Chapteer 42
Elex's POV
Tahimik lang ang lahat na kumakain sa hapag at tanging mga tagiltil ng mga kagamitan lang sa pagkain ang maririnig sa buong hapag. Ngunit kahit ganito katahimik ang kainan ay hindi naman napanatag ang aking isipan sa mga matang nakapalibot saamin. Mga tingin ng panunuya ang tanging nasa kanilang mga titig lalo na sa amin.
Kahit anong pilit ko na balewalain ang kanilang mga tingin ay hindi maiwaksi sa isip ko ang kanilang mga iniisip kaya nauna na akong natapos at agad pumunta sa aking kuwarto. Kung ganito lang din parati ang senaryo ay baka hindi ko matagalan ang lugar na ito. Sadyang ang hirap mabuhay kapag nasa iyo lahat ng atensyon ng mga tao lalo na kapag may nagawa kang hindi kaaya-aya sa kanilang mga paningin.
Nasa veranda ako ng aking kuwarto habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin sa labas at habang nilalasap ko ang magandang simoy sa malamig na gabi ay may nahagilap akong isang imahe sa baba katabi ng punong manga sa tapat ng aking kinatatayuan. Lumakas ang tibok ng puso ko nang maaninag ko ang rebulto na iyon. Napa-atras ako ngunit agad naman itong naglakad na papalayo at nong matamaan na siya ng mga ilaw ay saka ko na napagtanto sa aking hinala.
"Anong ginagawa niya dito?" tanong ko sa aking isipan.
Ayaw kong mag-isip ng kung ano mang bagay na ikakasakit lamang ng damdamin ko pero may isang parte saakin na umaasa na baka gusto lamang niyang sulyapan ako. Nakonsensya na ako sa mga sinabi ko sakanya at parang gusto ko iyong bawiin na lang dahil sa totoo lang ay wala naman siyang kasalanan at labas na siya sa lahat ng mga hinanakit na dinadamdam ko ngayon.
Sa huli ay naisipan ko na lang ang pumasok at isara ang pinto at tinakpan ang mga bintana ng naglalakihang kurtina saka ako lumapit sa kama at doon na muli nag-isip.
Pumasok sa isip ko bigla ang taong naging dahilan ng biglaang pagpunta naming rito sa bukid at kung paano niya ako saktan ng paulit-ulit hanggang sa hindi ko na makayanan pa ang lahat at mas minabuting umalis at lumisan. Sa huling sandali na yon naramdaman ko na isa lang pala akong pampalipas sa oras sakanya.
Habang bumabalik sa isip ko ang mga narinig ko kay Neil ay mas lalo lamang akong nasasaktan sa katotohanang ni minsan pala sa mga papupusok na mga sandali na yon at ni isa sa mga yon ay pawang mga walang katotohanan kundi tawag lamang ng laman na ibinuhos saakin. Pakiramdam ko tuloy sa sarili ko ang dumi-dumi ko ng tao.
Hindi ko na lang namalayan na nakatulogan ko na ang pag-iisip ng mga masasakit na alaala. Ngunit pati rin sa paniginip ay hindi ako nilulubayan ng mga alaalang yon dahil hanggang dito ay nakikita ko siya. Hinahawi ang mga hibla ng buhok sa aking noo at nagtanim ng isang matamis na ngiti. Napapikit pa ako sa ginawa niya ngunit sa pagdilat ko ay wala pala ito.
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa pakiramdam ko ay totoong nagtanim siya ng isang matamis na halik sa aking noo. Ngunit naagaw naman ng aking pag-iisip nang biglang may malamig na hanging na dumampi sa aking balat at nong tignan ko ang pinanggalingan non ay nanlaki ang mata ko at dali itong nilapitan.
"Kinandado ko naman lahat ng bintana... bakit bukas ito?" tanong ko sa sarili na hindi ko mahanapan man lang ng tamang kasagotan.
Nagbalik naman sa aking isip muli ang malamig na mga dampi ng mga labi sa aking noo at alam ko na totoong naramdaman koi to pero bakit si Neil ang nakikita ko.
Hindi ko na lang sana ito papansin nang may umagaw na naman sa aking paningin sa labas ng balkonahe ay nasisilawan ng buwan ang isang bagay. Mas lalo lamang akong nakaramdam ng pagkagimbal sa aking nakikita. Isang puting rosas.
Wala sa isip ko itong nilapitan at kinuha. Agad akong napatingin sa buong paligid sa malawak na harden ngunit wala akong nakikita maliban na lang sa madilim dito, napatingin din ako agad sa kung saan ko siya nakita dahil naghinala na ako dito ngunit wala akong nakikita ni kahit ano sa may punong mangga. Ayaw ko pang magbigay agad ng konklusyon pero sana naman ay lubayan na ako ng kakaibang damdamin na ito.
"Kung magmahal ka man ulit, Lex. Sana naman yung ibang mukha naman..." sabi ko sa sarili at iniwanan ang bulaklak doon at daling pumasok sa loob ng kwarto at ngayon sinigurado ko na lahat ng mga bintana at pinto na nakandado bago muli ako dinalaw ng antok.
Rein's POV
Papauwi na ako ng bahay nang hindi ako nilulubayan ng aking isipan sa nakita ko kanina sakanya habang nakatingala siya sa kalangitan at habang ang mga mapupungay niyang mga mata ay nagtatanong sa isang bagay na hindi ko alam. May kung ano sa akin na gustong alamin yon at gusto resolbahin iyon.
Pagbalik ko ng mga kabayo sa kanilang mga kuwadra ay uuwi na din sana ako dahil gabi na ngunit nong may madaanan akong nakaagaw sa pansin ko ay doon ako natigilan at tuloyang natigilan at tuloyang nahumaling sa kanya.
"Bakit ba parating malungkot ang yung mga mata?" bulong ko sa hangin na hindi ko inakala na maririnig niya siguro dahil sa bigla itong napatingin sa direksyon ko.
Kahit na natatakpan ako ng anino ng puno ay nakita niya pa din ako sa kinatatayuan ko. At kahit andito ako ay nagtataka ako kung bakit may kakaiba sa mga tingin na yon saakin. Umalis na lang ako dahil naalala ko ang huling sinabi niya na huwag ko na siyang kitain o makausap kaya kusa na akong naglakad papalayo.
Habang nasa tapat na ako ng bahay ngayon ay may kung ano sa akin ang gustong kausapin siya. Hindi ako mapakali sa mga salitang iniwan niya saakin dahil hindi man lang ako nakakuha ng mga sagotan dito kung bakit.
Kaya wala sa sariling tumakbo pabalik sa mansyon at tinahak ang alternatibong daan pabalik dito. Unang nadaanan ko ang taniman ng mga ubas at tapos ang taniman ng repolyo at habang tinatahak ko ang daan patungo roon ay nadaanan ko muna ang taniman ng mga bulaklak. Natigilan ako saglit nang maagaw ng pansin ko ang kakabukadkad lang na puting rosas. Wala sa isip kong pinitas ang nakaagaw sa pansin ko at daling tumakbo papunta ng mansyon.
Nang makarating ako sa tapat ng balkonahe kung saan ko siya nakita ay naghanap ako ng puwede kong akyatan para makapunta sakanya. Tahimik na din kasi ang buong mansyon at parang natutulog na ang lahat at ayaw kong makita ako ng ibang tao na andito at gusto makita ang taong sadya ko talaga.
Naghanap ng puwedi kong akyatan at wala akong makitang ibang daan kungdi ang sanga na dumako na sa bubong sa tapat ng balkonahe ng kuwarto niya kaya walang dalawang isip koi tong inakyat at naglambitin sa mga sanga hanggang sa tumapat ako sa balkonahe at doon bumaba.
Kinakabahan ako nang nasa tapat na ako ng pinto ngunit gusto ko lang naman siyang makausap kung bakit niya ako di gusto nang makita.
Pagpihit ko ng kadado ay bumukas ito at kasabay ng pagpasok ko sa loo bang malamig na hanging na sumakop sa loob ng silid na ikinalamig na din ng paligid. Dumako agad ang tingin ko sa kama na tinulogan niya at dahan-dahang lumapit dito. Mas lalo lamang bumilis ang tibok ng puso ko habang unti-unti kong namamasdan ang maamong niyang mukha. Napangiti na lamang ako habang pinagmamasdan ko sa malapitan ang mukha niya. Talagang sobra niyang kahawig ang Donya Esperanza lalo na nong lumuhod ako sa tapat niya para mas masilayan ko sa malapitan ang maganda niyang mukha. Nawawala na ako sa sarili at para akong sinisilaban habang pinagmamasdan ko ang bawak bahagi ng mukha niya. Wala ni isang hindi magkahawig sa litratong lagi kong kinahuhumalingan tignan parati kapag andito ako sa mansyon at ngayon andito na sa harap ko ang mismong kaparehong replika ng litrato na yon ay walang pinagkaiba ang nararamdaman ko para sa taong nasa harapan ko na ngayon.
Wala sa isip kong hinawakan ang mga malalambot at mapupula niyang mga labi at dinama ang katotohanan na siya na talaga ito. Aabotin ko n asana ng halik ang kanyang mga labi ng bigla itong may binanggit na pangalan at salitang ikinadurog ng damdamin ko.
"Neil, mahal na mahal kita." Banggit nito na ikinatigil ko saglit at pinagmasdan siya.
Napaurong ako sa aking gagawin sana at wala sa isip na umalis sa silid niya. Nasa labas na ako ng balkonahe ng maalala ko ang bitbit ko na bulaklak. Sandali ko itong pinagmasdan na tuloyang ikinasikip ng dibdib ko kaya inilapag ko na lang ito sa terrace at umalis sa lugar na iyon.
Hindi ko alam kung bakit pero nasasaktan ako. Mali siguro ang pagbalik ko dito pero mabuti na itong nalaman ko kaysa huli ko na itong nalaman.
BINABASA MO ANG
Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]
Ficção AdolescenteElex was dumbfounded after he caught his boyfriend cheated on him. It was the most painful thing that could happened to him but in spite of what his boyfriend did, he forced himself to forget. He left the place that reminding him of painful memories...