style ng pagpipintura nito at hindi nga nalalayo ang pinapahiwatig ng mga nabasa ko kahapon lalo na nong matapos ko itong basahin ay ang masinsinang pag-uusapan namen ni Neil.

"Hey, hey, hey... I don't mean anything to what I say... sorry Lex, it was great though" paghihingi nito ng tawad pero wala naman itong ginawa kasalanan. Nagpapaliwanag lang naman siya sa nalalaman niya at hindi ko naman din masisisi na ito ang mapipili ko.

Hindi rin naman kasi lumalayo ang mga kahulugan ng mga portrait ng mga painting na naglalabas lang din ito ng mga saloobin ng mga gumagawa nito. Siguro daan ko na rin ito para ipahiwatig ko ang dinadamdam ng puso ko gamit ang motion ng painting.

"Excuse me..." sabi ko na lang at kinuha ang baonan ko sa bag at nagpaalam na kakain na muna ako sa canteen. Hindi naman humirit pa ng kung ano si Lyle at hinayaan na lang din ako.

Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon