Chapter 100

1K 43 21
                                    


Chapter 100


Elex's POV



Umiikot na ang paningin ko at nalulunod na sa alak pero yung sakit na nararamdaan ko ay hindi parin nawawala, nii hindi pa rin humuhupa. Araw-araw sumasakit at sa bawat araw na lumilipas ay pabigat ng pabigat. Hindi nakakatulong ang gabi-gabi kong pagtungga ng alak at paglulugmok pero kahit papaano ay nalilihis ng ingay ng bar at mga kanta nito ang aking isipan.

Habang hawak ang baso na nasa eri ay sinasabay ko ang aking katawan sa pag-indayog ng tugtog. Hindi alintana ang mga tao sa paligid basta malibang ko lang ang sarili. Hindi ko lubos akalain na magiging ganito na ang buhay ko simula nong iwanan niya ako.

Kahit lango na ako sa alak ay hindi pa naman ako tuloyang nawawala sa huwisyo at nasa tamang kaisipan pa naman ako kaya nang may naramdaman akong kamay sa humawak sa bewang ko ay agad ko itong nilingon.

"You're so pretty to be dancing alone... Mind if I join you?" nakangiti nitong sabi na halos abot na sa mga tenga nito.

Pero kahit papaano ay mukha naman siyang desinte tignan lalo na ang mga ngiti nitong talagang nakakalaglag ng pante kung marupok pa lamang ako. Kung hindi lang ako sawi ay baka tinalikuran ko na ito pero sobrang amo ng kanyang mukha at aaminin ko na napakagwapo niya. Hindi naman masamang makihalobelo kasi wala namang magagalit.

Iniisip ko pa lang iyong katotohanan na wala ng may pake sa kung ano ang ginagawa ko ay nakakadurog lamang ng damdamin. Mabuti ng sabayan ko na lamang itong nagyaya sa akin, hindi pa ako makakaramdam ng lungkot.

"Yes please" uttered to and quickly put my arms around his neck. We almost kissed but then again, who would bother if I kissed him?

"Hmm.. aggressive" sambit nito na ikinangisi niya.

"If you want, I can do more" sabi ko rito at daling tinungga ang baso ng alak ko para hindi ito masayang.

He complimented me of drinking it in one shot.

"Ohh... and wild" sabi nito na ikinangisi ko.

Akmang aabutin ko na siya ng halik nang bigla itong naudlot nong naramdaman kong tumunog ang phone ko. Wala akong nagawa kundi ang tignan ito sa inis dahil kanina pa ito tawag ng tawag. Si Jandi lang pala at Nico na walang humpay sa kakatawag sa akin.

"Boyfriend is calling?" mapanuyang sambit ng nasa nakanguso pa ng tignan ko.

"Don't have one... now where are we?" untang ko rito na ikinangisi niya ulit.

"You are supposed to kiss me" hindi ko alam kung tinutukso niya ako pero magpapatiuna naman ako. All he needs to do is asked. Still that would be my cue.

"Yeah right..." agad ko ring tugon rito at muling pinulupot ang mga kamay ko sa kanyang leeg para sa isang malalim na halik. Ramdam ko ang kamay nito sa bewang ko para idiin ako sa makisig niyang katawan na talagang ikinaungol ko pa talaga.

Sa ilang araw na nagdaan ay parang ito yung sandali na humalik ako sa isang labi at sa isang estranhero pa. Wala na akong pakialam pa kung ano ang sasabihin ng mga nakakahita. Ginawa ko lang naman kung ano yung tingin nila sa akin. Wala nang mawawala.

Pero habang lumalalim ay mga halik ko sa kanya ay muling sumasagi sa isip ko ang isang mas pamilyar na mga labi na labis kong pinangungulilaan. Inaasam na muli sanang matikman. Hindi ito yon at ang sakit isipin na hindi ko na iyon malalasap pa.

Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon