Chapter 13
Elex's POV
Kahit hindi ko nakikita ang mga mukha nila ay sapat na sa aking pandinig ang mga boses nila para makilala sila. Sa oras rin nong marinig ko ang tungkol sa pag-uusap nila ay parang gumuho na rin ang katiting na pagasa ko para sa amin ni Neil. Napapagod na rin ako sa mga bawat araw na nagdaan na unti-unti lamang lumalala ang sitwasyon para sa aming dalawa. Siguro masasabi ko na rin sa sarili ko na kapag ang problema ay pinatagal ay lalo lamang itong lalala. Ngunit sa sitwasyon ni Neil ay masasabi kong labas na ako sa problema niya. Masakit man na tanggapin pero ibang bagay na ang pinag-uusapan nila kaya labas na ako doon.
Sa daming narinig ko ay naisipan ko na rin umalis at bumalik sa silid kasama ang mga kaibigan ko na pinagmasdan lang ang malumanay ko na paglalakad
Naghihintay na rin pala saakin ang mga kasamahan ko sa proyekto namen. Wala sa sarili akong umupo sa tapat ng canvass namen habang sunod-sunod ang mga tanong nila saakin na hindi ko naman natutugonan. Napaisip lang kasi ako kung papaano ko kukulayan ng mga masasayang kulay ang canvass kung salungat naman ang nararamdaman ko.
"Lex ano na gagawin natin?" tanong ng kagrupo ko saakin na hindi ko pinansin.
"Anong gagamiting kulay dito?"
At mga tanong pa na nawawala na sa aking isip dahil sa bumabagabag saakin. Wala sa sarili akong kumuha ng mga gamit at sinimulan itong kulayan kahit na nagtatanong parin ang karamihan kung ano ang gagawin namen painting.
Lumipas ang ilang minuto na pagmamasid sa ginagawa ko ay nabuo na muli ang mga katanongan nila na hindi ko man lang nasagot.
"Lex, di naman yan yung inesketch mo kanina ah"
"Napansin ko nga iba yung kinukulay niya"
"Lex, are you okay?" biglang tanong saakin na iba sa lahat ng mga katanongan ng mga nagtatanong saakin kaya napatingin ako sa nagsalita non at ganon din ang iba na tinignan ito.
Pinagkatitigan ko si Lyle na parang nababahala na ito sa ginagawa ko pero para bang may sariling pag-iisip ang mga kamay ko na magpatuloy na lamang sa ginagawa ko. Kilala ko si Lyle dahil sa matalik itong kaibigan ng dati kong kasintahan.
Nagkaroon ng katahimikan sa loob ng silid na para bang ayaw na lang din nilang magsalita o magtanong dahil alam kong alam naman nila ang pinagdadaanan ko. Hiling ko na lang na matapos ko na lang itong ginagawa ko para makaalis na ako dito. Hanggang sa lumipas ang ilang mga sandali nong may narinig akong mga pumasok ngunit hindi ko ito pinansin. Saka lang ako natigil nong sinadyang banggain ang kamay ko dahilan upang matapunan ang canvass ng kulay na hawak ko.
"Opss... sorry... harang-harang kasi..." sabi nito na agad ko naman ikinatingin dito.
"Naman Ria eh ang luwag ng daan oh" sabi ng isa kong kasama.
"Eh sa gusto ko ditong dumaan para itapon pa tong ibang basura" sabi niya at tinapunan ako ng mga kulay.
"Ria!!!" sigaw ng mga kasamahan ko sa pagkabigla sa ginawa nito saakin habang ako ay nanatiling blangko ang isipan dahil sa nangyayari.
Inawat na rin ito ng mga kaibigan ko at inilayo saakin pero nanatili lamang akong walang kibo sa nangyayari.
"Hmp... dapat lang din yan sakanya na patapon. Akala mo kung sinong maka-asta dahil lang boyfriend niya kuno si Neil. Akala ko pa naman matalino pero bakit nagpauto? Pustahan lang pala si tanga." Sabi nito na ikinabigla ko dahil sa sinabi niya. Napatingin ako dito na puno ng pagtataka habang hindi maalis sa kanyang mukha ang mga ngiting nagpapahiwatig ng pagkapanalo.
BINABASA MO ANG
Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]
Teen FictionElex was dumbfounded after he caught his boyfriend cheated on him. It was the most painful thing that could happened to him but in spite of what his boyfriend did, he forced himself to forget. He left the place that reminding him of painful memories...