Chapter 34
Neil's POV
Sumasakit ang ulo ko at kahit na mabigat ang pakiramdam ko dahil sa inuman kagabi ay pinilit kong bumangon sa aking pagkakahiga sa mismong kama ni Lyle nang magising ako sa kuwarto nito. Napakapa ako sa akong katawan nang mapansin kong wala na akong suot na damit. Agad ko ring binalikwas ang comforter na nakatakip sa aking katawan para tignan kung may damit pa ba akong pang ibaba. Para naman akong nabunutan ng tinik nong makita kong suot ko pa ang pantalon ko pero may kung ano sa damdamin ko na parang nalungkot.
Napahilot ako sa aking noo nang sumakit na naman ang ulo ko at habang ginagawa iyon ay pinilit kong inalala ang mga nangyari kagabi bukod sa mga mapapansin ko kay Lyle. Hindi ko alam kung bigla ay naging ganoon ako, pinagtitinginan ko ng malagkit ang kaibigan ko na sa tingin ko ay hindi tama. Sadyang may mali na saakin at gusto kong malaman kung bakit.
Lumabas ako ng kuwarto ni Lyle ay bumaba para hanapin ito at hindi naman ako nabigong mahanap ito sa kanilang kusina sa may lababo, naghuhugas ng mga pinggan.
"Lyle..." tawag ko dito nong makalapit ako sa kanya na ikinatigil naman niya sa kayang ginawa para lingunin ako.
"You're awake already? I thought you would be still sleeping till this noon..." sabi nito na ikinangisi niya bahagya na ikinailing ko na rin dahil sa iniisip nito.
"Akala ko nga rin... kaya nga sumasakit ulo ko eh" sabi ko dito.
"About that... Dad left a medicine for your hangover but first you must eat..." sabi nito at tumigil sa kanyang ginagawa at lumapit sa kanilang fridge at doon may kinuha. "I just heat this up first, it's a little cold now..." dagdag nito na agad ko naman pinigilan.
"Huwag na... ako na lang, nakaabala na ako sa'inyo ng sobra..." sabi ko at hinablot sakanya ang bitbit na pagkain.
Agad kong tinungo ang stove nila at kumuha ng lutuan pero natigilan naman ako nong hindi ko alam pala kung paano ito paganahin. Nahiya naman akong magtanong pa dito dahil bumalik na ito sa kanyang ginagawa. Habang iniisip kung paano yun paganahin ay napansin niya siguro ako kaya nagtanong ito.
"Don't tell me bro, you didn't know how to start the stove?" biglang tanong nito saakin na ikinatingin ko sakanya ng dahan-dahan at napangisi dito.
"Hehehe, magtatanong pa sana ako kung paano ito paganahin..." sabi ko habang nagkakamot ng ulo.
Napailing itong lumapit saakin at pinagana yung stove nila. Namangha lang ako dahil hindi ko ginagawa ang ganitong mga bagay. Bukod sa may mga katulong kami ay hindi ko minsan naranasan ang ganito dahil sa marangya ko na buhay. May kaya naman sila Lyle pero sadyang Kusinero yung Daddy niya kaya natuturuan siya, ako naman ay walang kuwenta kaya siguro iniwan ng jowa.
Namangha naman ako nog isalang ko na yung pagkain sa kalan lalo na nong umusok ito dahil unang beses akong makakita ng ganito sa malapitan. Hindi ko na namalayan na nasasayang ko na yung ibang rekado lalo na yung paborito kong broccoli.
"Hala natapon yung broccoli..." sabi ko na ikinalapit nito saakin.
"Coz you stir it so much... just slowly mix it, just let it heat and when you think it's done put it on the plate when it's done" sabi nito na hinawakan yung kamay ko para igiya ito. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko pero alam ko may kakaibang pakiramdam ang biglang dumaloy sa katawan ko na nagpalambot ng mga tuhod ko pero pinilit kong hindi magpadaig dito.
Napansin rin ata ni Lyle ang pagkailang ko kaya mismong ito ay bumitaw sa pagkakahawak sa braso ko para hayaan na akong maghalo sa pinapainit ko na pagkain.
BINABASA MO ANG
Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]
Teen FictionElex was dumbfounded after he caught his boyfriend cheated on him. It was the most painful thing that could happened to him but in spite of what his boyfriend did, he forced himself to forget. He left the place that reminding him of painful memories...