Chapter 96

688 37 5
                                    


Chapter 96


Elex's POV




Dahan-dahan akong naglakad patungo sa pintuan ng studio ko nang napansin kong bukas nang malapitan ko ito nong bubuksan ko sana ito gamit ang susi ko. Agad nag-angat ang tingin ko nang makitang bukas ang ilaw sa loob ng opisina ko. Sa pagkaalala ko ay pinatay ko lahat ng mga ilaw at siniguradong sarado ang mga pinto.

Kahit malabo pa ang mga paningin ko dahil sa mga luhang patuloy na namumuo rito ay minadali ko ang pagpunta rito. Medyo nagulat ako nang makita ko si Cloudi na nililigpit ang kanyang mga kagamitan.

"Cloudi" sambit ko sa kanyang pangalan na ikinatigil niya saglit bago ako nito binalingan ng may ngiti sa mga labi nito. Nadudurog ang damdamin ko sa nakikita sa kanyang mukha dahil bakas rito ang pangangantyaw.

"Oh? Natapos na ang Exhibit? Napaaga ka kasi..." bakas sa tuno ng kanyang boses ang pagiging sarkastiko nito.

Hindi ko inalis ang mga tingin ko direkta sa kanyang mga mata hanggang sa huli ay ako na ang sumuko dahil nasasaktan ako kung bakit nagawa niya ang ganito. Kahit alam ko na siya ang kumuha ng larawan ay nais ko na sa kanya ko mismo marinig ito. Masakit man ay iintindihin ko.

"Ikaw ba ang kumuha nong larawan?" untag ko rito na ikinahalukipkip niya.

"Alam kong hindi ka bobo Lex kaya alam kong maiintindihan mo na ako nga ang may gawa" tugon nito sa akin.

"Why?!" agad kong untag sa kanyang sinagot na ikinangisi niya sabay iling sa aking sinabi.

"Hmmm... let's just say na bagay lang yun sa mga fake na katulad mo" mariin nitong sabi sa akin na ikinakunot ng noo ko rito dahil sa kalitohan dahil hindi ko alam kung saan nabuo ang galit niyang ito.

"Cloud, I don't understand" mahinahon kong sambit rito na ikinapula niya.

"Maski nga ako ay hindi maintindihan kung bakit tinago mo sa akin ang lahat. Sarili kong kaibigan ay naglihim sa akin tungkol sa taong pinakamamahal ko. Anong klase kang kaibigan na hahayaan magtago ng sekreto. Simula't sapul alam mong may namamagitan sa kanila pero hindi mo man lang sinabi sa akin. Umasa ako Lex! Pero anong ginawa mo! Pinaglaruan niyo lang ako!" singhal nito sa akin na labis ko na lamang na ikinagulat.

Nararamdaman ko na ito ang dahilan niya at hindi ko siya masisi kung bakit galit siya. Hindi ko naman nais na maglihim sa kanya pero kinailangan ko dahil pareho ko silang kaibigan ni Lyle. Pareho silang importante sa akin. Kahit ako yung naiipit sa lahat ng nangyayari at pinawi ko iyon dahil parehong silang mahalaga sa akin.

"What happened here? I heard shouting" bungad ni Nico nang sinundan pala niya ako.

"...at hindi ako nagsisisi na sinabi ko yung nangyari sa kanila ni Neil at Yonice dahil totoo ang sinabi sa akin ni Yonice na makasarili ka at ngayon namulat na ako! Gusto mo parati ikaw yung bida na ikaw yung sentro ng lahat! Ano ang napala mo ngayon huh?" dagdag nito na bakas pa rin ang galit sa kanyang boses.

"Hey, I don't know what is going on but please let us lower our voices... Cloud" mahinahong sabi ni Nico nang hindi rin ito nakawala sa galit ni Cloudi habang ako ay tuliro ang isip sa kanyang sinabi.

"Shut up! Labas ka rito kaya huwag kang sumawsaw, o baka may namamagitan rin sa inyo kaya tudo protective ka dito" duro sa akin ni Cloudi.

Wala akong maisip kung bakit ganito ang nararamdaman niya, naiintindihan ko ang galit niya sa paglihim ko sa namamagitan ni Lyle at Neil pero yung sinabi niyang hindi siya nagsisisi sa sinabi niya sa nangyari ay muling gumulo sa aking isipan. Kung bakit naungkat na naman ang naging dahilan ng pagkabuwag ng lahat.

Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon