Chapter 59

1K 45 0
                                    


Chapter 59


Rein's POV



Kanina pa siya ginamot ni Tata pero hindi pa rin siya nagigising. Labis na lamang ang pangamba ko lalo na nong sagipin ko siya sa pagkalunod. Ang sabi ng Tata na na-engkanto daw siya. Pero sabi ng mga magulang niya na hindi pa talaga marunong lumangoy si Elex. Pero kahit ano mang dahilan non ay sinisisi ko ang sarili dahil nagpabaya ako. Giniit ko na lang sana na huwag ng lumayo sa tabi niya kahit ayaw niya ay dapat hindi ako umalis sa tabi niya.

Andito pa rin ako sa sanga ng puno naka-upo sa tapat ng kanyang kuwarto. Inaantay ang paglisan ng kanyang mga magulang sa kanyang silid. Nais ko lamang siyang lapitan at pagmasdan sa malapitan. Sa ganoong paraan mapapanatag ako na nasa maayos na siya na kalagayan.

Ilang oras din ang pag-aantay ko ng pinatay na ang ilaw sa kanyang silid kaya hudyat ko na iyon para bisitahin siya. Kahit dito sa malayo ay natatanaw ko pa rin ang maamo niyang mukha na nasisinagan ng liwanag ng buwan. Mas lalong na ang kutis na kakulay na nito ngunit ang mas nakaka-agaw talaga ng pansin sa akin ngayon ay ang perpekto niyang mapupula na labi.

Naalala ko tuloy kanina nong salinan siya ng hangin para hindi tuloyang mawalan ng hininga sa ilalim ng tubig. Aaminin ko na unang beses ko siyang nahalikan at sa ganoong sitwasyon pa. Pero nakakamangha dahil ramdam ko pa din hanggang ngayon ang lambot nito.

Lumapit ako sa higaan niya at inilagay sa tabi nito ang pitas ko na bulaklak. Sana dito man lang ay matinguha niya na nais kong magpatuloy sa pagsuyo sa kanya.

"Rein..." dinig ko na kanyang tawag nang ilatag ko ang bulaklak.

Napatingin ako sa kanya ngunit nakapikit ang kanyang mga mata. Inisip ko na lang na guni-guni ko lang yung narinig ko. Ngunit nakita ko ang paggalaw ng kanyang mga labi at muling sinambit ang pangalan ko at doon niya idinilat ang kanyang mga mata.

"Rein..."

"Kamusta ka na? Maayos na ba ang galagayan mo? May masakit ba sa'yo" agad ko na mga tanong sa kanya ngunit iling lang ang naging tugon niya.

"Salamat" sabi niya at ngumiti sa akin.

Labis na kasiyahan ang naramdaman ng aking puso. Tumatalon ito sa sobrang saya dahil sa unang pagkakataon muli ay nasilayan ko ang kanyang ngiti at alam kong dahil ito sa akin at para rin sa akin. Hiling ko na lang sana huwag na itong muli pang mawala.

"Pangako, hindi ko na ililihis ang mga mata ko kahit kailan sa'yo" sabi ko dito.

Inabot ko ng isang halik sa kanyang noo at inayos ang kanyang kumot at pinagkatitigan ang kanyang mga mata, ang pinakamagandang tanawin na kailan man ay hindi ko pagsasawaang tignan.

"Matulog ka na para makapagpahinga ka ng maayos." Sabi ko dito at iniwan siya para makapagpahinga.

KINABUKASAN ay maaga akong bumalik dito sa mansyon para kitain siya. Nakita ko naman siya sa aklatan na nagbabasa ng libro kaya sumilip ako at agad ko itong tinawag na ikinalapit niya sa may bintana. Nag-iwas ito minsan ng tingin sa akin na labis ko na lamang ikinatuwa.

Talagang hindi pa siya kumportable sa aking nakahukas.

"Gusto mong sumama?" nakangiti kong tanong sa kanya.

"S-saan naman?" naiilang niyang tugon sa akin.

"Basta, magugustohan mo" maligalig kong sabi sa kanyang at inabot ang aking kamay.

Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon