Chaptr 12
Neil's POV
Tinupad ko ang kahilingan ni Yonice na makipag-usap saakin dahil sinabi niyang huling beses na raw niya ito gagawin at hindi na niya ako gagambalain pa kaya sinunod ko na lang ang nais niya dahil gusto ko ng putulin ang ugnayan ko sakanya. Napagdesisyonan kong sa library na lang kami mag-usap dahil sa nagbabakasakali ako na baka pumunta si Elex dito. Hiniling ko na rin n asana pakinggan niya ako.
Doon ko dinala si Yonice sa ibang dako ng library na makikita ko lang din ang entrance dahil umaasa ako na pupunta siya rito.
"Ano ba yung pag-uusapan natin at nagmamadali ako" tanong ko dito dahil bakas sa mukha niya ang pag-aalinlangan sa sasabihin niya. Kung magpapaliwanag lang din siya sa nagawa niya na binalak niya pala talaga kaming sirain ni Lex ay hindi ko na pakikinggan ang kung ano pa sakanya dahil sobra koi tong kinamumuhian.
"Aalis na ako pagkatapos ng exams..." sabi ko na agad ko namang pinutol.
"Yun lang ba ang mahalagang sasabihin mo saakin? Na aalis ka? Pwede ka namang umalis kung kailan mo gusto."
"Hindi na ako nagkaroon ng dalaw simula nong may mangyari sa'atin" agad niya sabi saakin na ikinagulat ko.
Gusto kong isipin na nagbibiro lamang siya na isa na naman ito sa mga plano niya para tuloyang sirain kami ni Elex ngunit nagkakamali siya dahil hindi ko na siya paniniwalaan pa.
"Sa tingin mo maniniwala ako sa'yo?"
"Please naman makinig ka naman saakin, hindi ako nagbibiro at natatakot na ako..." bulyaw nito saakin habang tumutulo na ang mga luha nito. Hindi ko na alam pa ang iisipin kung sakaling nagsisinungaling siya pero kay hirap ng paniwalaan ang mga sinasabi niya. Noon nagpadala ako, nagpauto dahil alam niya na may problema ako pero hindi ko na alam na ang gagawin ko kung sakaling nagdadalang tao nga siya.
"Hindi ko alam Yonice, hindi pa ako handa sa bagay na yan..." tanging naisambit ko sa kabila ng mga emosyon na pinapakita niya.
Nong sabihin ko sakanya iyon ay mas lalo lamang itong naging emosyonal na ikinabigat na din ng aking kalooban dahil kung nagdadalang-tao siya ay ikakasama niya ang sobrang emosyonal sa mga bagay at kung meron lang akong magagawa na patigilin na siya pag-iyak ay gagawin ko. Wala na din akong makitang mainam na solusyon para pahupain ang nararamdaman niya kundi ang tanging pag-akay sakanya gamit ang mga bisig ko para humupa na ang kalungkotan niya dahil konsensya ko na rin kung may mangyayari sa bata kung meron man pero gusto ko munang makasigurado.
"Dapat nong Monday pa menstruation ko Neil pero kahit ngayon hindi pa ako dinadalaw. Paano kapag buntis talaga ako Neil?" sabi niya sa gitna ng yakap ko sakanya.
Hindi ko muna ito sinagot pero hindi ko inalis ang yakap ko sakanya hanggang hindi ko na marinig pa ang mga hikbi niya. Wala pa din akong kasagotan sa tanong niya dahil hindi pa ako handa para sa isang responsibilidad na tulad ng ganito.
"Gusto ko munang makasigurado, saka na ako gagawa ng desisyon" sabi ko dito na ikinatugon niya ng isang mahigpit na yakap saakin.
Pagkatapos ng masinsinang pag-uusap namen ni Yonice ay nagpaalam na ito pero bago yun ay sinabi niya saakin na bukas ng umaga ko daw malalaman ang resulta. Kinakabahan man ay hinanda ko na lang ang sarili ko.
Nong makalabas ako ng Library ay hinanda ko na lang ang sarili sa pasulit na kukunin ko ngayong umaga. Hindi man naka handa pero kakayanin ko na lang na ipasa. Nasa kalagitnaan ako sa paglalakad papunta sa assign room ng pasulit nang biglang tumunog ang phone ko na agad ko namang kinuha dahil nagbabakasakali uli ako na baka siya ang tumawag ngunit isa lang pala ito sa mga teammates ko kaya agad ko na lang kinansela. Ayaw ko munang dagdagan pa ng kung anong iisipin ang utak ko ngayon pumayag na ako sa kagustohan ni Yonice na panagutan siya kung sakaling nagdadalang tao nga siya.
Papasok na ako ng room ng biglang tumunog ulit ang phone ko at parehong pangalan parin ang nakarehistro dito. Hindi ko n asana sasagotin pero hindi naman basta-basta tatawag si Lyle kung hindi importante ang sasabihin niya. Sana lang hindi ito masamang balita dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin kung madadagdagan pa ang problema ko.
"Thanks God sinagot mo rin Bro... bad news, Lex already knew the deal" sabi ng matalik ko na kaibigan na ikinabagsak ng buong mundo ko. Para din akong binuhusan ng malamig na tubig at parang nawalan ako ng lakas na magsalita pa dahil sa naisiwalat na ang mga nakatagong sekreto ko.
"Lyle, help me... I don't want to lose him" I said then I just start to cry. Parang kailangan ko lang din dahil sobrang kay dami na ng mga problemang pinagdadaanan ko.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito na para bang nagpapahiwatig na hindi kaaya-aya.
"I'm sorry Bro but I already explain everything but he just answer me that things with you is already getting slurred" natakpan ko na lang ang aking mga mata dahil ayaw kong may mga luhang papatak rito dahil nagpapahiwatig lamang ito na huli na ang lahat saamin. Pero gusto ko pang sibukan. Gusto ko pa siyang ipaglaban kahit na pakiramdam ko ay unti-unti ng naglalaho ang pag-asa kong maibabalik ko pa ang dati saamin.
"Just talk to him... maybe he will get your point" sabi ng kaibigan ko.
"Where is he by now?" tanong ko dito.
"He is with his friends; I think they are taking him with them. Maybe they are now in the parking area" sabi nito bago ako nagpasalamat at pinatay ang tawag.
Nagmadali na lang akong lumabas ng department at dali itong pinuntahan. Kahit medyo malayo ay binilisan ko ang pagtakbo para lang maabotan ko siya ngunit nakita kong palabas na ng gate ang sasakyan na alam ko ay sa kaibigan niya. Agad kong hinanap ang motor ko pero ang daming nakaharang na motor rin sa dadaanan nito kaya sa huli ay wala na din akong nagawa para habulin man lang sila at magpaliwanag.
Siguro ito na ang gusto ng tadhana para sa aming dalawa na tuloyan na naming kakalimutan ang isa't-isa. Gusto ko pa siyang ipaglaban pa at kahit ako hahamakin ko masunod ko lang ang sigaw ng damdamin ko na mahal na mahal ko si Elex. Sadya lang sigurong mapaglaro ang mundo.
Sa huli ay umuwi ako ng bahay na parang wala ng gana s buhay. Pakiramdam ko kasi nawala saakin ang isang pinaka-importanting bagay saakin na dapat kong pagka-ingatan. Ngunit isang mapusok na mundo ang nasa paligid namen at hindi malayong mawawala siya saakin.
Nagkulong ako sa kwarto buong magdamag at kahit gusto kong katulogan na lamang ang sama ng loob ay hindi ko rin nagawa dahil ang daming pumapasok sa isip ko na gusto kong labanan. Gusto kong gumawa ng paraan para sa aming dalawa ngunit parati itong hinaharang ng katotohanang nasaktan ko na siya at imposibling mapapatawad niya pa ako. Tanging pinanghahawakan ko na lang ngayon ang kaisipang mahal niya ako.
Sumapit ang umaga at hindi ko napansin na tinanghali na ako ng gising. Bumangon ako at pumunta ng banyo pero bago yun ay tinignan ko muna ang oras sa phone ko nang nagulat akong kiraming missed call akong natanggap at mga mensahe na sa iisang numero lang galling at ang lahat ng yun ay galling kay Yonice.
Nakaramdam naman agad ako ng kaba dahil maaga niya sasabihin saakin ang resulta kaya binasa ko ang unang mensahe na pinadala niya at halos manindig lahat ng palahibo ko sa katawan sa nabasa ko.
"Neil, positive yung resulta ng pregnancy test ko..."
Napaupo na lang uli ako sa kama dahil sa nawalan ako ng lakas para tumayo pa. Napaisip tuloy ako na baka ito na ang kasagutan sa lahat ng kasalanan ko kay Elex.
Binasa ko ang huling mensahe na pinadala ni Yonice at nanlaki ang mga mata ko nong mabasa ko ito.
"Neil, I'm sorry. Nahuli ako nila Mommy at alam nila na buntis ako. Neil natatakot ako"
Nasapo ko na lamang ang noo ko dahil sa panibagong problema na haharapin ko. Ngayon ay parang unti-unti ng nawawala ang pag-asa ko na magkakabalikan pa kami ni Elex dahil dito.
BINABASA MO ANG
Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]
Novela JuvenilElex was dumbfounded after he caught his boyfriend cheated on him. It was the most painful thing that could happened to him but in spite of what his boyfriend did, he forced himself to forget. He left the place that reminding him of painful memories...