Chapter 72

876 36 0
                                    


Chapter 72


Elex's POV



Nang magising ako sa pagsapit ng umaga ay walang sandaling hindi ko inaalala ang nangyari kagabi. Pangamba at takot ang lumukob sa aking sistema nang paulit-ulit kong maalala ang galit nitong mga tingin sa akin. Nasasaktan ako dahil pakiramdam ko kasalanan ko pa din ang nangyari. Hindi siya magiging ganon kung sa una palang ay nagtanong o nagsabi na ako sa kanya. Pero para saan pa ba ang pagsisisi ko ngayon kung pagkamuhi na ang kanyang nadarama.

"Mabuti at nagising ka na... pinasuri ka na namin sa Doctor sa bayan at buti walang napinsala sa'yo" sambit ni Mama na sobrang nag-alala at naupo sa aking tagiliran.

"Si Rein po" hindi ko alam pero mas mahalaga sa akin na malaman din ang kalagayan niya. May kasalanan naman din ako sa kanya.

Hindi sumagot si Mama at nag-iwas lamang ng tingin sa akin.

Bigla naman akong nakaramdam ng kirot sa aking ulo at nong hawakan ko ang parting iyon ay napadaing ako sa sakit nang mahawakan ko ang benda roon.

"Huwag mo munang hawakan iyang sugat mo sa ulo" sabi ni Mama na ikinatingin ko dito.

"Nagkasugat po ako sa ulo? Papaano?" untag ko dito na ikinatagpo ng mga kilay ni Mama sa kalitohan.

"Hindi mo ba alam ang nangyari sa'yo? Ano ba ang ginawa sa'yo ni Rein?" untag ni Mama.

Mismo ako ay hindi malaman ang dahilan ng pagkatamo ko ng sugat sa ulo pero ito siguro ang dahilan nong pwenersa ako ni Rein ay unti-unti ng umiikot ang paningin ko at hindi ko na alam ang alam hanggang sa mga masisilaw na mga bagay na lamang ang aking nakikita hanggang sa nagising ako ngayon.

Hindi na ako nakasagot kay Mama dahil ayaw kong sumama ang loob nila kay Rein. Hanggang sa maaari ay aayusin ko na lamang ang gusot na aking sinimulan at pinapangako na lamang na kapag natanggap ko na ang kanyang kapatawaran ay kusa ko na siyang kakalimutan. Humahadlang na sa amin ang katotohanang magkadugo kami at iisang dugo ang na nanalaytay sa mga ugat namen.

Nagpaalam si Mama na ihahanda ako nga almusal at antayin ko na lang daw siya, hinabilin nitong huwag na akong tumayo at magpahinga pero nabagot rin ako sa kakahintay kay Mama kaya kusa na akong lumabas kahit namimilipit ng kaunti sa hapdi ng parte na iyon.

Pagkalabas ko ng pinto ay narinig ko na itong mga nagsisigawan pero labis na kaba ang aking nadarama nang mapagtanto ko kung sino ang mga nagsisigawan. Pagkadungaw mula dito sa itaas ay nakita ko sila Papa, Troy, at Rein sa paanan ng hagdan na tila nagkakaroon ng hidwaan.

"Kahit sandali lang po..." naabutan kong pagmamakaawa ni Rein sa kay Papa.

"Sabing hindi puwede!" anang sabi ni Papa, bakas sa tuno ng boses na galit ito at labis ko na lamang na ikinagulat ng itulak niya si Rein. "Hinding-hindi niyo na makikita ang anak ko!" bulyaw pa ni Papa kay Rein.

Akmang bababa sana ako nang may pumigil sa akin, napatingin ako sa kamay na humawak sa aking balikat at doon ko nakita si Tito Isko sa aking tabi na umiling sa akin para hindi ko na ituloy ang gagawin ko.

"Pero ako po kasi..." hindi na ako natapos sa aking sasabihin nang magsalita agad ito.

"Gagawin mo lang mahirap sa kanya ang lahat kung pigigilan mo ang Papa mo sa pagtataboy sa kanya" sambit nito na ikinatingin ko muli sa nagkagulo sa ibaba.

"Pero po Tito..." halos mabasag na ang aking boses dahil sa nakikita ko.

Nadudurog rin ang damdamin ko na makita si Rein na pinipilit ang sa amin lahat.

Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon