Chapter 4

2.8K 87 0
                                    


Chapter 4


Elex's POV


Matapos mananghalian ay agad ng nagpaalam si Neil na uuwi. Hindi ko na din ito napigilan dahil sa nangyari sa amin ngayon pa lang. Nanibago ako sa biglaang pagka-agrisibo nito na bago pa lang saakin. Magpapatinaud naman ako sa gusto niya dahil bilang isang kasintahan ay alam kong hahantong kami palagi sa ganoong eksina pero hindi ko talaga mawari kung bakit bigla itong nagkaganon. Hindi ko na din ito naihatid sa labas dahil mabilis ito agad na umalis. Nababahala man ay alam kong may mali din akong nagawa.

Kinabukasan ay wala namang nagbago. Sinundo pa din ako nito at tulad ng kadalasang kapag sinusundo niya ako ng maaga ay pinapakain muna ito nila Mama. Ewan ko bas a hukluban na ito kung bakit hindi nag-aalmusal sa kanila.

Pero may isang bagay akong napansin sa kanya. Iyon ay ang pagkawala ng kagiliwan niya. Kapag tinatanong o kinakausap ng mga magulang koi to ay tumango lang o umiiling. Ngumingiti kung kailangan. Okay lang saakin na ganito dahil may kinakaharap kaming problema sa relasyon namen na kailangan naming pagusapan.

Pagkatapos ng agahan ay pumasok na kami. Tahimik ito buong byahe. Kadalasan kasi niloloko ako nito at gumagawa o nagsasalita ng kapilyuhan. Ngayon ay iba sa tanang araw naming dalawa.

Pagkadating namen sa school ay doon pa lang niya ako kinausap pero nagpapaalam lang.

"Malelate ako saglit mamaya pero pakihintay saakin dito kung mauuna ka" sabi nito na ikinatango ko at pagkatapos non ay naiwan ako dito sa paradahan ng nag-aalala at nagbabahala.

Hindi ko muna ito pinansin baka kasi hindi pa niya makalimutan ang nangyari kagabi.

Naglakad ako patungo sa silid namen para sa unang subject namen na wala sa pag-iisip. Pati sa loob ng klase ay lipad pa din ang aking isipan sa kung anong nangyayari saamen. Ayaw ko mang isipin pero ito na ata ang tamang salita para don. Nanlalamig na ito saakin.

Natapos ang klase na wala akong naiintidihan at kahit ang pinagsasabi ng teacher ko ay hindi pumapasok sa utak ko. Iba kasi ang tumatakbo sa isipan ko at iyon ay ang mga bagay na pwede kong ikasakit. Natatakot ako pero dapat pag-usapan na namen ito mamaya at dapat hindi na pinapatagal.

Palabas na ako ng room ng bigla naman akong banggain. Kasabay ng pagkaupo ko ng malakas sa sahig ay ang malakas na tawanan naman ang aking narinig. Napaangat ako ng tingin at kita ko ang mga ala-demonyong ngiti ni Yonice. Tumayo ako agad at hinarap ito.

"Ano bang problema mo ha?" asik ko dito.

"Ha? Anong sinasabi mo?" pagmama-ang maangan nito.

"Pwede ba Yonice wag ka ng magmaang-maangan jan! Kita naman eh na binangga mo ako" sabi ko dito na halos hindi na mapigilan ang sariling magtaas ng boses.

"Excuse me! Ni ayaw ko ngang ilapat tong flawless kong balat sayo. Ibabangga pa kaya? Ewww..." sabi nito na umaktong nandidiri pati na rin ang mga alipores na akala mo binayaran ng mahal para sabayan ang ugali niyang kalye.

"Nahiya naman ako sa'yo. Buti na lang din hindi ako naulingan" sabi ko na ikinais ng kanyang mukha.

Napatawa naman ng mahina ang mga alipores niya sa sinabi ko dahil totoo naman. Nandiri pa siya sa ginawa niya. Di lang sa pagmamayabang, alam kong maputi ako pero sumusubra na talaga siya.

"Anong sabi mo?" ngayon ay siya naman ang galit.

Napairap na lang ako sa paiba-iba ng mood niya.

Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon