Chapter 5

2.6K 100 0
                                    


Chapter 5


Elex's POV


Matapos marinig ang kwento ng mga kaibigan ko ay para akong binagsakan ng kung anong mabigat na bagay dahil sa nararamdaman ko. Habang nagkukwento sila kanina ay parang sumisikip ang dibdib ko sa bawat isinisiwalat nila saakin. Ang sakit. Hindi ko kaya ang grabing sakit. Para akong malalagotan ng hininga sa grabing hikbi na pinapakawalan ng mga labi ko. Ang sakit.

Pero kahit ganon ang natuklasan ko ay may parte saakin na ayaw maniwala dahil gusto kong malaman muna dito ang totoo. Ngayon nga ay kahit mapupungay ang mga mata ko ay pinilit kong pumunta na room. Gusto kong kausapin ni Yonice at hindi naman ako nabigo dahil andon ito. Pero sa paglapit ko dito ay para akong sinakluban ng langit at lupa sa nakita kong ebidensya sa bandang leeg niya. Don ko na napagtanto ang lahat. May nangyari nga sa kanila.

Earlier...

Ito nga at nagkarera patakbo ang mga kaibigan ko saakin pero sa paglapit nila saakin ay parang nangungusap naman ang kanilang mga tingin.

"Nagsama ba kayo ni Neil kagabi?" tanong saakin ni Jandi na ikinatapik ni Cloudy sakanya.

Kumunot na ang noo ko sa sinabi saakin ni Jandi at kahit parang naghihinala na ako na masamang balita ito ay pinilit ko itong magsalita.

"Elex... ayaw sana namen itong sabihin pero bilang kaibigan mo ikakakonsensya namen ito kapag hindi namen ito sinabi sa'yo" hayag ni Cloudy saakin.

"Ano kasi besh, am... paano ba to... mas mabuti siguro kong mag-usap muna kayo" sabi ni Jandi na ikinagulo na ng isip ko. Wala pa naman akong sinabihan na may hindi kami pagkakaintindihan ng jowa ko.

"Paano sila mag-uusap eh parang wala siyang kamalay-malay sa ginagawa ng jowa niya" saad ni Cloudy na hinampas agad ni Jandi.

Mas lalo lamang akong kinabahan sa sinasabi nila at parang hindi naman yung pag-aaway namen ang tungkol sa sasabihin nila. May kutob na ako pero ayaw ko munang bigyan ng ibang dahilan.

"Bakit ano bang nangyari kay Neil? At anong kagabi eh nasa bahay lang naman ako gumagawa ng scrapbook" sabi ko na ikinatingin nila sa isa't-isa.

Ngayon ay hindi na sila makatingin saakin na parang isang pagkakamali ang magiging sasabihin nila saakin. Mas lalo lamang akong kinabahan at kinutuban pero pinatatag ko ang sarili dahil ayaw kong magfall-out ako dito.

"Besh... kagabi kasi sumama kami sa mga classmate namen para alam mo na... magsaya so nag bar kami at nong nakapasok na kami sa loob ay nahagip ni Cloudy ang boyfriend mo na nag-iinom kasama ang mga teammates niya." Sabi nito at huminto saglit at tinignan si Cloudy na parang sinabi nito sa siya naman ang magsalita.

"Di nagsabi saakin si Neil na mag-iinom sila... siguro hindi nagpaalam kasi papagalitan ko" biro ko sa kanila para maiba naman ang timpla ng paligid. Nakakatense na kasi ngunit iba pa rin ang kinukubli ng mga mukha nila. Andon pa rin panghihinayang.

"Ayun nga besh... I thought na kasama ka kasi hindi mo naman yun pinapayagan diba? At ayun nga nong makita namen si Neil nilapitan namen ito agad para tanongin kung andoon ka pero..." saglit na naman itong natigil dahil nanghihinayang ito sa sasabihin pero I'm all ears naman para makinig.

"Ano ba yun! Wag niyo nga akong binibitin. Ano nalasing ba? Nagtatawa na ba mag isa? Humandusay na ba sa sahig? Ano besh sabihin niyo na!" nong sabihin ko iyon ay nagtutulakan ang dalawa na magsalita.

Kahit na kinakabahan ako ay pinapanatag ko na lang ang sarili. Baka kasi may nangyari dito. Pero nakausap ko naman iyon ng maayos kanina kaya siguro mabuti na ito ngayon.

Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon