Chapter 97

809 41 24
                                    


Chapter 97


Neil's POV



Matapos ang ginawang iskandalo ni Yonice sa Exhibit ni Elex ay nauwi ang lahat sa bangayan namin ni Yonice pagkauwi ko ng bahay. Umalis ito dala ng anak ko at nagfile na ng divorce.

May parte sa akin na sobrang nasiyahan sa ginawa niya ngunit isang parte ng isipan ko ang konsensya. Konsensya para sa isang taong sumalo lahat ng mga kritisismo na dapat ay ibabato sa akin. Hindi ko kayang magsaya sa lahat ng mga nangyayari lalo na at may nasasaktan kami.

Napansin siguro ni Lyle ang mga malalalim ko na buntong-hininga sa mga iniisip ko. Napatingin ako sa kanya ng hawakan niya ang aking kamay habang ang kanyang mga mata ay nasa kalsada. Papunta kami ngayon kay Elex para humingi ng tawad para sa lahat.

He doesn't deserve any of these at kung meron man ay dapat ako iyon. I've been the cause of all his pain from the very beginning and I should be the one to take all the blame, not him. He have been through a lot this time and I can't afford this anymore.

"You're overthinking again" sabi nito at masuyong hinalikan ang aking kamay sabay pisil nito.

"How can't I? Lex doesn't deserve all of that" tugon ko rito.

Parating nilulubag ni Lyle ang masidhing damdamin ko sa mga nangyayari lalo na at ako ang dahilan ng lahat ng ito. Simula pa lamang ay ako na ang naging dahilan at parating si Elex ang nasasaktan. Kahit na hindi na parehong pagmamahal ang nakikita ko sa kanya tulad noon ay mahalaga siya sa akin. Siya ang sandalan ng damdamin ko noon sa magulo kong isipan. Sinalo niya ako nang nalilito ako. Hanggang sa napagtanto ko ang lahat sa pagmamahal ko para kay Lyle ay siya pa rin ang naging sandalan namin. He is my angel in disguise at hindi ako papayag na iiyak na lang siya parati. I want to change that.

Wala nang naging tugon si Lyle sa sinabi ko hanggang sa nakarating kami sa studio ni Lex. Sabay ng paghinto namin sa tapat nito ay ang paglabas ni Yonice sa studio.

"Now what is this bitch doing here" hindi ko mapigilang sabihin iyon dahil kumukulo an gang dugo ko sa isang ito.

Alam kong siya ang ina ng anak ko pero hindi ko na papalagpasin ang ginawa niya ngayon.

"What are you doing here?!" anas ko ng makalabas ako ng sasakyan ni Lyle at agad itong kinompronta.

"I should be the one asking you that... oh let me guess. Want to check your mistress? How pathetic of you Neil" minsan gusto ko ng kalimutan na babae siya para masapak ko siya ng tuloyan.

"Really Yonice? After what you did to Lex? With all that finger pointing and commotion you cause? You are calling me pathetic? Thanks to you we are in a big issue now and to think masasali dito ang walang muwang na anak ko sa kagagawan mo! Nag-iisip ka ba huh?" hindi ko na napigilang sumabog muli sa kanya. Hindi ko na inisip kahit nasa labas kami nag-aaway basta masabi ko lang sa kanya ang masidhing galit ko sa kanya.

Kung hindi lang ako inalo ni Lyle sa pamamagitan ng paghawak sa magkabilang balikat ko ay lahat ng sama ng loob ay sasabihin ko sa babaing ito.

Walang araw nong ikinasal kami na parati kaming nag-aaway dahil sa maliliit na bagay. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang para ipaintindi sa kanya na obligasyon lang bilang ama ng anak namin ang pananagutan ko at hindi siya.

"Sana inisip mo na rin pala ito bago ka mangabit! Sinong hindi nag-iisip sa atin ngayon huh?" sabi ko na ikinatawa ko ng bahagya. She still really insisted about our marriage.

Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon