Chapter 90

800 39 19
                                    


Chapter 90



Elex's POV




Nalula ako sa nagtataasang kisame ng bahay at ang nakakasilaw na mga aranya na talagang nagpapatingkad sa malawak na taggapan ng mansyo ng mga Saavedra. Kapansin-pansin ang magandang disenyo ng dingding at mga nagmamahalang muwebles na sumisigaw sa karangyaan ng pamilya nila. Pansin ko rin ang mga elegante at sopistakadang mga panauhin nila na suot ang mga mararangyang kasauotan habang ako ay nanliliit ang tingin sa sarili sa suot ko na turtleneck sweater.

Alam kong ilang bses ko ring pinagisipan ang pagdalo rito pero nais ko lang ayusin ang pagnanais nilang kunin ang pinta ko. Wala na sa akin ang autoridad para doon at nais kong ibalik ang tseke na ibinigay nila at isang pinta ko bilang kabayaran ko man lang sa pagabala sa kanila.

Binabati ako ng iilang kakilala ko tulad ng mga negosyante na bumibili na sa mga pinta ko at yung iba pang mga nakakakilala sa akin. Napansin rin nila ang medyo may kalakihan ko na dala ng painting na kakaframe ko lang at nakabalot para maproteksyonan.

"Elexis?" tawag sa akin na agad kong ikinalingon rito at doon ko nakita ang Papa ni Lyle kasama ang kapatid nito. Agad akong dumalo sa kanila para batiin man lang sila.

"Hello po Tito Jess... Sir Ron" bati ko rito nang makalapit ito sa akin at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap ni Tito Jess habang si Sir Ron naman ay binigyan ako ng halik sa aking pisngi. Malapit ako sa kanila dahil na rin kay Lyle.

"Glad to see you here, Hijo. Is that a painting you are holding" bati at tanong sa akin ng Daddy ni Lyle nang makita ang dala ko.

"Ah yes po, kakarating niyo lang din po?" pag-iiba ko sa kanila na pareho nilang ikinatango at ngumiti.

"Oo but I was surprise to see you here... kakilala mo na pala ang mga Saavedra?" tanong nito sa akin na ikinatango ko na lamang kahit alam kong may higit pa na sago tang dapat ko na itugon sa kanila.

"I will find Jay and Ken..." paalam ng kapatid nito sa amin bago kami iniwan.

"Mas gumanda ka ngayon kaysa noong huli kitang nakita" puri nito sa akin na ikinailang ko ng bahagya kahit parati naman niyang napupuna ang pigura ko. Lagi nitong pinupuri ang kulat ng kutis ko at ang pangangatawan na hindi maihahantulad sa karaniwang mga kalalakihan. Sa madaling salita ay ang hubog ng katawan ko.

"Salamat po... medyo stress na po kasi kailangan ko pang dagdagan yung mga pinta para sa darating ko na Exhibit" banggit ko rito.

"Nabanggit nga sa akin ni Lyle iyon na may sarili ka ng Exhibit..." nang sabihin niya ito ay hindi ko sinadyang mabanggit ang anak nito.

"Kailan po pala babalik si Lyle" tanong ko rito na ikinalungkot ng kanyang ekspresyon.

Alam ko namang iilan lang kaming nakakaalam sa naging desisyon niyang mangibang-bansa para takasan ang lungkot sa nabigo nitong pag-ibig. Hindi man namin nais na umalis si Lyle pero buo na sa kanya ang desisyon kalimutan ang masalimuot na karanasan.

"We don't know either but I hope he would come back soon... his Daddy misses him so much and so do I" malungkot nitong saad sa akin. "He's been all by himself for all these years"

Ramdam ko ang lungkot sa kanyang boses at hiniling na sana hindi ko na lang binanggit iyon. Kahit ako man ang nalulungkot pero ano pa ba ang magagawa namin. At naiintindihan ko si Lyle kung nais niyang lumayo dahil kahit ako ay iyon din ang ginawa ko. Nakakasuya dahil iisang tao lang din ang naging dahilan pero iba naman ang naging kahinatnan ng lahat sa amin sa huli

Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon