Chapter 8

2.3K 91 0
                                    


Chapter 8


Neil's POV


Ilang beses ko ring pinag-isipan na puntahan si Elex sa kanilang bahay pero lagi akong pinangungunahan na kaba ko sa nagawa ko. Hindi rin malayong malaman na ng mga magulang niya ang nangyayari saamin dahil simula nong araw na nangyari yun ay hindi na ito pumapasok. Hahayaan ko na muna sanang maibsan ang sama ng loob niya saakin pero sobrang pag-aalala na lumukob sa konsensya ko nong sumunod na lingo ay hindi pa rin ito pumapasok. Sa susunod na linggo pa naman ang Finals namen at ayaw kong hindi rin siputin ni Elex ang mga pasulit niya kaya nabuo ang desisyon kong punatahan ito.

Nasa tapat na ako ng bahay ng bigla naman akong nakaramdaman ng pag-aalinlangan. Para kasing nawala ang lakas ng loob na inipon ko mula kanina. Gusto kong umatras na muna pero naisip ko ring andito na ako bakit hindi ko na lang ituloy.

Hanggang sa binuksan ko ang gate nila at walang pasabing pumasok. Kumatok ako ng tatlong beses sa nakasaradong pinto dahil ayaw ko namang maging bastos. Saglit akong nag-antay ng marinig ko ang pagbukas ng pinto nila at sumilip dito si Deme. Tatanongin ko na sana ito pero dali naman nitong sinara ang pinto kaya natigilan ako. Saglit pa akong naghintay at muling kumatok ng bumukas ulit ito ang mga nanlilisik na mga mata na ang sumalubong saakin.

"Anong ginawa mo dito?" sabi ni Tito na may halong galit na sa tono ng boses nito na sinabayan ni Tita paglabas.

"Tito maganda gabi po..." sabi ko dito para bumati muna pero hinawi niya ang kamay niya na kukunin ko sana para magmano. Agad na akong nakaramdam na pangangamba sa ginawa ni Tito at alam kong mapapahamak ako ngunit pumunta ako dito para manghingi ng kapatawaran sa nagawa ko dahil alam kong alam na nila ang nangyayari.

"Gusto ko po sanang makausap si Elex" sabi ko na lang dahil didiritsuhin ko na sila sa sadya ko.

"Hindi mo na makakausap ang anak ko simula sa araw na'to kaya umalis ka" giit nito saakin.

"Please po Tito, nagmamakaawa po ako sainyo." Pagmamakaawa ko sa kanila habang nakaluhod na ako sa harapan nila.

"Nako Hijo tumayo ka riyan" sabi ni Tita pero gagawin ko talaga ito dahil gusto kong malaman nila na sobra akong nagmamakaawa sa kanila.

"Kahit gawin mo yan ng ilang beses hindi na ako papayag pa na makita mo ang anak ko..." galit na ngayon na sabi ni Tito saakin at halos mapapikit ako dahil sa lakas ng pagkakasabi niya pero hindi nito natitibag ang paasa kong makausap man lang si Elex ngayon.

"Please Tito, mahal ko po si..." hindi ko na natuloy ang sasabihin nong may maramdaman akong malakas na suntok sa dumampi sa mukha ko na ikinaupo ko sa malamig na sahig ng kanilang terrace.

Para akong nabingi sa lakas ng suntok nay un at halos hindi ko na marinig ang pagsigaw ni Tita na inaawat si Tito sa pagkakasuntok saakin. Nanlamig ako nong may makita akong patak ng dugo sa puting uniporme ko pero mas nanaig saakin ang kagustohan kong makita si Elex ngayon dahil hindi nila alam na sobra ko na itong na mimiss at grabing pangungulila na ang naramdaman ko dahil sa kasalanang nagawa ko sakanya.

"May isang hiling lang ako sa'yo ngunit hindi mo pa nagawa ng tama... Ngayon tama na siguro yang kabayaran para sa ginawa mo sa anak ko. Umalis ka na kung ayaw mong masipa kita palabas!" galit na bulyaw ni Tito saakin na pinipigilan ngayon ni Mama Tita

Naalala ko noon ang kasunduan namen ni Tito nong pinayagan niya akong maging kasintahan ng anak niya na ang kamao niya ang unang matatamo ko sakanya. Pinaliwanag naman saakin ni Tito lahat saakin ung bakit niya gagawin ito saakin at tama na siguro ito bilang kabayaran sa nagawa ko kay Elex na sana naman payagan na niya akong makausap ito.

Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon